Day 21: What the hell

246 3 0
                                    

Hellton University.

Stephanie P.O.V

I thought okay na ang lahat. Pero bakit ganito? Nagkakasunod sunod ang patayang nagaganap araw araw dito sa Unibersidad nato.

Nakakatakot pagkapasok na pagkapasok ko pa Lang sa building namin dito sa Special Sec biglang dumami ang mga studyante yun pala patay na yung walo kong kaklase. Imagine nakaupo silang walo sa sarili nilang silya na wala ng mga ulo. Jusko ang creepy =_=

"B-bakit ba maraming pinapatay sa unibersidad nato? Ayoko na! Aalis na ako dito!" Sabi ni Dianne.

"So iiwan mo kami ganon?" Tanong ni Julia.

Sayang naman kung aalis pa kami dito. Tatlong buwan na Lang at matatapos na kami sa third year.

"Guyssss.... " hingal na hingal na sabi ni Bea.

Galing siya sa General section tumakbo ata siya papunta dito sa Building namin.

"Oh Bea? Bat ka nagpunta dito sa building namin?" Tanong ni Nathan.

"Si.... si... Jairoh" hingal na hingal na sabi ni bea.

"b-bakit? Ano meron kay jairoh?" Tanong ni Josh.

"w-wala na siya....." hingal na hingal paring sabi ni bea.

"Anong wala na siya? Bea naman! Umaayos ka nga. relax Lang okay?" Pagpapakalma ni josh.

"Ano ba talagang nangyari kay jairoh bea? Anong wala na siya? Bakit nawawala ba si jairoh?" Tanong ko kay bea.

Remember jairoh? Yung sumuntok sa akin nung nagpunta ako sa general section.

"P-patay na siya... patay na si Jairoh" pagkasabi na pagkasabi nun ni bea nabitawan ko ang bag ko.

p-patay na din si jairoh? What the hell!

"Bakit ba tayo ginaganito? At bakit unti unting pinapatay ang mga studyanteng nag aaral dito? PUTANGINA NA!" Galit na galit na sabi ni Dianne at lumabas sa building namin.

***

Dianne P.O.V 

Di na tama to! Nakakapagtaka! Bat walang pakialam ang principal namin dito. Nung panahong may nangyaring patayan sa loob ng Unibersidad wala siyang ginawa kundi ang tumawag Lang ng pulis! Ang kausapin ang pamilya ng biktima! Wala siyang ginagawang aksyon! Nakakainis ang pananahimik niya.

Gusto ko siyang kausapin at wala akong pakialam kung mabastos ko man siya! Buhay nang karamihan ang naaapektuhan dito at iniisip ko ang kapakanan ng Lahat.

*TOK TOK*

Kumatok ako ng pagkalakas lakas wala akong pakialam kong ano ginagawa niya sa loob. Gusto ko siyang makausap!

"Pasok" narinig kong sabi niya.

Binuksan ko ang pinto ng opisina niya. Nakita ko siyang busy sa paghahanap ng papel.

"Mr.Andrew?" Panimula ko.

"Oh bakit? Ano kailangan mo?" Tanong niya ng hindi tumitingin sa akin.

"Mawalang galang na po pero gusto kong malaman niyo na marami ng namama--------" naputol ang pagsasalita ko ng magsalita siya.

"Alam ko! Eh ano ngayon?" Tanong niya.

Eh Gago pala to eh!

"Hoy TANDA! Excuse me Lang hah? Ano kaba dito? Diba Principal ka ng unibersidad nato? Bat parang wala Lang sayo ang mga nangyayari dito? Putangina mo! Wala kang silbi!" Pagmumura ko sa harapan niya.

"Watch your word Ms.Dianne Ford dahil pwede kitang ilipat sa ibang unibersidad"

"HAHAHAHA! oh sure gawin mo! Gusto mo ngayon na? Talaga namang aalis ako dito sa impyernong unibersidad nato!" Sabi ko

"Hahahahahahahaha" tumawa siya.

"Nagkakamali ka ata ng binangga! Kung ako sayo umalis kana habang may panahon pa" pagpapatuloy niya.

Hah? Ano ibig niyang sabihin?

*tlockkk*

Napansin kong may tao sa likuran ko. Shit ni-lock niya yung pinto.

"Diba sabi ko sayo umalis kana? Tingnan mo ngayon mamamatay ka ng hindi mo pa oras." sabi niya.

"Demonyo ka! Ikaw pala yung pumapatay sa mga estudyante dito! Demonyo ka!" Sabi ko sa kanya.

"Sino nagsabi sayong ako ang pumapatay sa kanila?"

Nabigla ako! Tumatayo na ang mga balahibo ko nang may unti unting lumalapit sa akin mula sa likuran ko.

m-may tao sa likuran ko! Siya na yata yung killer.

"Sana'y di magmaliw ang dati kong araw, nang munti pang bata sa piling ni nanay, nais kong maulit ang awit ni inang mahal, awit ng pag-ibig habang ako'y nasa duyan."

kumakanta siya. Nakakaantok! Bigla akong nawalan ng lakas dahil sa antok. Ang ganda ng boses niya, hanggang sa nawalan ako ng malay at sinaksak niya ako sa ulo, tinusok ang mata at sinaksak ng sinaksak ang buo kong katawan.

Ito na ata ang katapusan ko.

***

Hellton University.

Written by: Heartlessjam Xoxo//Jomar Sagayno//

Hellton University [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon