Day 29: The Cabinet

175 3 0
                                    

Hellton University.

Julia Gomez P.O.V 

"Ano okay ka na ba?" Tanong ko kay Minerva.

"Oo Salamat pala at napadalaw kayo" sagot niya.

"Wala yun sge mauna na kami hah? Mag gagabi na eh" sabi ni Josh.

"Sge Congrats nga pala sa inyo, mag iingat kayo" pagpapaalam ni Minerva.

"Sge Sge Bye Bes" pagpapaalam ko.

***

Stephanie P.O.V 

"Steph? Di kapa uuwi? Mag gagabi na oh?" Tanong ni Nathan.

"Ah Uuwi din ako maya maya tatapusin ko lang to" sabi ko.

"Ah Sge Mauna na ako ah? Ingat ka, umuwi ka agad" sabi niya

"Okay" sagot ko.

Ang hirap naman nito. Psh paano ba to i solve. Punit dito, punit doon takte eh! Bat kasi may MATH PA! (A/N: i Feel you XD).

antahimik ng paligid.
Ang ginaw gumagabi na.

*BLAGGGGGGGGGG!!!!!!*

Ay Pusanggala! Shit Lang nabigla ako ng bonggang bongga! Anong Tunog yun?

*BLAGGGGGG!!! BLAGGGGG!!!!*

Parang nanggaling sa malaking cabinet. Oo may Malaking cabinet kami dito hindi kami pinapayagang buksan to ewan ko ba kung bakit!

Dahan Dahan kong tinungo ang malaking cabinet. Imagine the scene Ikaw Lang ang mag isa sa Room niyo tapos pagabi na nakakatakot sobra parang nasa horror Lang!

''Sana'y di magmaliw ang dati kong araw.

Wait? May kumakanta! At alam kong nanggaling ang kantang yun sa loob ng Cabinet!

''Nang munti pang bata sa piling ni nanay.

Narinig ko na tong kantang to ah! Oo tama! Nung napaniginipan ko ang isang di nagpakilalang babae.

'' Nais kong maulit ang awit ni inang mahal awit ng pag ibig habang ako'y nasa duyan.

Kaboses din niya yung babaeng nasa panaginip ko!

Bahala na! Dahil sa Curiousity ko ay agad kong binuksan ang malaking Cabinet.

And WTF!!!!!!

















"AHHHHHHH!!! S-Sino ka?" Tanong ko sa babaeng nakasuot ng pulang bestida.

Tama nga! Siya yung babaeng nasa panaginip ko.

"Malapit na ang huling pagtutuos! Malapit na ang panahon ng Pag-aalay ng buhay! Malapit na! Malapit na! Mag iingat kayo! Iligtas mo ang buhay ng mga kaibigan mo at ng buhay ng Lahat" sabi niya.

Hindi ko siya maintindihan
Ano ibig niyang sabihin?

"Ano pong ibig mong sabihin?" Tanong ko sa babae.

Nakakatakot man pero pinipigilan ko ang takot. Buhay ng lahat ang pinag uusapan dito!

"Pagsapit ng ikatlong araw ng Nobyembre ay ang pag-aalay ng buhay, pagsapit ng kabilugan ng buwan ay ang pagkuha ng mga buhay ng mga studyanteng nag aaral dito upang i-alay kay Amanda Sanchez" sabi niya.

"Mag uumpisa ito sa isang nakakaantok na kanta at kapag nakarinig ka nito'y aantukin ka at dun ka papatayin ng killer"

Yun ba yung kantang kinanta niya kanina?

"Yung kantang kinanta mo kanina yun ba ang ibig mong sabihin?" Tanong ko sa kanya.

"Oo! Yun ang kantang kakantahin ng kampon ng kadiliman, at ang kantang yun ay paboritong Kanta ni AMANDA SANCHEZ"

"Iligtas mo ang mga kaibigan mo at hanapin niyo ang katawan ni Amanda Sanchez at sunugin niyo ito" sabi niya.

Humangin ng pagkalakas lakas..

"Maghanda kayo sa pagsapit ng ikatlong nobyembre at kabilugan ng buwan, nakikiusap ako iligtas niyo ang buhay ng Lahat" sabi niya.

"O-Opo" sagot ko.

Dumaan na naman ang malakas na hangin at unti unti na siyang nawawala sa paningin ko.

"Wait!!!!!! Maaari ko po bang Malaman ang pangalan niyo?" Tanong ko.

Lumingon siya...



Ako..












Ako si........





























"Geneva Elizundo"


***

Hellton University.

Written by: Heartlessjam Xoxo//Jomar Sagayno//

Hellton University [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon