The Architect #38

10 2 0
                                        

The Architect #38

Anne's Pov

I'm so afraid to falling inlove with my bestfriend.

Sino ba naman ang gustong mahulog sa bestfriend mo? Yung tipong natatakot ka na mahulog at baka hindi ka niya magawang salohin. Yung tipong natatakot ka ng dahil sa nararamdaman mo na baka masira ang friendship na meron kayo, yung tagal ng pinagsamahan ninyo. Na baka masira lang ito ng dahil sa isang pagkakamali at yun ay ang mahulog ka sa kanya at masaktan ka. Love is like a game, if you lose try again. Pero sa amin kasi ni Alden mahirap kaya nakakatakot isugal yung friendship namin. Ayokong sa bandang huli ay masaktan ako at masaktan ko siya. Kaya maspinili kung kalimutan kung ano man yung nararamdaman ko para sa kanya.

Nung mga nakaraang linggo, hindi ako manhid para hindi maramdaman na may kakaiba sa kanya. Sa mga kinikilos niya, sa mga pagpaparamdam niya. Sa kakaibang ugali niya pag nagkwekwento ako about kay Enrique, dun palang nakahalata na ako pero hinayaan ko lang dahil baka mali ako. Pero nung ginulo niya ang isip ko dahil sa mga sinabi niya natako at the same time natuwa pero masnangibabaw yung takot na naramdaman ko.

Nung una ayokong bigyang ng Second Chance ang sarili kung mahalin siya, pero nung nakausap ko si Livie dun 'ko masnaliwanagan. Kung ano ba ang sa tingin ko ay dapat. Na kailangan kung bigyan ng Second Chance ang sarili ko. Na hayaan kung mahalin ko siya gaya ng pagmamahal niya sa akin. Na kahit minsan piliin ko naman kung ano yung magpapasaya sa akin, at yun ay ang mahalin ko si Alden gaya ng pagmamahal at pag aalaga na binibigay niya sa akin.

"Anung ginagawa natin dito?" Tanong ko sa kanya.

"Umupo ka muna" nakangiting sabi nito.

Umupo ako sa may damuhan. Narito kami sa bandang garden ng bahay, actually napakaganda ng bahay na to. Sinong makapagsasabi na may garden pala dito tapos sa likod naman makikita mo yung magandang view ng dagat. Dito sa may garden may mga table at upuan, napapaligiran din ng mga nagtataasang puno at may mga sari sari ding nakatanim na mga halaman kaya malilim at napakapresko ng hanggin.

Umupo din siya sa tabi ko. May dala dala din siyang gitara, hindi na ako nagtanong kung bakit siya may dalang gitara.

Napatingin ako sa kanya at ganun din siya sa akin. Nakangiti lang ito, ewan ko ba.. mula ng naging open siya sa nararamdaman niya sa akin nag iba yung epekto ng mga pagngiti ngiti niya sa akin. At mula ng hindi ko na pinigilan ang sarili kung mahalin siya lahat ng malilit na bagay nagagawa niya akung pasayahin.

"Natatandaan mo pa ba yung kantang sinulat mo?" Anito ng nakatingin sa mga mata ko.

"Hmmm oo naman" sagot ko. "Yung kantang sabi mo gagawan mo ng tono at kakantahin mo sa harap ko!!" Dagdag ko pa.

"Yhap yun nga."

"Pero hindi ko natapos na isulat yun"

"Tinapos ko na" ngayon hindi lang ang labi niya ang nakangiti kung hindi pati mga mata niya.

"Talaga?" Masaya kung sabi.

Hindi ako makapaniwala, ang pagkakatanda ko kasi nun sinabi ko sa kanya na gusto kung kantahin niya sa akin ang kantang yun. Pero hindi ko siya natapos at ngayon, heto at tinapos niya.

Tumango siya bilang sagot.

"Ito pakingan mo ng mabuti Anne.. ito ay para sayo." Aniya..

Inumpisahan niyang patugtugin yung hawak niyang gitara.

Yung intro ng kanta napaka ganda. Ang ganda sa pandinig.

Will you be mine?
By: Fritz Anne (Original Lyrics)

ROAD TO FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon