New Life #27
**Welcome Back Sam**
Livie's Pov
Hindi ko na hinintay pa na matapos yung kasiyahan sa field. Pagkatapos ng picture taking ay umalis na ako agad at pumasok sa loob ng Church, para kunin yung mga gamit ko.
Ayokong sirain yung araw ng lahat. Hindi pa ito yung tamang oras para malaman nila ang lahat.
"Aalis ka na?"
Napatingin ako sa nagsalita.
"Yeah" simple kung sagot. Kinuha ko na yung bag ko sa table namin kanina.
"Sa tingin mo ba sa pagbabalik niya magbabago pa ang isip mo?" Anito habang nakatingin sa akin.
"Ivan! alam mo namang hindi na at wala nang makakapagpabago pa sa isip ko."
Siya si Ivan. Yung palagi kung kasama dito sa Church at yung kausap ko sa office nung nagpunta si Alden dun. Siya ang nakakaalam ng lahat ng mga plano ko.
"Hay! Ano pa nga bang magagawa ko, eh kaibigan mo lang naman ako." anito at tumayo mula sa kinauupuan niya at lumapit sa akin. "Sana sa gagawin mung 'to sana wala kang pag sisihan sa bandang huli." dagdag pa niya at inakbayan ako.
"Kung may pagsisisihan man ako yun ay yung iiwan ko ang mga taong mahal ko." Sagot ko.
"Yeah, i know that. Pero tandaan mo andito lang naman kami for you eh." Anito at iniharap niya ako sa kanya. "We will support you! Kahit ano pang magiging pasya mo" nakangiting sabi niya sabay yakap sa akin.
"Thank you" yan nalang ang aking nasabi at sinuklian ko nalang ang yakap niya.
Humiwalay siya sa pagkakaakap. "Puntahan mo na siya. Alam kung inaantay kana ni Sam. At alam ko ding madami pa kayong pag uusapan." Anito at ginulo yung buhok ko. "Good luck sa pag uusap ninyo."
Tumango nalang ako at ngumiti bilang sagot.
Tumalikod na ako sa kanya at naglakad palabas ng Church.
Kailangan ko munang kausapin si Sam ng maayos, alam kung hindi siya papayag sa mga plano ko. Pero sa ngayon wala na siyang magagawa, nakapagdesisyon na ako. Sa ayaw man niya o sa gusto! Wala na siyang magagawa pa.
Sumakay ako ng Taxi papuntang Airport. Ngayon ang dating ni Sam galing ng New York. Hindi kami okay ngayon dahil sa kaunting pagtatalo. Alam niya ang plano ko pero hindi siya pumayag, bakit kung kailan pa daw darating na siya tska ako nagplanong umalis.
Hindi kasi niya ako maintindihan, ilang beses ko ng pinaliwanag sa kanya ang lahat pero hindi siya nakikinig sa akin. Kaya napagdesisyonan kung sunduin siya sa Airport ngayon, para makapag usap kami ng maayos bago ako umalis.
Sa sobrang pag iisip ko, hindi ko na namalayan ang oras. Napatingin ako sa labas ng bintana! Narito na pala ako sa Airport. Binigay ko na yung bayad at bumaba na ako ng Taxi.
Saktong pagsara ko ng pinto ng Taxi biglang may yumakap sa likuran ko.
"I miss you so much." Anito habang nakaakap siya ng maghigpit sa likuran ko.
Hindi ko alam kung ano ba tung nararamdaman ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Yung boses niya, yung yakap niya! Sa iisang tao ko lang naramdaman.
Tinangal ko yung pagkakaakap niya sa akin at unti unti akung humarap sa kanya. Pinipigilan kung wag maiyan sa harap niya. Sobra sobra ko siyang namiss.
"I miss you too." Sabi ko sabay yakap sa kanya ng mahigpit.
"And Welcome back Sam"
Humiwalay siya sa pagkakaakap at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. "Mag uusap tayo ha? Sana tama na yung dalawang taon na nagkahiwalay tayo! Tama na yung dalawang taong Long Distance Relationship natin." Anito ng seryoso.

BINABASA MO ANG
ROAD TO FOREVER
DiversosThe 7 Faces of Love (Sassy Princesses Story) Written By: LivieGamit Date Started: September. 2015 Finished: ____