The More You Hate!! The More You Love? #12
** Bakit siya pa?**
Thea's Pov
Ang pagkakataon nga naman parang nananadya lang. Bakit sa dinami rami ng pwede makatrabaho siya pa..
"Problema mo?" Napatingin ako sa nagsalita sa tabi ko..
"Wala" sagot ko at tinuon ko nalang sa iba ang atensyon ko.
"Wala daw eh nakasimangot ka." Umupo ito tabi ko at inakbayan ako.
"Pwede ba.. tangalin mo ng yang kamay mo." Sagot ko at pilit na tinatangal yung kamay niya sa balikat ko. Pero wala hindi ko talaga siya kaya..
"Ayoko nga" nakangiting sabi niya.
"What ever" sabi ko..
Talo din kasi ako sakanya.. kahit anung tangal ang gawin ko sa kamay niya sa balikat ko, hindi rin naman niya tatangalin. Tska sanay na ko sakanya.
Makulit pero Sweet..
Pasaway pero Nakakakilig..
Moody pero Madaldal..
Mapang asar pero Pikunin..
Yan si Paul ang super close friend ko dito sa office..
Sa sobrang close namin palagi kaming magkasama.. Gaya ngayon -_-
"Sabihin mo na kasi kung bakit ganyan ang muka mo ngayon? Nagmumuka kang bisugo sa sobrang haba ng nguso." Natatawang sabi nito.
Tinignan ko siya ng masama. "Ako mukang bisugo?" Taas kilay kung tanong..
"Hahaha hindi ba?" nakangising sabi niya..
"Ewan ko sayo.." sagot ko at itinulak ko siya dahilan ng pagkakaalis ng akbay niya saakin..
"Ayan pikon ka nanaman." Aniya at umayos ng upo.. isinandal niya yung likod niya sa upuan..
"Sino ba kasing nauna?" Pagtataray ko sakanya..
"Eh hindi kana mabiro eh.." anito. "Namiss lang naman kita." Dagdag pa nito.
"Yan ba ang namiss? Pinagtritripan ako?" Sagot ko.
"Hindi kana nasanay." Anito.
"Wow ha.. sanay na sanay na ko sayo." Sarcastic kung sabi..
Opo sa totoo lang sanay na sanay na ako sakanya. Kasi nga CLOSE KAMI..
"Sorry na... Naglalambing lang naman eh." Anito at aba nagpacute pa ang sira.
"Manahimik ka jan." Pagtataray ko, pero sa totoo lang natatawa talaga ko pag nagpapacute siya. Para lang siyang bading..
"Bati na tayo.." nakapout na sabi nito.. "hindi ka kasi pumasok kahapon eh kaya ayan namiss kita." Anito..
"Oo na namiss mo na ko kung namiss. Di ka ba nangingilabot sa pinagsasasabi mo?" Sagot ko.
"Hindi." Aniya.. "kasi yun naman ang nararamdan ko eh." Dagdag niya..
Ayan mula sa pagiging mapantrip ngayon sweet naman siya..
"Ewan ko sayo." Sabi ko nalang..
"Bakit ba ang sungit mo ngayon?" Anito.
"Wala nga" pasigaw kung sabi..
Ang kulit kasi eh..
BINABASA MO ANG
ROAD TO FOREVER
RandomThe 7 Faces of Love (Sassy Princesses Story) Written By: LivieGamit Date Started: September. 2015 Finished: ____
