The Banker #36

15 2 0
                                    

The Banker #36

Thea's Pov




Appreciate the people that have been there for you through your ups and downs because those are the people that love you the most.

.


.

.



May mga tao talagang alam kung kailan ka malungkot, at kung kailan ka masaya.

Kung kailan ka madaldal at kung kailan ka tahimik.

Kung kailan kailangan mo siya sa tabi mo.

Kung kailan ka niya papatawanin, kapag may problema ka.

Kung kailan ipapakita niya ang tunay na siya sa harap ng taong mahal niya.

Maswerte ako ang nakahanap ako ng gaya niya.. oh should i say dumating siya sa buhay ko ng biglaan at sumasabay sa trip ko sa buhay. Sa pagtawa ko, alam kung kasama ko siya. Sa lungkot man oh saya alam kung kasama ko siya. At sa ngayon alam kung handa na ako para sa next level ng relationship namin. Ang tanging hinihintay ko nalang ay tanungin niya ako. At handa na akung sagutin ang taong nagmamay ari na ng aking puso. Ang pusong matagal kung pinaghilom dahil sa sakit ng kahapon.

Hindi ko alam kung pano nag umpisa ang lahat ng ito, pero napagtanto ko lang na mahal at mahalaga siya sa akin nung umiwas siya ng dahil kay Dj. Kung hindi siguro dahil kay Dj hindi ko mapagtatanto kung ano ba talaga si Paul sa buhay ko. Hanggang sa umamin siya sa akin.. nung araw na yun sobrang bilis ng tibok ng puso ko, yun na rin pala ang hudyat na gusto ko siya. Hindi lang bilang kaibigan, pero sa tingin ko noon mashigit pa dun.

Masaya talagang maranasan na mahalaga ka din pala sa isang tao at pinapahalagahan ka nito ng husto. Na iginagalang ka sa lahat ng aspeto sa buhay. Yung kaya kang tangapin na kung sino ka ba talaga. Yung maypagkaboyish na gaya ko, may magkakagusto din pala sa akin. Masarap sa pakiramdam na masaya ka hindi lang dahil sa mga kaibigan mo, kung hindi dahil din sa taong mahal mo. At sa taong nagmamahal sayo.

"Thea!! Halika dito." Sigaw ni Paul habang kinakawayan ako.

Tumakbo ako palapit sa kanya.. nakaupo ito sa buhanginan na para bang may pinapanood sa buhanginan.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya at lumuhod din ako para magpantay kami.. at saktong may nakita akung naglalakad na baby crab.. ang dami nila..

"Tara laro tayo." Ani Paul sabay kuhay ng dalawang baby crab.

"Hala grabe ka Paul.. di kana naawa sa mga baby crab."

"Wag kang mag alala di ko naman sila papatayin eh.."

"Ano ba kasing gagawin mo jan?"

"Maglalaro tayo.."

Napataas ang kilay ako sa sinabi niya.

Ano nanaman kaya ang trip ng isang ito? Tanong ko sa sarili ko.

"Ito yung sayo" aniya at ibinigay sa akin yung isang baby crab.

"Aanhin ko to?" Taas kilay kung tanong sa kanya.

Lumayo siya sa akin at gumuhit ng straight sa buhangin..

"Try mung kainin hahahaha" natatawang sabi niya.

"Ikaw kaya ang kumain dito" inis kung sabi sa kanya.

Lumapit siya sa akin at inakbayan ako.

"Ikaw talaga di kana mabiro.. joke lang yun." Nakangiting sabi niya.

ROAD TO FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon