Friendship and Love #10

23 4 4
                                    

Friendship and Love #10

**Surprises and Forgiveness**
**Part 3**

Lou's Pov

Nagising ako mula sa sinag ng araw na dumampi sa aking muka.

Maayos na ang aking pakiramdam.

Tumingin ako sa paligid at tumambad sa akin ang mga kaibigan kung tulog na tulog sa sahig.

"Anung ginagawa ng mga 'to dito? Bakit dito sila natulog?" Bulong ko sa sarili ko.

"Teka! Anung nangyari kahapon? Ang tanging naaalala ko lang ay nahilo ako at dun nagdilim na ang paligid ko."

"Oh gising kana pala." Napatingin ako sa may pinto. At bumungad si Livie pala papasok ng kwarto.

"Ah oo." Sagot ko.

Lumapit siya at hinawakan ang noo ko.

"Ayan wala ka ng lagnat." Anito at pumunta sa mga natutulog.

"Teka anung gagawin mo?" Nagtataka kung tanong. May hawak kasi siyang dalawang takip ng kaserola.

"Hindi ko sana to gagamitin kung tulog ka pa, pero ngayong gising ka na." Ngumiti ito ng nakakaloko. "Mambubulabog muna ako. Whahaha ang hirap kasi nilang gisingin eh kanina ko pa silang ginigising." Anito.

"Kalokohan mo. Hahaha" natatawa kung sabi. "Tska maaga pa naman ha."

"Maaga ka jan. 1:00 pm na kaya." Anito sabay nguso sa orasan sa may side table ko.

"What?" Halos mapalundag ako sa gulat.. may pasok kasi ako ngayon.

"Wag kang mag alala, sinabi na naming di ka makakapasok dahil nilalagnat ka. Kaya napag isipan ng lahat na tumawag na din sa mga kanya kanya naming trabaho para samahan ka dito." Aniya.

"Awww ang sweet talaga ninyo."
Nakangiting sabi ko. "Teka pano pala akung napunta dito?" Nagtatakang tanong ko. Nasa Blue Land kami kahapon eh.

"Malamang inuwi ka namin dito." sarkastikong sabi niya.

"Sinong nagdala saakin pauwi?" Nagtataka kasi ako eh.

"Gusto mung malaman kung sino?" Nakangising sabi niya.

Tumango ako bilang sagot "Yes"

"Si Jesse." Simpleng sagot niya.

Napalunok nalang ako sa sinabi niya *_*

Hindi ako makapaniwala na siya ang magdadala saakin dito sa bahay.

Paaakkk... paaakkk... paaakkk

(A/N: tunog po yan ng takip ng kaldero na parang pinapalakpak hehehe)

"Waaahhh ang ingayy.."

"May sunoggg"

"Tubigggg"

"Wahhh magugunaw na ang mundo..."

"Tulongggg"

"Whahahahaha" halos maluha luha si Livie sa itsura ng lima.

ROAD TO FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon