New Life #28

15 3 2
                                    

New Life #28

**A Letter**

Kapag pala talaga mahal mo yung isang tao, kahit ilang taon pa kayo magkahiwalay, hihintayin at hihintayin mo pa din ang pagbabalik niya. Pero sa pagbabalik niyang 'to hindi ko alam kung san kami papatungo. Hindi naman sapat yung mahal lang namin ang isa't isa para dito.

Sa ngayon hahayaan ko muna siya, kung kaya pa ba naming ipaglaban ang pagmamahalan namin. Nakakatawa lang isipin, na pati pala ako makagdkadanas ng kadramahan sa buhay.

NAPAKAMAPAGLARO NG TADHANA...

Pumasok ako sa kwarto ko at umupo sa kama.

Pano ko ba sasabihin ang lahat sa kanila?

Makakaya ko ba, na wala sila sa tabi ko?

Makakaya ko ba na malayo sa piling ng mga taong mahalaga sa akin?

Makakaya ko ba 'to ng mag isa?

Sa ngayon kung hindi ko susubukan hindi malalaman. Isa siguro ito sa mga pagsubok na kailangan kung harapin. Ang pagsubok na walang kasiguraduhan kung may papatunguhan.

Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng kwarto ko.. napapangiti nalang ako habang inaalala yung unang araw ko sa bahay at kwarto na to. Dito ako nagsusulat at nagpupuyat para sa mga ginagawa kung Novels. Sa kwarto kung ito inumpisahan yung Story ng "Road to Forever" The 7th Faces of Love.. ang story itong ang naglalarawan sa kwento naming magkakaibigan. Pagdating sa Love at mga Trials naming pito. Ngayon nalapit ko na itong matapos.. sa pagtatapos ng kwentong 'to, magiging masaya ako. Dahil masasabi kung sa kwentong ito ako naglagay ng halos totoong pangyayari sa aming buhay. Kahit isa lamang itong kwento minahal ko ito gaya ng pamamahal ko sa kanilang lahat.

Napukaw ang atensyon ko sa aking table at may nakapatong dun na isang envelop. Tumayo ako para kunin 'to, ito siguro yung sinasabi ni Anne kanina na dumating kahapon.

Kinuha ko yung envelop at dahan dahang binuksan. Hindi ko alam pero habang binubuksan ko 'to bumibilis ang tibok ng puso ko.

Ilang mga ganito na din ang natatangap ko. Mga documents na kailangan ko sa pag alis ko ang mga laman ng mga naunang documents. At ngayon ang laman ng envelop na 'to ay maaaring makapagpabago ng takbo ng buhay ko.

Pagbukas ko ng envelop bigla nalang tumulo yung luha ko. Hindi nga ako nagkamali. Ang laman ng envelop ay ang kuntrata sa isang company na patratrabahuan ko at yung plane ticket. Napahawak nalang ako ng mahigpit sa envelop.. wala kung takas dito.

ROAD TO FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon