Hellton University.
Stephanie P.O.V
"Julia, Dahil ikaw ang nakakaalam kung nasaan nakalagay yung album ikaw ang kukuha sa opisina ni Mr. Lucas" sabi ni Nathan.
Nandito kami ngayon sa Canteen nagplaplano kung paano namin makukuha yung album na nakita ni julia sa opisina ni Mr.Lucas.
"Ayoko ko nang bumalik dun" matigas na sabi ni julia.
"a-ako na kukuha" presenta ni Bea.
"Pero ituro mo sa akin kung saan nakalagay yung album"sabi ni Bea kay julia.
"Oo, Magtawagan tayo sa phone" sabi ni julia.
"Okay si bea na ang kukuha ng album sa opisina ni Mr.Lucas at kayo naman Steph, josh, at julia dun Lang kayo sa building natin" pagpapaliwanag ni Nathan.
"Eh? Bat sa building Lang kami?" Tanong ni Julia
"Remember? magtuturo si Mr.Lucas ngayon at tiyak na walang tao sa opisina niya so bantayan niyo si Mr.Lucas Mamaya na hindi pupunta sa Opisina niya at para makuha ni Bea ang album" sabi ni Nathan.
"Julia ikaw ang magsasabi kay bea kung sakaling magpunta si Mr.Lucas sa opisina niya at ikaw din ang magsasabi kay Bea kung saan nakalagay at anong itsura ng album na nakita mo sa opisina ni Mr.Lucas sa madaling salita Magtawagan kayo sa phone" pagpapatuloy ni Nathan.
"Sge" bilang tugon ni Julia.
"Okay, Mag iingat kayo" sabi ni Nathan.
"San ka pala pupunta nathan?" Tanong ko kay Nathan.
"Pupuntahan namin si Mr.Takahashi" sabi niya.
"Sino kasama mo?" Tanong ko.
"Si Nicole at ang kapatid mo" sabi niya.
Si Ryan? Sasama sa kanila?
"Huwag kang mag aalala walang masamang mangyayari sa kapatid mo. Kakausapin Lang naman namin si Mr.Takahashi" pagpapatuloy ni Nathan.
"Sge Mag iingat kayo" sabi ko.
"Sge kayo din, Guys kailangan ko ng puntahan sina nicole at para maabutan pa namin si Mr.Takahashi sa kanila, mag iingat kayo" pagpapaalam ni Nathan.
"Sge Sge Mag iingat kayo" sabi ni Bea.
"Tol! Ingat" sabi ni Josh
"Ge" sabi ni Nathan at tumakbo na papuntang Lower Section para sunduin sina Nicole at ang kapatid ko.
"Bea, nasaan nga pala si Syrill?" Biglang tanong ni Julia.
Oo nga, napapansin ko ring wala si Syrill dito ah.
"Ah nasa building namin, pinaiwan ko muna para bantayan yung mga kaklase ko, Remember? President ako dun kaya si syrill muna magbabantay sa kanila at pumayag naman siya, kasama naman niya si Amora dun" sabi ni Bea.
Ah Kaya pala.
*KRINGGGGGGGG!!!!!*
Tumunog na yung School bell namin, it means balik na sa pag aaral ang lahat.
"guys oras na. Maghanda na kayo! bea tatawagan ka Lang ni julia para sabihing pwede ka nang pumasok sa opisina ni Mr.Lucas okay?" Sabi ni Josh.
"Okay" sabi ni Bea.
"Tara na!" Sabi ni Julia.
Ito na! Kinakabahan na ako jusko po.
***
Makukuha kaya ni Bea ang Album? O makikita siya ni Mr.Lucas sa opisina nito?
Magtagumpay kaya sila sa kanilang mga plano?
At makakausap ba nila nathan si Mr.Takahashi sa Bahay nito? O di kaya wala na si Mr.Takahashi sa bahay nila?
ABANGAN :)
Hellton University.
Written by: Heartlessjam Xoxo//Jomar Sagayno//
BINABASA MO ANG
Hellton University [Completed]
Horror• C o m p l e t e d • 39 Bodies Guess who gets the last Laugh