Time Check: 9:20 p.m
Hay! This day is a very ‘TIRING DAY’. Dami naming ginawa ni Yui kanina para sa Debut.
Diniscuss namin yung important part ng Debut. Yun ay ang Grand Entrance ko DAW. Sosyal..
Pumunta kami sa sobrang laking kwarto na walang kalaman-laman.
Pinakita niya muna sa akin ang Entrance ko, saka niya ako prinactice. Pagkatapos kong makuha, pinakita niya naman sa akin yung sayaw kung saan isasayaw ako ng napiling 18 Roses. Isinample niya sa mga Bakla na nandun. Hindi naman sila karami, mga pito lang na bakla ang isinample niya. Saka niya ulit ako pinagpractice.
Mahirap sa umpisa, kailangan lang ng practice para matutunan.
After namin ipractice ang mga DANCE steps, bumalik na kami sa kwartong maliit.
Pinakita niya sa akin yung mga 18 Roses. Ang escort ko, siyempre.. My one and ONLY ZACH! May mga ibang hindi ko kilala. Sabi ni Yui, pinili nila yung sasayaw sa akin na nasa matataas na antas ng mga bampira. Hindi ko naman kilala pero pinakita sa akin ni Yui ang mga litrato nila, kaya pinag-aralan ko talaga sila.
Paliwanag rin niya, iba iba ang kanilang mga ugali.. Galing sila sa respetadong pamilya ng mga Bampira.
Naglalakad ako ngayon.. Papunta lang po ako sa mga kwarto ng mga kaibigan ko. Dumiretso na ako sa itaas pagkatapos akong kumain dun sa maliit na kwarto. Parang Meeting Session namin ni Yui kasama ang mga Bakla.
Dala-dala ko ang mga damit ng mga kaibigan ko. Sosyal si Yui. Gusto niya Bongga at Sexy ang idadamit nila pagdating ng Debut ko.
Paniguradong tulog na ang mga yun, sana naman hindi pa.
*knock*
*knock*
*knock*
Binuksan ni Elea, pero half open lang.
“Oh, sis!”—Elea.. sumisilip ako pero hinaharang niya. May something kasi sa loob
“Anong kailangan mo Sis?” tanong sa akin ni Elea na nakakapanibago dahil ngiti niya.. There’s something not RIGHT..
“Ipapabigay ko lang sana sayo ito.” Binigay ko yung damit ni Elea. Ok, kay Jeresse naman..
Pinapanood ako ni Elea hanggang sa napunta na ako sa tapat ng pintuan ni Jeresse..
Kakatok na sana ako pero “Ah, Sis! Tulog na si Jeresse.. Magwawala yan, paginistorbo mo tulog niya. Ibibigay mo yan?”tanong ni Elea sa akin..
“Ah, oo.. Sa kanya yung black eh.. Tutal ayaw mo akong paistorbihin ang kanyang tulog, ibibigay ko na lang sayo at ibigay mo na lang sa kanya bukas pagkagising”binigay ko na yung damit ni Jeresse.
Kinuha niya sabay sabing “Sige! Salamat! Matutulog na ako..Good Night!!” atsaka niya sinarado yung pintuan..
BINABASA MO ANG
The Vampire's WIFE (On-Going)
VampirosVampires are mythical beings who subsist by feeding on the life essence (blood is their food source). The vampires most people are familiar with (such as Dracula) are revenants - human corpses that are said to return from the grave to harm the livi...