Ms. Maldita Meets Mr. Nice Guy #2
**Ang Pagtatagpo**
"Wahhh help meeee!!!" Bigla kung sigaw pero tinakpan niya ang bibig ko. At itinago niya ako mula sa bisig niya.
"Ano ba!!!!" Pagpupumiglas ako pero wala pa din.
"Shhhh" aniya.
Napatigil nalang ako sa pagpupumiglas at napalunok nalang ako dahil sa kaba.
Naramdaman kung lumingon lingon siya sa paligid at bigla niyang tinangal ang pagkakatakip niya sa bibig ko.
"Are you okay?" Aniya.
"Anong okay dun ha? Papatayin mo ba ko sa kaba?" Pasigaw kung sabi habang hawak ko ang parte ng dibdib ko kung asan ang puso ko, nakayuko ako habang sinasabi ang katagang yun.
Papatayin ba ko ng isang to?
"I'm sorry!! I just want to help you" anito.
"Help? Sinung nagsabi sayo na i need your help?" Inis kung sabi.
Pwede naman niya akung tulungan pero hindi yung bibiglain ka niya, akala ko kasi masamang tao din ang isang ito.
"Look Miss, i'm sorry kung natakot kita!! Hindi ko sinasadya." Anito at inabutan niya ako ng panyo.
Napatingin ako sa panyong inabot niya at tumingin ako sakanya.
Nakangiti ito habang inaabot yung panyo.
Tinaasan ko siya ng kilay "para saan naman yan?" Nagtatakang tanong ko.
"Pamunas sa luha mo." Aniya sabay punas sa pisngi ko.
Omg hindi ko namalayan naluha na pala ako.
Tinabig ko ang kamay niya at kinuha ang panyo sa kamay niya, at ako na ang pumunas sa mga luha ko.
Kahit nahihiya ako sa inasal ko kanina kailangan ko paring magpasalamat sakanya.
"T-thank you" nauutal kung sabi at napayuko nalang ako sa hiya.
"No problem" anito ng nakangiti.
"By the way i'm Christian." Inabot nito ang kamay niya sa akin.
Tinignan ko ang kamay nila at tinignan ko siya mula sa kanyang mga mata.
"I'm Maricris or Cris for short" sagot ko at tinangap ang kamay niya para makipag shake hands.
Dun ko lang siya natitigan ng mabuti. Brown ang kulay ng mga mata niya, ang haba ng pilikmata. Ang tangos ng ilong at kissable lips. At super tangkad din niya.
"Nice to meet you Cris." Aniya.
Hindi ko alam pero hindi matangal ang tingingin ko sa kanyang mga mata.
"Nice to meet you too Tian" nakangiting sabi ko.
Hindi ko alam pero hindi ko siya kayan tarayan. Hindi naman ako ganito sa mga unang beses ko palang nakikilala..
Oo natarayan at napagmalditahan ko siya kanina pero dahil sa sobrang kaba lang yun. Ewan ko pero bakit ngayon umurong ata ang kamalditahan ko pagdating sa kanya.
Pamilyar ang pakiramdan na to sa akin...
WAG NAMAN SANA...
-------
"Wahh Cris dumating ka din." Bungad ni Thea sa akin at niyakap ako.
"Thea!! hindi ako makahinga" sagot ko.
BINABASA MO ANG
ROAD TO FOREVER
AcakThe 7 Faces of Love (Sassy Princesses Story) Written By: LivieGamit Date Started: September. 2015 Finished: ____
