Friendship and Love #7
**Anung pinagkaiba ng Mahal sa Gusto?**
Jesse's Pov
Di mo inaasahan na ang taong hindi mo pinapansin noon ay ang taong MAMAHALIN MO PALA NG SOBRA NGAYON.
Oo hindi ko siya gusto nung una dahil hindi ko pa siya lubusang kilala. Pero nung unti unti ko siyang nakilala napalapit ako sakanya ng husto.
College life, yan ata ang pinakamasayang panahon naming dalawa. Naging kami at lahat ng memories naming magkasama ng masaya narito parin sa puso ko. After graduation, iniwan ko ang babaeng pinakamamahal ko at never ng nagpakita sakanya.
Alam ko maling mali ang ginawa ko, alam ko kasalahan ko ang lahat dahil sa ginawa ko. Hindi ko pinaglaban yung pagmamahal ko sakanya. Natakot lang ako na mawala siya sa akin. Pero sa ginawa kung pag iwan sakanya, yun pala ang makakasira nun. Hindi ko siya masisisi kung sa tuwing makikita niya ako, yung galit niya saakin ang naaalala niya.Gustong gusto ko siyang makita at mayakap ulit, makasama ng kagaya ng dati. Yung masaya at walang problemang kinakaharap. Kaya nagdesisyon akung hanapin ulit siya, kaya nung nalaman kung may tinuturuan siya sa UST napagdesisyonan kung puntahan siya. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon iba ang nakita ko at si Joy nga yun. Pero hindi ako nagsisi na sumama that time kay Joy sa bahay nila at mukang napakaiksi ng mundo naming dalawa. Ang babaeng matagal ko ng gustong makita ay nakita ko that time. Pero hindi ko na inaasahang papansinin niya ako, dahil nga sa nasaktan ko siya.
Syempre bilang lalaki na nakasakit sa damdaming ng babaeng pinakamamahal niya ay parang may nakabara dito sa puso ko. Nakabara na hindi matangal tangal mula ng makita ko yung mga mata niya. Para bang bumalik sakanya yung sakit ng kahapon, yung sakit na pinagdaanan niya. I'm sorry Lou.. Sana mapatawad mo pa ko sa mga sakit na naidulot ko sayo.
Nung dumating yung Nikko, hindi ko alam ang mararamdan ko ng makita ko ang kanyang ngiti sakanyang labi. Nakaramdam ako ng inggit at inis that time, pero wala na akung karapatan mula ng iwan ko siya.
Pero gagawin ko ang lahat para mapatawad niya ako. Dahil hindi ko na hahayaang mawala ulit siya saakin.
The girl that i love..
The girl that i want..
The girl that all i need..
The girl that i want to stay in my life..
My Destiny..
My Forever..
And
My Life..
"Thank you" Napatingin ako sa nagsalita.
Pagkatapos ko siyang hilahin papunta dito sa garden ng university nila para patahanin. Kahit gustong gusto kung hilahin si Lou kanina nung narinig ko ang pangalan niya. Nakakainis dahil pangalan palang ni Lou affected na ako, hindi ko alam biglang nanigas ang buong katawan ko. Hindi ko alam kung anung gagawin ko, pero ng marinig ko ang pangalan niya mabilis akung napalayo sa pagkakaakap kay Joy. At unti unting tumingin kay Lou, pero walang reaction ang mga mata niya. Tska siya umalis kasama yung Nikko. Kaya wala akung nagawa kung hindi ang alalayan si Joy sa paglalakad at icomfort siya.
"Wala yun." Sagot ko.
Hindi na siya umiiyak. Pero malalim parin ang iniisip niya. Kitang kita ko naman sa mga mata niya, na may pinagdadaanan siyang problema.
![](https://img.wattpad.com/cover/48511439-288-k395449.jpg)
BINABASA MO ANG
ROAD TO FOREVER
RandomThe 7 Faces of Love (Sassy Princesses Story) Written By: LivieGamit Date Started: September. 2015 Finished: ____