Day 46: The Truth

135 2 0
                                    

Hellton University.

Nicole P.O.V

"Nicole sigurado ka ba sa address nato?" Tanong ni Julia.

"Oo sigurado ako" sagot ko sa kanila.

Nasa biyahe kami papunta sa address na binigay saken ng kaklase ko.

"Dumidilim na , Saan na tayo matutulog nito" pag aalala ni Syrill.

*toooooogsssh* napahinto si Kevin sa Pagmamaneho.

Ito na ata yun.

"Nandito na tayo" sabi ni kevin sa kanila.

"Ah eh? Wala namang Tao eh! Bahay pa ba to?" natatakot na tanong ni Julia.

"Walang maghihiwalay sabay sabay tayong pupunta." sabi ni nathan.

Nauna namang naglakad si Josh at dun ay sumunod kami.

"Tao po, Mr. Takahashi nandyan po ba kayo?" sabay katok ni Josh

"Wala yatang tao eh" sabi ni Syrill.

"Tingnan mo nga ulit yung nakasulat na address" sabi saken ni Julia.

Tinignan ko ulit yung address. 

"Santol Street, Barangay Matobato"

Ito talaga yun eh . Ang Bahay na gawa sa Bato.

"Ito talaga yun eh syaka ito lang yung bahay na gawa sa bato" sabi ko sa kanila.

Sinipa ni Kevin yung pintuan at saktong bumukas ito.

"Ano kailangan niyo?" lumabas ang isang matandang babae.

"pwede pong magtanong, dito po ba nakatira si Mr. Takahashi?" tanong ko sa matanda.

"Oo Dito nga, tuloy kayo" sabi ng matanda.

***
Stephanie P.O.V

"Ano ibig niyong sabihin?" tanong ko kay Mr. Takahashi.

"Pagsapit ng ikatlong araw ng Nobyembre bago ang kabilugan ng buwan ay sunugin niyo ang katawan ni Amanda" sabi ni Mr. Takahashi.

"P-pero saan po namin mahahanap yung katawan ni amanda?" tanong ni Nathan.

"yan ang hindi ko alam" sagot ni Mr. Takahashi.

"Wala po ba kayong balita tungkol sa katawan ni Amanda?" Tanong ni Nicole.

"Pasensya na pero hindi ko talaga alam kung saan yung katawan ni amanda" sagot ni Mr. Takahashi.

Saan nga ba talaga nakalagay yung katawan ni Amanda?

"At pagsapit ng ikatlong araw ng Nobyembre ay ang Huling pag aalay ng Buhay" pagpapatuloy ni Mr. Takahashi.

"Huling pag-aalay?" nalilitong tanong ni Nicole.

"Oo at ito ay ang dugo ng isang sariwang bata mula sa sinapupunan upang mabuhay ang kanilang anak na si Amanda." matigas na sabi ni Mr. Takahashi.

"Bata mula sa sinapupunan?" takot na takot na tanong ni Julia at napahawak sa kanyang lumulubong tiyan.

"Oo. Dahil ang sariwang dugo ng bata ay ang Ika' tatlongpu't siyam na buhay ang huling inialay upang si amanda ay mabuhay.

At

Upang maputol yung sumpa sunugin niyo agad ang katawan ni amanda habang hindi pa sumasapit ang Ikatlong araw ng Nobyempre."

"Sa madaling salita kailangan natin mahanap agad ang katawan ni amanda" seryosong sabi ni Nathan.

"Paano?" tanong ni Nicole

"Wala nang iba pang paraan dalhin natin si Amora sa isang abandonadong bahay at siguraduhin nating hindi makakaalam ang kanyang mga magulang. " seryosong salaysay ni Nathan.

"Amora?" biglang sabi ni Mr.Takahashi.

"Opo yung kapatid ni Amanda" sagot ni syrill.

"Sa pagkakaalam ko matagal nang patay ang kapatid niyang si Amora!"

"ANOOOOOOOOOOOO???? "
Nabigla kaming lahat sa sinabi ni Mr. Takahashi.

-End of Day 46

Written By: Heartlessjam
\\Jomar Sagayno//

Hellton University [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon