Someone Like You #16

20 4 2
                                    

Someone Like You #16

**I Miss You**

Thea's Pov

Ilang araw na din nakakaraan mula ng umalis si DJ. Masaya ako na bago siya umalis ay nagkaaayos kami, at siya na mismo ang gumawa ng paraan para magkabati kaming dalawa.

Pero kung nagkaayos na kami ni Dj, si Paul naman hanggang ngayon hindi pa din kami nakakapag usap ng maayos.

Ewan ko ba sa lalaking yun kung ano ang tumatakbo sa utak niya. -_-

"Ang lalim ng iniisip mo ha."

Napatingin ako sa nagsalita si Zik lang pala.

"Ah wala naman may iniisip lang" sagot ko. Pero may nakapukaw ng atensyon ko.

"Teka ano yang hawak mo?" Nagtataka kung tanong sakanya.

"Ah ito ba?" Aniya at ipinakita yung hawak nito. "Tatapusin ko lang tung painting" anito.

"Para kanino naman yan?" Tanong ko.

"Sa isang taong naging mahalaga sa akin." Aniya ng nakangiti.

"ayiee may pagbibigyan siya." Tukso ko sa kanya.

"Sira ka talaga Thea." Natatawang sabi niya.

"Kaya ka siguro palaging puyat dahil jan?" Tanong ko sa kanya. Kasi hindi lang din ako ang nakakapansin niyan maging si Joy eh.

Nagkamot siya ng batok at ngumiti "Mejo" aniya.

"Sabi na eh." Sagot ko.

"Sige Thea punta muna ko sa veranda para matapos na din to." Aniya.

Tumango nalang ako bilang sagot. Nagpunta siya sa veranda  ng bahay. Maganda kasi ang view sa veranda at malamig din ang simoy ng hangin. Makakapag concentrate talaga siya sa gagawin niya.

Napaisip naman ako kanino kaya niya ibibigay yung painting na ginagawa niya? Mukang importante yung taong pagbibigyan niya ito. Dahil hindi naman siya magpapagod ng ganun kung hindi importante yung pagbibigyan niya.

Guys kilala ba ninyo kung sino??

__

Aakyat na sana ko sa kwarto namin ni Lou ng biglang may tumawag sa pangalan ko.

"Thea" Anito.

Matagal ko na ding hindi naririnig ang pagtawag niya sa pangalan ko.

Napalingo ako sa kanya at nasa pintuan siya kasama ni Anne.

"Maiwan ko muna kayo." Ani Anne at umalis na papuntang kusina.

Ang tao lang ngayon dito sa bahay ay Ako si Anne, si Zik at si Livie na natutulog pa ata. Pahinga kasi namin ngayon.

Napatingin ako sa kanya. "Anung ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.

"May gusto akung sabihin sayo." Seryosong sabi niya.

Lumapit ako ng bahagya sa kanya.

"Halika sumama ka sa akin." Sabi ko at hinila nalang siya papuntang garden.

Lahat naman may tamang panahon at ito na yung panahon na yun para makapag usap kami ng maayos. At para maayos na kung ano ba talaga ang problema. Dahil habang tumatagal lalo lang gumugulo ang isip ko, lalo na sa kakaisip ng mga bagay bagay..

ROAD TO FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon