Day 19: Overnight II

210 4 0
                                    

Hellton University.

Stephanie P.O.V

"Sana'y di magmaliw ang dati kong araw, Nang munti pang bata sa piling ni nanay, nais kong maulit ang awit ni inang mahal, awit ng pag ibig habang ako'y nasa duyan."

May kumakanta nakakaantok! Mas lalo pa tuloy akong inaantok, Panaginip Lang ba to?

"Steph?"

Tinawag niya pangalan ko! Ang lamig ng boses niya.

"S-sino ka?" Nauutal na sabi ko. Bat di ako makapagsalita? Pakiramdam ko nananaginip Lang ako.

"Hindi na importante kong sino ako, ang Mahalaga ay ang marinig mo ang sasabihin ko" sabi nung Babae. Di ko Maaninag mukha niya.

"a-ano ibig mong sabihin?" Sabi ko na parang nananaginip Lang.

"Narinig mo ba yung kantang kinanta ko? Gusto kong malaman mo na nanganganib ang buhay mo at ng mga mahal mo sa buhay lalong lalo na ang mga kaibigan mo, tandaan mo to sa tuwing naririnig niyo ang kantang yun wag kayo papadala sa antok. Huwag mong damhin ang tugtog. Baliwalain mo! Wag mong bigyan ng pansin! Iligtas mo ang mga kaibigan mo! Mag iingat kayo Paalam" sabi nung babae at tuluyan ng nawala sa paningin ko.

Ano ibig niyang sabihin?
Anong --------

"STEPHANIE!!!!!! Gising! Gising!" Naramdaman kong may umaalog sa katawan ko.

"Binabangungot ka!" Sabi ni Dianne na panay haplos sa Likod ko.

"Binabangungot?" Tanong ko.

"Oo, Grabe! Akala ko nga sinasaniban ka ng masamang Demonyo eh!" Sabi ni Dianne.

So? Panaginip Lang pala yun? Pero paano -------

"Sge na Bumaba kana jan maglalaro daw tayo ng Truth or dare hinihintay ka na namin sa baba." Sabi ni Dianne.

"Sge sunod ako" sabi ko at umalis na sa Kwarto ni Dianne. Oo sa kwarto niya ako pinatulog.

Ano ibig sabihin nung sinabi ng babae sa panaginip ko? At sino naman yung babaeng yun? Ay Ewan.

****
TRUTH OR DARE GAME ~

"Oh nasaan sina Julia at Bea? Akala ko ba tayong Lahat?" tanong ko sa kanila pagkarating ko sa Sala kung saan kami naglalaro.

"Nasa Labas sila, may pag uusapan daw" sagot ni Syrill.

"Ah Okay" sabi ko.

Pinaikot na yung bote...

"Wooooooo!!!! Sayo tumapat Ryan!! Ano? Truth or Dare?" Tanong ni Dianne.

Ay Grabe kong makasigaw tong mga to ah.

"Dare" sagot ng kapatid ko.

"Sge Sge Ako na mag-uutos" presenta ni Josh.

"Halikan mo sa pisnge ang babaeng sobrang napalapit sayo or sa madaling salita babaeng Close na Close mo" utos ni josh.

Aha! Halik talaga ah! Jusko kapatid. pinagtritripan ka ata nila.

Nakita kong Sumunod naman ang kapatid ko at pumunta sa harapan ni --- Wait? Amora?

***

Bea P.O.V 

"Please julia wag kanang magkaila pa alam ko ang nangyari sayo Narinig ko lahat ng usapan niyo ni Mr.Luca--------"

"Stop it bea! Huwag munang ipaalala pa yun sa akin please! oo na Narinig mo ang usapan namin pero please utang na loob huwag mo munang sabihin sa kanila ang nangyari sa akin noon , nagmamakaawa ako." Sabi ni Julia.

Bakit ba ayaw niyang sabihin kina Nathan?

"Bakit ba ayaw mong sabihin kina Nathan ano bang ikinakatakot mo?" Tanong ko.

Gusto kong malaman ito nina Nathan pero ayaw naman niya, gusto kong maparusahan si Mr.Lucas ito nalang ang tanging paraan para matulungan ko si Julia.

"Mamamatay ang mga Magulang ko at ayaw kong mangyari yun" diretsong sabi ni Julia.

"So? Wala lang yun lahat? Kakalimutan mo na lang yun? Julia naman! Hindi mo ba naisip na pwede pang maulit yun?" Sabi ko.

"Stop .... please .... ayaw ko nang maalala pa yun kung iniisip mo ang kapakanan ko salamat. pero wag mo na pang paki-alamanan pa yun kinalimutan ko na yun at sana maintindihan mo." Sabi ni julia at pumasok na sa loob.

Bat ba ang dali niyang makalimot? Ganon ganon na lang ba yun! Julia kaibigan kita at alam ko ang nararamdaman mo.

***

Stephanie P.O.V 

*Tsup*

hinalikan ng kapatid ko si amora. Close na pala sila?

"Excuse me *sob*" biglang umalis si Syrill nakita kong tumulo ang mga luha niya.

Bat siya umiiyak? Nagseselos ba siya?

***

Syrill P.O.V 

Ang sakit! At sa harapan ko pa. Bat pa kasi ako nagkagusto sa lalaking yun eh! Crop.

"Syrill?" May tumawag sa akin sa likuran . Si... si Ryan?

"Ryan? a-ano ginagawa mo dito? Bat mo pa ako sinundan?" Tanong ko kay ryan.

"umiiyak ka ba? Syaka bat ka umalis kanina?" Tanong niya.

"Ah w-wala haha pinagpawisan lang ako hahaha sge Malamok na pala dito sa labas sge balik na ako" sabi ko at pumasok sa loob.

Nagtanong kapa! Eh halata namang nagseselos ako! Bahala ka nga.

***

Hellton University.

Leave your Comment :)
Please Vote

Written by: Heartlessjam Xoxo//Jomar Sagayno//

Hellton University [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon