The Student #34

18 3 0
                                    

The Student #34



Nikko and Joy Moment


Joy's Pov


Masasabi kung ako ang pinakabata sa aming pito. Pero kung minsan ako pa ata ang pinakamatanda kung mag isip. May mga oras kasing nagiging isip ba ang mga 'to.

Pagdating sa pag ibig hindi ko maiwasang hindi magselos, lalo nat gwapo ang boyfriend ko. Ang nakakainis lang minsan hindi siya makuha sa isang tingin. Masyado siyang friendly, pwede sana kung sa mga lalaki eh kaso sa mga babae naman, kaya kung minsan yun ang pinagtatalunan namin. Pagnaiinis na ko tatawanan lang niya ako. Masama na bang magselos ngayon? Hindi naman di ba? Kaya ganun lang naman ako kasi first boyfriend ko siya. At mahal na mahal ko ang lalaking to.. naaalala ko pa nga nang dahil sa kanya nagtampo ako kay Lou, akala ko kasi nun gusto niya si Lou at ganun din si Lou pero hindi pala. Nakakatawa lang na napag isipan ko sila ng ganun. Pero naging okay naman ang lahat.

Blaggg..

"Arayyy"

Napahawak ako sa ulo ko kung saan matamaan ng bola. Napaupo nalang din ako sa buhanginan.

"Ano ba Nikko" inis kung sabi.

"Ayos ka lang ba?" Tanong nito habang palapit sa akin.

Nang makalapit na siya sa akin ng tuluyan, umupo siya para magkapantay kaming dalawa, at hinawakan niya yung ulo ko.

"Masakit ba?" Nag aalala niyang tanong.

"Nikko ano sa tingin mo?" pagtataray kung sabi sa kanya.

"Ano ba kasing iniisip mo at tulala ka?" Anito.

"Wow sorry ha!" Sarkastiko kung sabi.. imbes na magsorry mukang papangaralan pa ko.

"Next time kasi wag kung anung iniisip mo para hindi ka nasasaktan tulad ngayon." Maging siya naiinis na dahil sa pagtataray ko sa kanya. At aba siya nga tung nakasakit sa akin siya pa ang may ganang magalit.

"Ah ganun! So talagang kasalanan ko" taas kilay kung sabi sa kanya. Itinulak ko siya ng bahagya dahilan para matumba siya. Tumayo ako agad at nagsimulang maglakad palayo sa kanya.

Napahawak ako sa ulo ko at medyo masakit pa nga, tamaan ka ba naman ng bola ng Volleyball tignan natin kung hindi ka masasaktan.

Naglalaro kasi kaming dalawa ng volleyball malay ko bang nakatulala pala ako. Oo na inaamin ko may kasalanan din ako, pero hello siya yung bumato nung bola tapos hindi manlang siya magsosorry sa akin. Tapos siya pa yung may ganang pagalitan ako!! Nakakainis lang kasi eh.

Imbes na alalayan niya akung tumayo, pinagtaasan pa niya ako ng boses. At sinabayan pa niya ako sa pagkainis ko ayan tuloy kahit gusto kung mag enjoy ngayon mukang hindi ko magagawa, dahil nagtalo kaming dalawa.

Hindi ko namamalayan medyo malayo na pala yung nalakad ko sa sobrang pagkainis. Magpapalipas muna ko ng inis ngayon, maya maya mawawala din 'to. Ganun naman ako eh, galit ako ngayon pero mamaya wala na din to.

Umupo ako sa buhanginan habang nakatingin sa dagat. May time talaga na may pagkachildish  ako, inaamin ko naman yun eh. Pero nakakainis lang kasi palagi nalang ganito. Kung hindi kami nag aaway, nagkakatampuhan naman kami gaya ngayon. Ang hirap lang kasi para bang minsan gusto ko ng sumuko sa relasyon namin, pero parang hindi ko kayang malayo sa kanya, mahal ko kasi eh.

Hindi ko namalayang naiyak nalang ako, gusto kung iiyak ito. Gusto kung mailabas lahat ng sama ng loob ko. Ipinatung ko yung ulo ko sa aking tuhod at dun umiyak.

Naramdaman kung may tumabi sa akin, pero hinayaan ko lang.

"I'm sorry" rinig kung sabi niya. Alam ko naman kung kaninung boses galing yun eh, at sa lalaking katabi ko ngayon.

