Day 10 : Big Announcement

344 4 0
                                    

Hellton University.

Stephanie P.O.V 

Nabalitaan namin ang nangyari kay Minerva! Na ngayon ay Nagpapahinga sa hellhigh Medical Center, Kritikal ang kondisyon at paralisado.

"WALA KANG AWA BEA! ISA KANG MAMAMATAY TAO!" galit na galit na sabi ni Dianne.

Nandito kami ngayon sa Building ng general section, gusto naming makausap si bea kung ano talaga ang totoong nangyari.

"Wala nga akong kasalanan, bat ba ang kulit mo" sabi ni bea.

"KITANG KITA NG DALAWA KONG MATA BEA KUNG PAANO MO SIYA TINULAK!" Galit na sabi ni Dianne.

"Sigurado ka? Bakit alam mo ba ang buong pangyayari? Porket ba nakita mo, yun na yun? Hindi mo alam ano pinag usapan namin! At wala kang alam kung bat siya nahulog sa hagdan, Nakita mo lang siya nung nahulog na siya sa hagdan at nawalan ng malay! Yun lang yung nakita mo diba? Kung magbintang ka siguraduhin mong totoo! EXCUSE ME! "

pagpapaliwanag ni bea sabay alis.

Oo nga naman! Hindi dapat namin pagbintangan agad si bea dahil hindi namin alam kung bakit at paano nahulog si Minerva sa hagdan.

"Tara na, May klase pa tayo, si Minerva lang ang makakasagot nito dahil siya ang biktima, hindi natin pwedeng pilitin si bea kung ano talaga ang nangyari ." Sabi ni Nathan at bumalik na kami sa classroom namin.

Nakakalungkot nabawasan na naman kami :(

Hanggang ngayon hindi pa pumapasok si julia at si Minerva naman ay nasa Hell high Medical Center.

"Good Morning Class I'm Mrs Penelophy Sanchez, I'm your Filipino teacher and actually kakalipat ko pa lang dito, And First time kong magturo sa isang Special Section ^_^"

Nakakainggit yung ganda ni ma'am penelophy ^_^

"Oh, Btw, You have also a new Principal , Mr. Andrew Lucifer Sanchez and he is my husband."

Nabigla kaming Lahat ng sabihin ni ma'am penelophy ang bagong Principal namin at asawa pa niya! So! nag resign na yung dating principal namin?

"Si Mr.Takahashi ay patay na"

What?

"Dahil na din sa katandaan, so, My Husband Andrew ay isa sa mga matalik na kaibigan ni Mr. Takahashi at sa kanya na din ipinamuno itong unibersidad ninyo."

Condolence to Mr. Takahashi :(

***

Syrill P.O.V 

"Bes! Ok Lang yan, tahan na! Hindi mo naman siguro kasalan yun diba?" Pagpapatahan ko kay bea.

"Hindi bes eh! Kahit anong gawin ko, hinding hindi na mababago pa ang tingin nila sakin dahil sa mata nila isa akong MAMAMATAY TAO!" Sabi ni bea.

Naging Matalik ko nang kaibigan si bea simula nung nalaman ko na hindi pala siya Traydor at hindi pala Masama ugali niya. Hinusgahan ko agad siya ng hindi ko alam ang tunay niyang pagkatao! Madami akong nalaman kay bea , dahil kinukwento niya sakin ang mga nangyayari sa buhay niya, at isa na dun ang Narinig niyang usapan nina MR. LUCAS at JULIA. Oo! Alam kong Ginahasa si Julia. Pero mas pinili parin ni Bea na hindi sabihin at ipagkalat sa iba, dahil takot siyang mapahiya si julia at ang Special Section.

"Sshh, Hayaan mo nalang sila, huwag kang magpapaapekto sa sinasabi ng iba, Nandito Lang ako bes, Dadamayan kita."

"Thank you bes" sabi ni bea.

"GUYSSSSSS!!! MAY NEW PRINCIPAL NA TAYO!!!" Hingal na hingal na sabi ni jairoh.

"Bakit nag resign na ba si Mr. Takahashi?" Tanong ni bea.

"Patay na si Mr.Takahashi"

Ryan P.O.V 

Unti Unti nang bumabalik ang Lahat , kinalimutan na namin yung nangyaring sunog , at ok na din sina Aya at Nicole .

"PUTANGINA MAY BAGONG PRINCIPAL NA NAMAN TAYO!!!"

Biglang Sumigaw si CHAZLYN XD yung isa sa kaklase namin .

A/N: (hi Chazlyn XD, thanks for supporting my Story, hahaha! XD)

"Bakit ? Anong Nangyari kay Mr.Takahashi?" tanong ni Aya.

"Patay na !" sabi ni Chazlyn

"Ano ????????????" Malakas na sigaw ni Nicole ..

***

Hellton University.

Leave your Comment :)
Please Vote

Written by: Heartlessjam Xoxo//Jomar Sagayno//

Hellton University [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon