The More You Hate!! The More You Love? #13

22 4 5
                                    

The More You Hate!! The More You Love? #13

**Isip at Puso**

"Anung itsura yan?"

Napatingin ako sa nagsalita.

"Ano bang problema sa itsura ko? Ha! Zikky?" Inis kung tanong.

Ang aga aga yung itsura ko agad ang napansin -_-

"Wag ka ng magtaka Zik" ani
Anne.

"Ano bang meron?" nagtatakang tanong niya.

"Obviously hindi mo talaga alam Zikky?" Nakataas kilay na tanong ni Cris.

"Hindi." Simple nitong sagot.

"Ay ewan ko sayo Zikky." Ani Cris at tumayo na ito. "Slow ka din eh" dagdag pa nito at tuluyan ng umalis.

"Hahahaha" natawa nalang si Anne.

"Anung nakakatawa dun Anne?" Tanong nito kay Anne.

"Kailan ka pa ba naging slow?" Sumeryoso si Anne.

Napatingin naman ako kay Zik na hanggang ngayon ay nagtataka pa din.

"Kung hindi mo makuha sasabihin ko na, mukang may problema si Thea." Rinig kung sabi nila.

"Talaga?" Anito at tumingin naman saakin.

"oo" simpleng sagot ni Anne.

"Wow ha! Pinag uusapan talaga ninyo ako? Eh narito lang naman yung taong pinag uusapan ninyo -_-" Sarkastiko kung sabi.

Napatingin sila saakin at nag peace sign ^_^v

Wala talagang magwa sa buhay ang dalawang to. Napakaaga pa pero ako agad ang unang nakita
-_-

Tumayo nalang ako sa kinauupuan ko.

"San ka pupunta?" Tanong ni Zik.

"Sa Mall" simple kung sagot.

Wala din naman akung pasok ngayon. Gusto ko ding makapag isip isip.

"Teka sama ko." Paghabol ni Zik saakin.

"Okay." Sagot ko.

"Ingat girls..." rinig kung sigaw ni Anne.

"Bye.." rinig kung sigaw naman ni Zik.

Ewan ko kung bakit sumama ngayon saakin si Zik mostly kasi hindi siya lumalabas ng bahay.
Lagi lang siyang nakakulong sa kwarto at nagpapahinga. Minsan naaawa din ako sa isang ito eh. Puyatan kung puyatan ang trabaho. Minsan hindi pa nga siya nakakatulog eh. Buti nalang hindi ganun ang trabaho ko, maka makapatay pa ko ng wala sa oras >_<

Nagtaxi kami papuntang SM MEGA MALL.. Ewan ko ba dun ko gustong pumunta ngayon. Kahit sabihin na nating palagi kaming dun nagpupunta hindi nakakasawa. Marami kasi kaming memories na magkakaibigan sa Mall na yun, kaya hindi ako nagsasawa at lahat ng Memories na yun magaganda. Pero nung hindi pa kami magkakasama sa iisang bahay, dun kami sa Mall na yun naghihiwalay hiwalay kahit sobrang hirap sa pakiramdam.

Pero ngayon ang SM MEGA MALL ang isa sa pinakamalapit na mall sa amin..

Narito kami sa taxi ngayon mejo malapit na din kami sa mall.

"Himala lumabas ka ng bahay." Sabi ko kay Zik.

Tumingin siya sa akin bago nagsalita "Wala lang naman gusto ko lang mamasyal" anito.

"May problema ka ba?" Tanong ko sakanya.

Ngumiwi siya at ngumiti. "Wala no! Ano ka ba." Anito at tumingin sa labas ng bintana.

ROAD TO FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon