Hellton University.
Stephanie P.O.V
Ang sakit ng Kaliwang Mata ko. bigla nalang akong nahimatay at nawalan ng Malay. Basta ang huli ko nalang natandaan ay ang kamay ng isang Lalaki.
Salamat sa diyos at ok nako.
Kanina ko pa napapansin ang mga kilos ni Julia, parang may kakaiba sa kanya hindi siya nagsasalita at kumikibo palagi nalang siyang Tahimik at laging nakaupo sa gilid.
Nilapitan ko siya .....
"Julia? Ok ka lang?" Tanong ko sa kanya pero hindi niya ko sinagot, iniwas niya lang ang tingin niya at niyayakap ang sariling Katawan.
"Tama na Please.. ayoko na Tama na please.." yan ang parating lumalabas sa bibig niya, parang may malaking pinagdadaan si julia.
"Julia, May problema ka ba?" Hinawakan ko ang mga braso niya .
"DEMONYO KA! HUWAG MO KONG HAWAKAN!!! DEMONYO KA! DEMONYO KA.... DEMONYO KA..... DEMONYO KA!!! ."
humagulgol na siya ng iyak at Tinulak niya ko.
Ang sakit ng pagkakatulak niya.
Biglang dumating si Dianne ang Vice president sa klase namin.
STEPHANIE !!!!
Itinayo niya ko sa pagkakatulak
"DEMONYO KA!!! DEMONYO KA!!!
"hayaan na muna natin siya kailangan niyang mapag-isa"
***
Syrill P.O.V
Nandito ako sa ilalim ng
puno. Gusto kong Mapag isa.Sa tatlong Araw ko dito mas naging nakilala ko nang lubusan ang ugali ng General Section, Lalong Lalo na si Jairoh akala mo lang Mahina sa suntukan pero may ugaling Demonyo siyang di mo inaasahan.
"Hi? "
"Ayy Pusang Gala! Nako naman binigla mo ko"
Grabe . Nabigla ako sa presensiya ng lalaking to. Bigla bigla nalang sumusulpot, sino ba to?
"Hmm. Sino ka? " tanong ko sa kanya.
"Ryan, Ryan Lim Cruz Po" sagot niya.
"Ahh. Ok " sabi ko.
"Ikaw ?"
"Syrill, Syrill Mae Aguas"
"Hmm okay Anong Section ka?" Tanong niya.
"General Section" sagot ko.
"Ahh .. "
"Ikaw? Anong section ka?" Tanong ko .
"Lower Section" malungkot niyang sabi.
"Oh ? Bat ka malungkot? Dahil ba Lower Section ka?"
"Hmm Oo eh" sabay himas sa batok niya.
"Bat ka naman nahihiya? Hindi naman siguro hadlang ang pagiging Lower section sa mga Pangarap mo diba?
Syaka Hindi ka dapat naghahabol ng grades, hindi naman Karera ang pag-aaral , at isa pa hindi naman nasusukat ng mga Numerong yan ang Halaga mo bilang Tao."
Tumawa siya....
"Oo nga naman, hahaha." Natatawang sabi niya.
"Hahaha, bat ka pala nag transfer dito?" Tanong ko.
"Para makapag tapos ng pag-aaral, Si lola kasi nagpapa aral samin dito." Sabi niya.
"Ah.. may Kapatid ka?" tanong ko.
"Oo, Si Ate Steph dito din siya nag aaral sa Special Section nga siya eh." Sabi niya
"Ah Ganun ba, nabalitaan mo ba yung babaeng nahimatay sa Special Section?" Tanong ko.
"Oo, Ate ko yun" sabi niya.
Talaga? Ate niya yun?
"T-talaga? Ate mo yun?"
"Oo bakit?" Tanong niya.
"Ah, hihihi, nakita ko siya nun sa building ng General section ..Grabe nga yung Suntok sa kaliwang Mata ng Ate mo eh, kitang kita ko yung panununtok ni Jairoh" sabi ko sa kanya.
"Putangina nga eh! Pasalamat yung jairoh na yun wala ako nun, kundi Basag yung mukha ng gagong yun."
"Hahaha, Katakot ka naman ^_^ " hinampas ko yung braso niya.
" Ah Shit "
"ayy Sorry, Ano yan? Bat may sugat ka?
***
Hellton University.
Leave your Comment :)
Please VoteWritten by: Heartlessjam Xoxo//Jomar Sagayno//
BINABASA MO ANG
Hellton University [Completed]
Horror• C o m p l e t e d • 39 Bodies Guess who gets the last Laugh