"Ganito nalang ba tayo palagi?" Tanong ko sa kanya habang nakadukduk pa rin sa tuhod ko. Ayoko din kasing nakikita niya akung umiiyak.

"Hindi ko naman gustong sigawan at pagtaasan ka ng boses." Anito. Bakas ang sincerity sa boses niya.

"Pero ginawa mo!! Ang hirap ng ganito" tinignan ko siya, kung kanina ayokong makita niya akung umiiyak ngayon wala na akung pakialam. "Nakakasawa na kasi eh." Out of the blue nasabi ko yun. Hindi ko alam kung san nang galing yung mga salitang ulamabas mula sa bibig ko.

"Look i'm sorry Joy.." anito at hinawakan niya yung muka ko para tignan ako sa mga mata, pero itinagilid ko yung ulo ko. Ayokong makita ang kanyang mga mata. "Alam kung nahihirapan kana sa relasyon natin kasi away bati ang nangyayari. Pero Joy di ba yun yung masmaganda? Kasi habang nag aaway tayo dun nasusukat kung ganu katatag yung relasyon natin.." pinilit niya akung iharap sa kanya, kaya wala akung nagawa. Ngayon ay magkaharap na kami. Pinunasan niya yung luha na umaagos sa aking pisngi.

Huminga siya ng malalim at tumingin sa mga mata ko. "Ngayon ko lang to sasabihin kaya makinig kang mabuti." Anito ng seryoso, kaya wala akung nagawa kung hindi ang manahimik nalang. Wala din naman akung gustong sabihin kasi gusto kung marinig ang lahat ng sasabihin niya.

"Alam kung naiinis ka sa akin kapag nakikipag usap ako sa kung kanikaninung babae, pero kahit ganun hindi ako umiwas"

Medyo napakunot nalang yung noo ko sa sinabi niya. Alam pala niyang naiinis ako pero sige pa din siya, gustong gusto nalaga niya akung inaasar. Bulong ko sa sarili ko.

"Alam mo ba kung bakit?" tanong niya. Imbes na sagutin ko siya ay tinapunan ko nalang siya ng sama ng tingin. "Dahil gustong gusto kung nakukuha ang atensyon mo, dahil pagnakikita kitang naaapektuhan sa ginagawa ko. Dun ko lang napapatunahang mahalaga at mahal mo ako" anito. Ngumiti siya pero alam kung pilit lang yun. "At kanina nung nakita kitang nasaktan ng dahil sa akin, hindi ko mapigilang hindi mainis.. hindi dahil sayo, kung hindi dahil sa sarili ko.. na nasaktan kita ng hindi ko namamalayan.. Sana ako nalang yung nasaktan at hindi ikaw. Dahil ayokong nasasaktan lalo na kung nakikita kung ako yung dahilan." Anito.

Wala na akung ibang masabi, sa mga nanirig ko mula sa kanya nawala lahat ng inis na naramdaman ko kanina. Ang nangingibabaw ngayon ay yung pagmamahal na nararamdan ko para sa kanya. Niyakap ko siya ng mahigpit.

"I'm sorry.." yun nalang ang tanging nasabi ko..

"Shhhh" anito at pinahidpahid ang likod ko para patahanin ako mula sa pagkakaiyak.. "ako ang dapat magsorry sa lahat, kahit alam kung nasasaktan na kita. Pinagpapatuloy ko parin kung ano yung ginagawa ko. Pero ngayon magbabago na ko Joy at 'to ay para sayo.." aniya. Humiwalay siya sa pagkakaakap sa akin..

"Basta ang lagi mung tatandaan mahal na mahal kita at ikaw lang wala ng iba." Nakangiting sabi niya.

"Mahal na mahal din kita." Sagot ko. Hinalikan niya ako sa noo at pagkatapos inakbayan niya ako, kaya isinandal ko yung ulo ko sa balikat niya habang pinagmamasdan naming dalawa ang alon sa dagat..

May mga hindi man kami pagkakaunawaang dalawa, pero hanggat mahal namin ang isa't isa. Malalagpasan namin 'to ng magkasama.

Sa ngayon susulitin ko muna yung mga panahon naming dalawang magkasama.


Ang first boyfriend ko..




Gwapo...




Habulin..





Malambing..




Mapagmahal...




Yan si..







Nikko




Ang lalaking pinakamamahal ko :)

ROAD TO FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon