Second Chance #24
**What should i do?**
Alden's Pov
Hindi ko alam kung kaya ko bang makipag usap kay Anne, dahil dun sa nangyari nung nakaraang araw. Nung makita ko siyang tumahan mula sa pag iyak, at nakitang ngumiti ng dahil sa lalaking yun.. masminabuti ko nalang na umalis, kaysa nakikita ko siyang masaya sa piling ng iba. Na parang wala akung silbi bilang best friend. Dahil ako pa ang nagiging dahilan ng pag iyak niya.
Masisisi ba ninyo ako kung nadala ako ng galit? Na pinangunahan ako ng selos? Masama bang mahalin mo ng higit pa sa kaibigan yung best friend mo?. Dahil ako alam kung gusto ko yung best friend ko.. oh i should say i'm in love with my best friend secretly. At hanggang ngayon hindi ko pa kayang ipagtapat kung ano ba talaga yung totoong nararamdan ko sa kanya.
Napakahirap umamin lalonat hindi ko alam kung ano ba ang nararamdaman niya para sa akin. Kung kaibigan lang ba talaga ako para sa kanya.. Kung bakit ba kasi sa iba pa siyang tumitingin eh narito lang naman ako, nag aantay na mahalin din niya ako sa bandang huli.
Napapaisip nalang ako kung nagtapat ba ako noon pa lang.. ano kayang nangyari sa amin? Maging kami ba? Oh masisira yung friendship namin ng dahil sa pagtatapat ko.. Ang hirap kasing itaya yung friendship namin eh.. yung mga pinagsamahan namin ng almost 10 years. Pagkatapos mawawala lang ng dahil sa isang pagkakamali..
Pero para sa akin kasi hindi pagkakamali ang mahalin siya, kahit hindi niya kayang suklian ang pagmamahal ko sa kanya. kaya kung magtiis at maghintay ng tamang panahon para mapagtapat ko sa kanya ang nararamdaman ko.
Masaya naman ako eh kapagnakikita ko siyang masaya.. na may bago siyang kakilala at kaibigan, pero hindi ninyo maaalis sa aking masaktan.
Kung kayo ba!! Makikita ninyong yung taong gusto o mahal ninyo... nagagawang pasayahin ng ibang tao, hindi ka maiinggit?.. kahit makipagpustahan pa ako sa inyo, sigurado akung mararamdan ninyo kung ano yung nararamdan ko.
Bakit ba kasi sa dinami dami ng babaeng pwede kung mahalin siya pa!! yung best friend ko pa.
What should i do?
Dahil hindi ko alam kung anung gagawin ko masminabuti ko munang humingi ng payo sa isa sa mga kaibigan niya. Kaya tumawag ako kay Livie kung pwede ko ba siyang makausap.. at ang sabi niya pwede naman siya at kung pwede sa office ko nalang siyang puntahan, dahil hindi siya makakaalis dun. Kaya heto ako ngayon pababa na ng kotse ko, at papasok na ko sa loob ng publishing house na pinagtatarabahuan niya.
Bakit si Livie ang tinawagan ko? Simple lang alam kung mabibigyan niya ako ng mga payo na kapakipakinabang. Base kasi sa kwento ni Anne noon sa mga kaibigan niya, magagaling magbigay ng mga advice ang mga ito, pero iba si Livie siguro dahil isa siyang Writer/Author. Kaya sa kanya ako lumapit.
Nakapasok na ako sa loob ng building ng hindi ko manlang namamalayan. Nagtungo ako sa Receptionist Aria.. Para magtanong kung nasaan ba dito ang office ni Livie.
"Hello Sir.. ano pung maipaglilingkod namin sa inyo?" Magalang na pagbati nung Receptionist sa akin.
"I just want to ask.. where's the office of Miss Livie?" Nakangiti kung tanong.
"Oh okay Sir.. may appointment ka po ba kay Ma'am Livie?" Tanong niya.
"Yeah" sagot ko.
Kinuha nung receptionist yung telephone sa ibabaw ng table niya at mukang tinatawagan niya si Livie para iconfirm kung may appointment ako sa kanya. Pero hinayaan ko nalang siyang kausapin kung sino man yung kausap niya, at nilibot ko ng tingin ang kabuuan ng building.. at mukang safe naman ang pagkakagawa ng building.. maganda din ang design nito.

BINABASA MO ANG
ROAD TO FOREVER
AcakThe 7 Faces of Love (Sassy Princesses Story) Written By: LivieGamit Date Started: September. 2015 Finished: ____