Day 3 : Welcome Test (Lower & General Section )

623 8 0
                                    

Hellton University

Stephanie P.O.V 

***

Maaga Akong Pumunta dito sa Hellton University, Hinihintay ko si Nathan, Hinihintay ko ang Result kung Tanggap ba ako sa Special Section o Hindi. SANA TANGGAP AKO .

"Siguro Mamaya pa Dating nun" bulong ko sa Sarili ko.

Oo nga Pala kakaiba yung School uniform namin dito , Color Coding kung baga . WHITE sa mga Special section , BLUE sa mga General section, at GREEN sa mga Lower Section.

Naisipan kong MagLibot Libot muna dito sa Hellton, Total hindi ko pa naman kabisado yung mga Sections Dito.

***

Ryan P.O.V

Kinakabahan ako, First time kung pumasok sa isang Malaki at Magandang Unibersidad.

Nandito ako ngayon sa sinasabing Lower Section, OO! isa akong Lower Section, Pagdating sa Katalinuhan wala akong maibubuga, pero may Pangarap ako, may Pangarap kami ni Ate, at yun ay ang makapagtapos ng pag-aaral at Makapagtrabaho.

Tanaw ko na Mula rito ang Building ng Lower Section, Palapit na ako ng Palapit ng may na amoy akong Baho ng Sigarilyo,

San galing yung amoy na yun?

Hinawakan ko ang Door knob, at dahan dahan kung Binuksan,

"WTF!! "

Ano to? Bat Ganito? sa Kaliwa may nagsisigarilyo, sa Kanan may gumagamit ng Bawal na Gamot, DRUGS kumbaga.

Sa grupo ng Kababaihan may Nagme-make up , Pulang pula ang mga labi habang humihithit ng Sigarilyo, Ang iiksi ng mga palda na akala mo'y pupunta ng BAR.

"OKAY KA LANG?"

Napatalon ako sa kaba nang may Biglang nagsalita sa Likod ko.

***

Stephanie P.O.V

Napahinto ako sa Building ng General Section ng may napansin akong kakaiba, may Pumasok na babae sa Isang Room, sa tingin ko Transferee ata .

"Oh? Ikaw yung Transferee?" Rinig kong sabi nung babae siya ata yung Class president sa Section nila.

"O-opo"

"Oh, WELCOME ^_^ btw what's your Name? "

"Syrill Mae Aguas Po"

"Okay and I'm Bea Nicole Kinoshita The Class president of General section,"

Nakita kong Nakangiti ng Nakakaloko si Bea yung class president sa General section, nakita kong may Kinuha siyang Makapal na libro.

"As a GENERAL STUDENT , May Welcome Test kaming inihanda para sayo .. Test na kung saan sinusubok namin yung mga Transferees kung Nararapat ba sila sa SECTION na ito,

Nakita mo tong MAKAPAL na librong hawak ko ? Para Ma QUALIFIED ka as a General Student . Kailangan mong tiisin ang Sakit upang makapasok ka dito , ISANG TAO, ISANG SAMPAL , 59 Students kaming nandito sa General Section , So asahan mong LIMANGPU'T SIYAM NA SAMPAL ang Dadampi jan sa Mukha mo , Handa ka na ba?"

"O-opo" Nanginginig na sabi nung babae.

Nakakapagtaka! Ganito ba talaga dito? Kailangan may WELCOME TEST ka pang Pagdadaanan bago ka makapasok sa SECTION na nais mong pasukan,

Sa Special Section may Test kang sasagutan 100 ITEMS ALL IN ALL IN JUST ONE MINUTE! Sa General Section ISANG SAMPAL SA ISANG MAKAPAL NA LIBRO ANG DADAMPI SA MUKHA MO!

Sa LOWER SECTION? si Ryan! Ano na kayang nangyari sa kapatid ko! Kailangan kong makita ang kapatid ko, pupunta ako ngayon sa Lower Section !

"SINO KA? " Boses Lalaki Napalingon ako at tinignan niya ang uniporme ko.

"ISA KANG SPECIAL SECTION! ANONG GINAGAWA MO DITO?"
And everything went black..

***

Ryan P.O.V 

"Okay ka Lang ?" Napatalon ako sa kaba ng may nagsalitang babae sa Likod ko.

"Ahh O-oo"

"Sino ka ? Syaka ano kailangan mo dito sa Lower Section ?"

"Ah, ito na po ba ang Lower Section ? Transferee po kasi ako" .

"Ah okay , ano pangalan mo?"

"Ryan , Ryan lim Cruz "

"Okay , And I'm Nicole Sandoval The Class president , Welcome sa LOWER SECTION"

Hinawakan niya ang kamay ko at pumasok kami sa loob ng Lower Section . KINAKABAHAN ako .

GUYSSSSS! I WOULD LIKE YOU TO MEET RYAN LIM CRUZ, OUR NEW CLASSMATE ^_^

Nakangiti niyang pagpapakilala sa akin , napansin kong nagsitigil sila sa kanilang ginagawa at May lumapit sa aking maangas na Lalaki .

"Oh ! Bago ka pala dito ah , Nakatikim kana ba ng Sigarilyong Nag aapoy at idinikit sa balat ? "

Di ko siya maintindihan! Ano ibig niyang sabihin?

"Kung gusto mong mapabilang sa LOWER SECTION, bibinyagan muna namin yang napakaganda mong BALAT !

At sinindihan niya yung sigarilyo at idinikit sa balat ko, PUTANGINA! ANG SAKIT! 

***

Dama niyo ba yung Sakit? V______V hahaha.

Leave Your Comment :)
Please Vote :)

Hellton University -Chapter 3-

Written by: Heartlessjam Xoxo//Jomar Sagayno//

Hellton University [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon