Hellton University.
Stephanie P.O.V
[Hell High Medical Center]
"Anaaaaakkkk! Doc! Papasukin mo ko! Kailangan ako ng Anak ko!"
"Ma'am hindi po kayo pwedeng pumasok sa loob. kritikal po ang kondisyon ng Anak niyo. Manatili lang po kayo dito sa labas at hintayin nyo na lang po ang resulta." Sabi ng Doctor.
Nagsisidatingan na lahat ng pamilya ni Minerva dito sa Ospital.
Sabay sabay kaming Pumunta nina nathan, Josh, Julia, Nicole, Ryan at syrill na ngayo'y umiiyak sa nangyari kay steve na kanyang kaklase.
Akala namin mawawalan na ng buhay si Minerva.
Kritikal ang Kondisyon niya at hindi namin alam na malubha na pala ang sakit niya.
"Ano ba kinalaman ng sulat na yun para papuntahin tayo dito?" tanong ni Julia.
"Yan din ang Hinala ko" Sabi ni Nathan.
Pansin ko ang hindi pagpapansinan nina Josh at Julia.
Isa narin sina Julia at Syrill.
"Di mo ba kilala yung nagbigay ng sulat kuya nathan?" tanong ng kapatid ko.
"Hindi eh! Pero namumukhaan ko" sagot ni nathan.
"Ano po ba yung sakit ni Minerva?" Manihanong tanong ni Josh sa kapatid ni Minerva.
"Di nga din namin alam eh ang pagkakaalam namin ay may nagbigay sa kanya ng Injection syaka ininject sa braso niya." Malungkot na sabi ng kapatid niya.
"Nagtanong na ba kayo kung sino yung nurse na nagbigay ng Injection sa ate mo?" tanong ni Josh.
"Opo. Pero sabi nila wala naman daw sa lahat ng Nurse ang nagbigay ng Injection." sagot niya.
"Wala bang kaalitan yung ate mo? O yung mga past enemies niya dati? Baka binalikan siya." paninigurado ni josh.
Napapansin kung kanina pa hindi umiimik si Syrill.
Dala narin ang mga Luha niya sa Mata.
"Syrill okay ka lang?" tanong ko sa kanya.
Still. di paren siya umiimik
"Nagdradrama" pagpaparinig ni Julia.
"Pati ba naman dito Julia." Mahinahong sabi ni Nathan.
"Magandang Gabi sa inyo sino yung kamag-anak ng pasyente?" biglang Lumabas si Doctora Mae.
"Ako! Kumusta yung anak ko Doc?" iyak na iyak na tanong ng kanyang ina.
Seryoso ang lahat na nakikinig sa Doctora.
"Im Sorry Ma'am but your Daughter is in Coma." Panimula ng Doctora.
Nabigla kaming Lahat.
"Kinakailangan siyang mabigyan ng walong bag ng Dugo.
Maraming dugo ang nawala sa kanya.
"Paan--"
"Yung unidentified nurse na nag inject sa kanya ay may posibilidad na Kinuha ang kanyang dugo." pagpapaliwanag ng Doctora.
Napaupo ang Ina ni Minerva.
"Shit! Sino bang May Gawa nito!" pagmumura ni Nathan.
-End Of Day 39
_____
Written By: Heartlessjam
\\Jomar Sagayno//
BINABASA MO ANG
Hellton University [Completed]
Horror• C o m p l e t e d • 39 Bodies Guess who gets the last Laugh