Friendship and Love #9

24 4 3
                                        

Friendship and Love #9

**Surprises and Forgiveness**
**Part 2**

"LOUUU"

Napatingin kaming lahat sa sumigay. Nagulat ang lahat ng nakaupo si Anne sa sahig habang sapo niya si Lou.

Tatakbohin sana namin pero biglang lumitaw si Jesse na hindi ko alam kung saan nanggaling.

Nataranta na ang lahat, pero still nakahawak padin sa kamay ko si Nikko.

Gusto ko itung bitawan pero hindi niya ito pinapakawalan.

"Nikko." Sabi ko sakanya pero umiling lang siya habang nakatingin kung nasaan sila Anne.

"Hindi na tayo kailangan jan." Nakangiting sabi niya. Kaya napakunot ang noo ko.

"Pano mo nagagawang ngumiti eh nawalan na ng malay si Lou." Mejo asar kung sabi.

"Tignan mo." Aniya habang inaakbayan ako.

Tinignan ko yung tinutukoy niya.

Si Jesse buhat buhat si Lou na walang malay.

Lumapit kami sakanila habang akbay akbay padin ako ni Nikko.

Pacool lang ang dating -_-

"San ninyo dahalhin si Lou?" Nagtataka kung tanong sakanila.

"Sa bahay." Sagot ni Thea.

"Teka sasama kami." Sagot ko.

"Opss wag na kami ng bahala kay Lou." Ani Livie.

"P-pero" di ko na naituloy ang sasabihin ko ng biglang nagsalita ulit si Livie.

"Wala ng pero pero!!! Joy hindi magugustuhan ni Lou kung pati kayo mapipirwisyo ng dahil dito. Tska sigurado kami na magagalit yun pag nalaman niyang hindi ninyo naenjoy tung araw na to. Pinagpaguran niya ang idea na ito tapos madadaan lang sa wala. Kaya dito nalang kayo, kasama ninyo sila Cris at Christian." Nakangiting sabi ni Livie.

"Tama si Livie. Kami ng bahala kay Lou." sabi naman ni Anne.

"Isa pa kasasagot mo lang kay Nikko kaya dapat mag enjoy muna kayo, tska nakita ko naman mukang nahimatay lang si Lou dahil sa pagod. Kaya dapat sulitin ninyo yung pinaghirapan ni Lou." Ani Zik.

"Si Nurse na ang bahala kay Lou." Ani Thea at kumindat pa.

Tumango nalang ako at hinayaan silang umalis. Magkakasunod silang naglakad papunta sa Exit ng Blue Land at naiwan kaming apat na nakatayo.

"Wag nating sayangin ang araw na to at ang pagod ni Lou." Ani Dang.

Napatango nalang ako. Tama sila pinagpaguran niya ito at dahil dito nagkasakit na siya. Kaya susundin nalang namin ang mga sinabi nila. May mga tiwala naman ako sa mga kaibigan ko na aalagaan nila si Lou. Lalong lalo na at naroon si Jesse.

Jesse's Pov

Nang makita ko si Lou ng walang malay, hindi ko alam ang gagawin ko. Kinabahan ako bigla kaya tinakbo ko siya para buhatin.

At ngayon kasama ko ang mga kaibigan ni Lou. Napakaiingay pala nila pag magkakasama. -_-

Buti at natitiis ni Lou na kasama ang mga ito. Ang pagkakakilala ko kasi sakanya napakatahimik niyang babae, pero who knows matagal ko siyang hindi nakita at nakasama. Malamang madami na siyang pinagbago.

"Jesse ang bagal mung magmaneho." Angal ni Thea.

"Hindi siya mabagal, nagdadahan dahan lang siya." Sabi naman ni Anne.

ROAD TO FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon