Hellton University.
Nicole Sandoval P.O.V
"Kumusta naman daw yung gamot? Marami kang iniinom?" tanong ko kay Ryan.
"Oo, nagiging okay naman yung pakiramdam ko syaka malapit naren lang din naman ako ooperahan sa mata." Sabi niya."May nahanap ka nang donor? Tanong ko.
"Wala pa eh." sabi niya.
Kitang kita sa mga mata niya ang panlulumo.
"Huwag kang mag-alala tutulungan ka naming mga kaibigan mo." Pagpapatatag ko sa kanya.
"Salamat sa inyo" Masayang sabi niya.
_____
Minerva Madaine P.O.V
(Hell High Medical Center)
"Kamusta anak? Malapit ka nang mabuhay konting tiis nalang at konting panahon nalang makakasama ka na namin."
Kanina ko pa naririnig ang mga usapan sa kabila.
Gusto kung lapitan ngunit natatakot akong puntahan.
Ang ipinagtataka ko..
Bakit binubuhay nila ang isang patay?Matagal tagal din akong nanatili sa ospital na'to.
____
Nathan Alfonso P.O.V
Nasaan ba sila? Bakit hindi ko makita sila Steph at Julia?
Sila Josh at Syrill? Limang araw ko nang hindi sila Nakikita.
Tama! Baka nasa Lower Section! Kasama sina Ryan At Nicole.
"Nathan right?" Biglang Sumulpot si Amora ng pupunta sana ako sa building ng Lower Section.
"Oo. Kailangan mo?" matigas na sabi ko.
"Gusto ko lang malaman.
Ano ba plano niyong magkakaibigan ngayong Ikatlo ng Nobyembre?" masayang sabi niya.Anak ka talaga ng Demonyo putangina ka! Kahit babae kapa! Kayang kaya kitang Saktan!
"Wala bahay." diritsong sabi ko saka nagpatuloy maglakad.
"Isama nyoko hah!" Huling sabi niya.
Ang kapal ng mukha mo para sumama samen!
Ngayon kailangan ko nang kausapin si Steph tungkol kay Geneva Elizundo.
____
Nicole P.O.V
"Oh Nathan nasan sila Steph?" tanong ko kay nathan ng makita namin siya ni ryan sa building ng Lower Section.
"Di ko nga alam eh.
Di nyo ba sila Nakita?" tanong ni nathan samen."Di eh" sabi ko kay nathan.
"Eh kay Syrill may balita na ba kayo sa kanya?" tanong ni nathan.
Sumagi sa isip ko ng marinig ko ang pangalan ni syrill.
Oo nga! Limang araw ko na siyang hindi nakikita at hindi pumapasok.
Ano bang nangyayari sa kanya?
"Wala nga rin eh Limang araw ko na din siyang hindi nakikita halos mag iisang linggo din" sabi ko sa kanya.
"Tatawagan ko si Ate" presenta ni Ryan.
(Calling..)
"Oh Ry? Napatawag ka? Nasa unibersidad ba kayo? Kasama mo?" narinig kong tanong ni steph sa kabilang linya.
"Oo ate nasa unibersidad pa ko kasama ko sina kuya nathan at nicole , kayo nasan ba kayo?" tanong ni ryan.
"Nandito kami sa---- KADIRI KA SYRILL! KAIBIGAN MO PINATULAN MO! WALA NA BANG NATITIRANG HIYA JAN SA KATAWAN MO! *toot tooot*
(Call Ended..)
"Si Julia ba yung sumisigaw?" nauutal na tanong ni Nicole.
-End Day 35
___
Written by: Heartlessjam
\\Jomar Sagayno//
BINABASA MO ANG
Hellton University [Completed]
Horror• C o m p l e t e d • 39 Bodies Guess who gets the last Laugh