Ms. Maldita Meets Mr. Nice Guy #3

31 4 25
                                    

Ms. Maldita Meets Mr. Nice Guy #3

**FLASHBACK**

Mag uumpisa na akung magkwento at tumahimik naman silang lahat.

Flashback

"Sino ba yung mga lalaking sumusunod sayo?" Nagtatakang tanong niya.

"Hindi ko alam eh, bigla ko nalang naramdaman na may sumusunod sa akin, kaya binilisan kung maglakad." Sagot ko.

"Hahaha" bigla siyang tumawa at nagkamot ng batok niya.

Napakunot naman ang noo ko sa pagtawa niya.

"Anung nakakatawa dun?" iritang tanong ko.

"Pano kasi ang bilis mung maglakad." Anito.

"Eh sa kinabahan ako eh, tska sobra mo pa kung pinakaba." Sagot ko.

Isa din kaya siya sa may kasalanan kung bakit ako kinabahan ng sobra.

"Sorry about that." Anito.

"Okay lang at least nakaligtas ako sa mga sumusunod saakin." Huminga ako ng malalim at pabulung kung sinabi na "Thank you"

"Tatangapin ko yang thank you mo, kung sasamahan mo yung kumain." Nakangiting sabi niya.

"Pero--" di ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla ulit siyang nagsalita.

"Bawal tumangi." Aniya at hinawakan niya ang isa kung kamay at hinila ako.

Napatingin nalang ako sa kamay niyang nakahawak sa kaliwang kamay ko. Sekreto akung napangiti sa ginawa niya. Hindi ko alam pero ang gaan ng pakiramdam ko sakanya. Weird feelings, ano ba tung nangyayari saakin.?? Guys alam ninyo ba? Kung alam ninyo sabihin naman ninyo sa akin oh..

Wala akung nagawa kung hindi ang sumama, kahit first time palang naming magkakilala mabait naman siya at niligtas niya ako, kaya ito lang naman ang paraan para makapagpasalamat ako sakanya. Wala naman sigurong gagawing masama to saakin wala sa itsura niya ang ganung gawain. Gwapo kaya niya hehehe. :p

Nakarating kami sa parking lot at bigla niya akung pinagbuksan ng pinto.

"Pasok na." Nakangiting sabi niya.

"San tayo pupunta?" Nagtatakang tanong ko.

"Sa isang restaurant na sobrang sarap ang pagkain."

"Totoo ba yan?" Nag aalangang tanong ko.

"Wag kang mag alala wala akung gagawing masama sayo, kakain lang tayo." Nakangiting sabi niya. Hindi ba siya napapagod ngumiti?

"Sabi mo eh" sagot ko at sumakay na sa sasakyan niya.

Umikot naman siya para sa pumunta sa driver seat.

Nagmamaneho lang siya habang ako nakatingin sa labas ng bintana. Ayoko siyang tignan baka matunaw pa ang isang ito. Naiinis ako sa pakiramdan nato. Kakaiba to sa pakiramdan na nakasama ko si Jake. Si Jake lang ang unang naging boyfriend ko tska hindi kami nagtagal remember iniwan niya ako? Tsk..

"Ang tahimik mo ata?"

Napatingin ako sakanya at nakita kung nakatingin siya sa akin at tumingin ulit sa harapan niya.

Napangiti nalang ako.

"Wala naman, may iniisip lang" sagot ko.

"Ano naman?"

"My Ex" matamlay kung sagot.

"Oh..." yun lang ang sinabi niya at tumahimik na. Para bang gusto niya akung magkwento.

ROAD TO FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon