Someone Like You #17

16 3 2
                                    

Someone Like You #17

**Advice**

Zik's Pov

Habang nag aayos ako ng mga gamit na dadalhin ko papuntang hospital, dahil may duty pa ko mamaya. Napansin ko yung magpinsan na nakasimangot na nakaupo sa may sofa..

Ano kayang problema ng dalawang yun?.. bulong ko sa sarili ko.

"Anung problema ninyo?" Tanong ko sa magpinsan..

"Wala.." halos sabay nilang sabi kaya nagkatinginan silang dalawa.

"Wala daw.." bulong ko..

Ipinagpatuloy ko lang ang pagliligpit ko sa mga gamit ko. Pero dahil hindi talaga ako mapakali at hindi ako sanay na nakikitang ganyan ang magpinsan masminabuti ko nalang silang kausapin.

"Tell me Cris! What's the problem?" Tanong ko sa kanya.

Lumapit ako sa kanila at umupo sa bakanteng upuan sa harap nila.

Napatingin naman ako kay Joy pero wala tulala ito at nakatingin sa ibang direksyon, napakalalim ng iniisip.

Parang nagdadalawang isip ito kung mag oopen ba siya sa akin o hindi.

"Cris tell me!! i'm your friend right.. at gusto kitang tulungan kung ano man yang gumugulo sayo ngayon." Concern kung sabi sa kanya.

Huminga ito ng malalim at tumingin sa akin. "Si Christian kasi eh." aniya.

"Bakit? Anung nangyari?" Nagtataka kung tanong sa kanya.

"Umalis na siya sa Airliness" malungkot nitong sabi.

"I think 3 months palang siya sa Airlines diba?" Tanong ko sa kanya.

"Yeah" anito at tumungo.

"Anung nangyari at bakit siya umalis?" Pag uusisa ko.

"Dahil kahit ano daw ang gawin niya hindi daw yun ang fashion niya." Anito.

"Hiningi ba niya ang opinion mo about sa bagay na yan?" Tanong ko sa kanya.

"Yeah" anito

"Anung sabi mo?"

"Sabi ko asasakanya yun kung aalis siya o hindi." Nakatungo pa ding sabi nito.

"Siguro Cris maging masaya ka nalang for him, kasi tignan mo Cris ha... kung totoosin ang swerte mo sa kanya eh." Huminga ako ng malalim at tinignan siya.. mahahalata mo nalang na naguguluhan siya sa sinabi ko. "Kasi hinanap ka niya at pumasok siya sa mundo mo kahit alam naman nating lahat na hindi talaga yun yung field niya." Sabi ko.

"Alam ko naman yun eh." Anito.

"Siguro ibigay mo nalang yung suporta na kailangan niya. Kasi alam ko para sa future din naman ninyo yung iniisip niya eh."

Sa sinabi kung yun napangiti nalang siya.

"Siguro tama ka Zik. Susuportahan ko nalang siya." Anito.

Napatango nalang ako sa sinabi niya. "Alam mo suportahan nalang ninyo ang isa't isa. Kasi sa bandang huli kayo pa din naman ang magkakaintindihan eh, Tska siguro kaya ka nalulungkot kasi di mo na siya makakasama araw araw at bihira mo nalang siya makikita." Sabi ko.

"Siguro nga ganun lang yun." Aniya.

"Sa una talaga mahirap, kasi nasanay ka ng nanjan lang siya sa tabi mo, pero masasanay ka din. Kasi sigurado naman ako na gagawa at gagawa ng paraan si Tian para magkasama kayo at makalaan ng oras para sa inyong dalawa." Nakangiting sabi ko.

ROAD TO FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon