New Life #31

10 3 0
                                    

New Life #31



**The Future**



Livie's Pov


Pabalik na ako ng manila ngayon. Ang sabi ni Sam susunduin daw niya ako sa terminal ng bus. Hindi na ako nagtanong kung bakit kailangan pa niya akung sunduin, eh kaya ko naman bumiyahe ng mag isa. Pero gaya nga ng sabi ko di na ako nagtanong pa, dahil ayokong magtalo pa ulit kami. Lalo na't bukas na ang alis ko. Ang bilis lang talaga ng panahon, parang kailan lang nung huling bumiyahe ako papuntang manila. Kung saan unang beses naming magkakasama ng lahat. Sa bus terminal ang meeting place namin that time.. hayy sa sobrang bilis ng panahon, di ko namamalayan ang tagal na din pala naming magkakasama.

Nakapagpaalam na din ako sa pamilya ko, nung una nagulat sila at hindi aakalaing aalis ako ng bansa kasi ayos naman ang trabaho ko dito. Pero nung ipaliwanag ko sa kanila ang lahat sinuportahan nalang nila ako. Sayang nga lang daw kasi hindi nila ako nakasama ng matagal bago ako umalis. Gusto din nila akung ihatid sa airport bukas kaso hindi ako pumayag. At naintindihan naman nila yun. Todo ang bilin nila sa akin, wag ko daw papabayaan ang sarili ko at mag ingat daw ako dun.. nakakatawa lang, halos mag iyakan sila kaso ako ayokong umiyak sa harap nila. Kawawa nga akung nagpipilig sa luha ko na wag tumulo, buti nalang at nakisama. Nagpakatatag ako para wag nila akung makitang mahina, nilalakasan ko yung loob ko para din sa kanila. At ito na yung panahon para masuklian ang lahat ng nagawa nila sa akin.

Sa pamilya ko kasi ako humuhugot ng lakas ng loob, sa mga taong mahal ko ako kumukuha ng suporta. Kaya maslalo akung pursigido so mga plano ko, dahil alam kung nariyan lang sila sa tabi ko.

Ipinikit ko ang aking mga mata para kahit papano makatulog ako. Wala pa kasi akung tulog at pahinga dahil kinukulit ako ng mga pinsan ko. Nakakatuwa nga kasi sobrang close naming lahat kaya ang saya lang ng last night ko sa probinsya kasama ang mga taong mahal ko.

Makalipas ang ilang oras may naramdaman akung tumutusok tusok sa pisngi ko.

"Hmmm" medyo inaantok pa ko.

"Gising na." Mahalumanay niyang sabi.

Napadilat ako ng mga mata ko ng marinig ko agad ang boses niya.

Pagtingin ko sa kanya, isang napakagandang ngiti ang isinalubong niya sa akin.

"Pagod?" Tanong niya.

"Medyo lang naman." Sabi ko at umayos sa pagkakaupo. Nilibot ko yung pangingin ko pero wala ng tao, kaming dalawa nalang ni Sam ang narito.

Mukang napansin naman ni Sam yung tinitignan ko. "Lumabas na ang lahat ng pasahero, kaya tarana." nilahad niya yung kamay niya at kinuha ko naman yun para alalayan akung tumayo. Kinuha niya ang lahat ng dala ko at pumunta agad kami sa kotse ninya.

Inilagay niya ang lahat ng gamit ko sa back seat at pagkatapos pinagbuksan niya ako ng pinto sa harap, pumasok ako at umikot siya para pumunta sa driver seat.

Mukang masaya siya ngayon napapansin ko kasing kanina pa siyang nakangiti eh.

"Ano kayang meron?" bulong ko sa sarili ko.

Tinignan ko yung oras 7:00 am palang ng umaga. Madaling araw kasi ako bumiyahe, dahil yun ang sabi ni Sam. Ewan ko ba kung anung plano ng lalaking to.

Napatingin ako sa kanya, gaya kanina nakangiti pa din siya. Tumingin ako sa labas ng bintana pero hindi pamilyar sa akin tung dinadaanan namin.

Napakunot nalang ang noo ko at tumingin sa kanya. "San tayo pupunta?" Nagtatakang tanong ko.

Tumingin siya sa akin at habang nakangiti. "Anung nginingiti mo jan?" Taas kilay kung tanong sa kanya.

ROAD TO FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon