Second Chance #23
**Jealous?**
---Part 2---Enrique's Pov
Habang busy ako sa nagiikot ikot ako dito sa Eastwood, may nakita akung pigura ng isang babae sa isang Coffee shop. Parang kilala ko ito.. bulong ko sa sarili ko, pero hindi ako nakakasigurado kung tama nga ang hinala ko kasi nakadukduk siya sa lamesa.. hanggang sa iniangat niya yung ulo niya at dun ko napagtantong kilala ko nga ang babaeng yun. Kaya nagmadali agad akung puntahan siya..
Bakit siya umiiyak? Bulong ko sa sarili ko.
Hanggang sa makalapit ako sa kanya.. Kitang kita ko sa mga mata niya ang pagkabigla at the same time bigla siyang ngumiti pero alam kung peke lang ang mga ngiting yun kaya niyakap ko agad siya.
Hindi ko alam kung bakit pero ito lang ang nakikita ko para mapagaan ko ang loob niya.
"bakit ka umiiyak?" Tanong ko sa kanya habang nakayakap ako, pero hindi siya sumagot kaya humiwalay ako sa pagkakaakap sa kanya.. at nakita kung may tumulong luha ulit sa mga mata nito.. kaya minabuti kung punasan ito gamit ang tomb ko.
"Shhh!! Tahana Anne.." pagpapatahan ko sa kanya.. tumabi ako masmalapit sa pwesto niya para hagudin yung likod niya para tuluyan na siyang tumahan..
"Tell me what happened?" Tanong ko nung medyo tumahan na siya kaya tumingin siya sa akin.
I think she needs a friend to talk about her problem..
"Si Alden kasi eh." Anito habang nagpupunas ng mga luha niya.
"Who's Alden?" Tanong ko.
"He's my best friend" anito.
Napataas naman ang kilay ko dahil sa sagot niya.. nagmumuka tuloy akung bakla dito.. tsk..
"Oh eh anung meron sa kanya?" Tanong ko.
"Actually siya yung kasama ko kanina." Nakayukong sabi niya.
"Eh asan siya ngayon?"
Ngumuwi siya.. then parang iiyak ulit siya kaya hinawakan ko yung isa niyang kamay na nakapatong sa mesa.
"Nag away kayo?" Tanong ko. Then inalis ko din agad yung kamay ko sa kamay niya..
Tumango siya bilang sagot.
"Ano naman ang pinag awayan o pinagtalunan niyo?"
"Ikaw.." diretsyo niyang sabi.
"Akooo??" Nagtataka kung taong habang nakaturo sa sarili ko.
"Yeah" anito ng hindi nakatingin sa akin.
Parang gusto kung humagalpak sa tawa dahil sa narinig ko..
"Bakit nasali ako sa usapan niyo?" Pang uusisa ko.
"Naikwento kasi kita sa kanya.. then naalala ko naicompare na pala kita sa kanya pero.." huminga siya ng malalim "hindi ko naman sinasadya yun eh.. siya din naman ang may kasalanan eh.. hindi siya nagsasalita habang nagkwekwento ako.. kaya hindi ko namalayang napagkumpara ko kayong dalawa." Anito.
Mukang alam ko na kung bakit nagalit yung Alden.. kung ako din siguro ang nasa posisyon niya maiinis din ako.. tsk tsk.. mga babae nga talaga..

BINABASA MO ANG
ROAD TO FOREVER
RastgeleThe 7 Faces of Love (Sassy Princesses Story) Written By: LivieGamit Date Started: September. 2015 Finished: ____