Friendship and Love #5
** UNEXPECTED**
Joy's Pov
Pagkatapos kung salubungin si Cris at ipunta sa harap ni Jesse, bigla kung napansin na may kasama pala siya. Tumingin muna ako kay Dang!! At mukang gulat na gulat siya ng makita si Jesse. Sino bang hindi eh maging ako nagulat nung nakita ko siya.
Napatingin ulit ako sa kasama niya, at umalis ako sa tabi ni Dang para puntahan ang kasama niya..
Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon.
Siya ang kasama ni Dang? Oh my Gosh hindi ko alam pero naexcite ako ng makita ulit siya..
Wah ang Destiny ni Dang all this time, nagkita na pala sila.
"JESSE"
"CHRISTIAN"
Sabay naming sabi ni Dang. Napatingin ako kay Dang at ganun din siya. Napatingin ulit kami sa lalaking asa harap namin. Nakangiti lang si Christian saakin kaya napangiti din ako..
Hindi ko napigilan ang sarili ko at napayakap ako ng mahigpit sakanya.
"Wahhh i miss you Kuya Tian." Masayang sabi ko habang yakap yakap ko siya at halos maiyak ako sa sobrang saya.
"Hahaha miss you too Joy." Anito at niyakap din ako.
As always sweet padin siya. That's why i love this guy..
"Wait Dang halika nga muna, Pati ikaw Tian" Inis na sabi ni Cris.
"Patay" bulong ko, pero mukang narinig ito ni Kuya Tian.
"Its okay." Nakangiting sabi niya, para bang expected na niyang mangyayari to.
Lumapit kaming dalawa sa sofa at tumabi ako kay Dang at tumabi siya kay Jesse.
Nagtataka ba kayo kung bakit di ko siya tinatawag na Kuya? Kasi noon palang Crush ko na siya at hindi lingid sa kaalaman naming apat ang nararamdaman ko para sakanya. Hindi naman awkward sa amin yun kasi noon pa man kapatid lang talaga ang turing niya saakin. Ang sad no? -_-
"Ano to?" Tanong ni Dang.
"Ang alin dang?" Nagtataka kung tanong..
"Bakit hindi ninyo sinabing magkakakilala kayo." Inis na sabi ni Dang.
"Ha? Ano bang pinagsasasabi mo?" Naguguluhan kung tanong.
"Bakit mo kilala si Christian at bakit andito si Jesse, Dang?" Tinignan niya ako ng Matalim.
"Kung si Jesse, nakita ko lang siya sa gate ng school na mukang may inaantay." Then tumingin ako kay Jesse nakangiti lang ito at tatango tango. Bakit kaya hindi siya ang magpaliwanag dito? tapos ngingiti ngiti pa.. tsk..
"Tapos si Kuya Tian naman, hello dang naduling ka ba at hindi siya namumukaan?" Tanong ko.
Tinaasan lang niya ako ng kilay at parang nag aantay ng susunod kung sasabihin.
"Siya lang naman ang kakambal ni Jesse." Sabi ko at tumingin din ako kay Kuya Tian na nakatingin kay Dang at ganun din si Dang nakatingin kay Kuya Tian.. parang nag uusap sa isip ang dalawang ito ha.
"Totoo ba?" Ani Dang kay Kuya Tian.
Unti unting napatango si Kuya sa tanong ni Dang.
"Bakit hindi mo agad sinabi?" Halos maluhang sabi ni Dang.
Kung kanina nagsusungit siya ngayon wala na. pagkagulat at saya ang nakikita ko sakanya ngayon.
"Dahil--" Hindi naituloy ni Kuya Tian ang sasabihin niya ng may Biglang nagsalita.
BINABASA MO ANG
ROAD TO FOREVER
CasualeThe 7 Faces of Love (Sassy Princesses Story) Written By: LivieGamit Date Started: September. 2015 Finished: ____
