Day 25: Where have you been Mr.Takahashi?

176 3 0
                                    

Hellton University

Nathan Alfonso P.O.V

"Matagal nang wala dito yan sa pagkakaalam ko lumipat ng bahay ang pamilyang Takahashi" sabi ng babaeng pinagtanungan namin.

Pinuntahan namin ang Lugar kung saan nakatira si Mr.Takahashi Pero wala eh! Wala na si Mr.Takahashi Lumipat na siya ng bahay! Huli na kami!

"May alam po ba kayo kung saan siya Lumipat?" Tanong ni Ryan.

"Hindi po eh." Sagot ng babae

"Ah sge po, Salamat" sabi ni Nicole.

"Paano yan? Huli na tayo!" Sabi ni Nicole.

"imposibleng hindi babalik dito si Mr. Takahashi" sabi ko sa kanila.

*kringggggggggg!!!!

Tumunog yung Cellphone ko, May tumatawag sina steph ata to! Nakuha kaya nila yung album?

"Oh steph?" Sagot ko.

"N-Nathan si------*Sob*"

Bat siya umiiyak?

"Steph? Bat ka umiiyak? Anong nangyari?" Natatarantang tanong ko.

"P-Patay na si b-bea" mahinang sabi niya.

"ANO?????????" Napasigaw ako sa sobrang bigla.

"Nathan? Anong nangyari?" Tanong ni Nicole.

"Kailangan na nating bumalik sa unibersidad may nangyaring masama kay bea" sabi ko sa kanila at dali dali kaming pumunta pabalik sa unibersidad.

***

Stephanie Cruz P.O.V 

Nang sabihin ni Julia na may nangyaring masama kay Bea. Bigla kaming tumakbo sa Opisina ni Mr. Lucas.

"Bea!!!! *sob* Bea!!! *sob*"

Pagkarating namin sa opisina ni Mr. Lucas nadatnan namin si Syrill na iyak ng iyak katabi ng bangkay ni Bea.

May nakita rin kaming Sampung bangkay sa Labas ng opisina ni Mr.Lucas at nagkakagulo na naman ang mga Studyanteng kamag anak ng bangkay na yun.

"S-Syrill sshhh Tahan na" pagpapatahan ko kay syrill

Biglang Tumulo ang mga Luha ko ng makita ko ang bangkay ni Bea na punong puno ng saksak.

"H-Hindi si Mr.Lucas ang may Gawa nito dahil nagtuturo siya sa atin ng mga oras na yun" biglang sabi ni Julia.

"Kung Hindi siya, SINO!" Galit na Galit na sabi ni Josh.

Unti unti na kaming nababawasan. UNA si Dianne ngayon naman si Bea! Marahil isa sa amin ang isusunod ng killer na yan.

"ANONG NANGYARI KAY BEA?" Biglang dumating sina Nathan , Nicole at ang kapatid ko.

"Nakita ko si Bea na duguan dito sa Labas ng opisina ni Mr.Lucas at may hawak siyang isang Album" sabi ni Syrill at inilabas yung album.

Kinuha ni Julia yung Album at tinignan ang laman nito.

"Ito nga! Ito nga yung album na nakita ko" sabi ni Julia.

"Bea kung nakikinig ka man ngayon Maraming salamat sa Lahat *sob*" sabi ni Julia.

*WENGWEW WENGWEW*

Dumating na yung ambulansya at isa isang kinuha ang mga bangkay.

PAALAM BEA :(

***

Hellton University.

Written by: Heartlessjam Xoxo//Jomar Sagayno//

Hellton University [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon