The More You Hate!! The More You Love? #15

23 3 2
                                    

The More You Hate!! The More You Love? #15

**Be Happy**

Paul's Pov

Napangalumbaba nalang ako sa sobrang kakaisip sa mga narinig ko sa usapan nila Dj at Thea.. "Tama naman tung ginawa ko di ba?" bulong ko sa sarili ko. "Ginusto ko namang magkaayos sila, pero bakit ganito yung nararamdaman ko? Dahil kaya sa mga narinig ko?" Huming ako ng malalim "kung bakit ba kasi nakinig pa ako sa usapan nila eh.. kung bakit ba kasi pinangunahan ako ng curiosity ko, kaya heto ako ngayon gulong gulo. Ano ba tung iniisip ko, nalilito ako kung ano ba talaga ang nararamdaman ko. Ito ba ang dulot mo sa akin Thea? Ang lituhin ako sa nararamdaman ko?"

Malinaw na sa akin ngayon na talagang may puwang si Dj sa puso at buhay ni Thea. Siya din yung tinutukoy ni Thea noon na nanakit sa kanya. Ang tanga ko lang kasi hindi ko agad napagtanto ang mga bagay na yun.

Ang malaking gumugulo nalang saakin ngayon ay kung may narararamdaman pa ba si Thea kay Dj? O friendship nalang ba talaga ang meron sila?

Aaminin ko mahalaga si Thea sa akin, hindi lang bilang kaibigan kung hindi mahigit pa dun. Pero hanggat hindi ko pa alam kung ano ba talaga ko, sisiguraduhin ko muna. Ayoko naman na baka pag gumawa ako ng maling desisyon ako naman ang makasakit sakanya. At yun naman ang ayokong mangyari, ang maging dahilan para masaktan ulit siya..

"Uy!! Tulala ka jan." Napalingon ako sa nagsalita. Lumapit siya sa akin ng nakangiti.

"Masaya ka ata?" Tanong ko sakanya at inakbayan ako.

"Kasi nag kaayos na kami eh." Anito.

Tinangal ko ang pagkakaakbay niya sa akin.

"Alam ko." Simpleng sagot ko.

"Pano mo nalaman?" Nagtatakang tanong niya.

"Basta" sagot ko at tumayo na.

Ewan ko ba kung bakit pero wala ako sa mood makipag usap sakanya ngayon.

"Teka san ka pupunta?" Anito pero hindi ko nalang siya pinansin at nagtuloy tuloy sa paglalakad. Habang naguguluhan pa ako sa nararamdaman, lalayo muna ko. Ito lang yung paraan para malaman ko kung ano ba talaga siya para saakin. Alam kung mahihirapan ako sa gagawin ko pero i need to try this para sa ikakatahimik ng isip ko.

Thea's Pov

Nakakainis... ano bang problema niya? Bakit ba sa tuwing lalapitan ko siya at kakausapin bigla siyang lalayo. Ano bang trip ng lalaking yun? May mali ba kung ginawa sakanya?. Kung meron man sana sinasabi niya hindi yung iniiwasan niya ako.

Akala ko maayos na ang lahat kasi okay na kami ni Dj, pero my gosh ano bang problema ni Paul?.

Kung tatanungin ninyo si Dj okay kami, nagkakaibruan na ulit kami at nakakapagtrabaho na din kami ng maayos together. Minsan nga sa pagiging malapit namin sa isa't isa super inaasar na kaming dalawa. Pero pinagtatawanan nalang naman namin yun, dahil alam ko namang malabo na kami para sa isa't isa. Pero now a days kasi iba din yung treatment niya sa akin eh. At yun ang ayoko, kasi naramdaman ko na nun sakanya ang mga bagay na yun, at dahil dun nasaktan niya ako. Kaya yun ang pinaka kinatatakutan ko ngayon.

ROAD TO FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon