Day 8 : Burning C.R

412 3 0
                                    

Hellton University.

Stephanie P.O.V 

Nandito kami sa canteen kasama ko sina Nathan, Minerva, Dianne, josh at ako, nakakalungkot .
kulang kami, Wala si Julia.

"May napapansin ba kayong kakaiba kay julia?" Tanong ko sa kanila.

"Oo, parati na lang siyang tahimik at hindi kumikibo, minsan nga Umiiyak Mag isa." Sabi ni Josh.

"Hayaan na lang muna natin siya, baka may malaking pinagdadaanan lang yun , baka papasok na yun bukas" pagpapaliwanag ni Nathan.

"Sigurado akong may kinalaman si bea dito" biglaang sabi ni Minerva.

Ano ibig niyang sabihin?

***

Ryan P.O.V 

"TANGINA! NASUSUNOG YUNG CR NATIN!"

Nataranta kaming lahat ng marinig naming sumigaw si France , isa sa kaklase ko .

Biglang nagsitakbuhan ang mga kaklase ko, nakita ko namang mabilis na tumakbo si Nicole sa kinaroroonan ng Sunog! Oo nga pala! Class president siya at alam kung siya ang mapapagalitan nito.

"ANO BANG NANGYARI DITO? KUMUHA KAYO NG TUBIG!" Natatarantang sabi ni Nicole.

Isa isa namang nagsikuha ng timba na may tubig ang mga kaklase ko at sinubukang patayin ang apoy!

"Shit! Isa sa atin ang NAGSISIGARILYO DITO! May nakita akong kupos ng sigarilyo at nakita ko tong School I.D ni Aya " sabi ni France .

"Hayyyyst, GRABE TALAGA YANG MGA LOWER SECTION NA YAN! MGA WALANG HIYA! narinig kong sabi ng babae, taga GENERAL SECTION yata to kulay blue yung uniporme.

"NASAAN SI AYA!" Galit na Galit na sigaw ni Nicole.

***

Stephanie P.O.V 

"Bat sila nagsisitakbuhan?" Tanong ni Dianne.

Napapansin ko nga rin, Halos lahat ng Batch namin dito sa Building ng Special section ay nagsisitakbuhan.

"Uyy, Anong nangyayari? Bat kayo nagsisitakbuhan?" Pagtatanong ni Josh sa babae.

"Nasusunog yung C.R ng Lower Section, at sabi nila may nakita daw silang kupos ng Sigarilyo na pinagsimulan ng sunog." Sabi ng babae.

"Tara Puntahan natin" natatarantang sabi ni Nathan.

***

 Ryan P.O.V 

Sinundan ko si Nicole na ngayo'y hinahanap si Aya.

At ayon Nakita namin si Aya, biglang Tumakbo si Nicole at pinuntahan si Aya.

"LETSE KA!" PAKKKKKKK!!!! isang napakalakas na sampal ang dumampi sa mukha ni aya.

"UMAMIN KA! SINADYA MO BANG SUNUGIN ANG C.R NG LOWER SECTION" Galit na sabi ni Nicole .

"SINADYA? DI BA PWEDENG PLINAPLANO KO PA LANG?" Nakakalokong sabi ni Aya.

Shit ! Para siyang DEMONYO!.

"BAT MO TO GINAGAWA AYA PINAPAHIYA MO BA SECTION NATIN! MAY BALAK KA BANG IPAHIYA AT IPAMUKHA SA KANILA ANG KAGAGUHANG GINAWA NATIN!" Umiiyak na si Nicole .

"LOW CLASS! SA TINGIN MO BA MABABAGO PA TINGIN NILA SATIN? KAHIT ANO PANG KABUTIHANG IPAKITA NATIN, LAHAT NG YUN BALEWALA SA KANILA ! KAYA HUWAG KA NANG UMASA PA! " Sabi ni aya sabay alis.

Nakita kong umiiyak si Nicole .

"Nicole , sssshhh tama na , Maaayos din ang Lahat".

"Hindi eh! Ganito na lang ba talaga tayo! Isang LOW CLASS na walang ginawa kundi ang gumawa ng KAGAGUHAN! Pagod na Pagod nako ryan. Gusto kong Umalis sa Letseng PAARALAN na to pero hindi pwede. Gusto kong Mabago ang tingin nila Satin, at gusto kong malaman nila na hindi lahat ng studyante sa LOWER SECTION ay walang pangarap sa buhay! Gusto kong malaman nila yun! Pagod na pagod nako! Di ko na kaya to!"

"Pssshh! Tahan na, Di ka naman nag iisa ah! Nandito ako, di kita iiwan! Tutulungan kita."

"Nasasabi mo lang yan kasi bago ka palang dito Ryan! Hindi mo alam kung gaano tayo kasama sa mga mata ng iba , dadating din ang panahon na masasabi mong "GUSTO KO NG SUMUKO" tandaan mo isa tayong LOWER SECTION."

***

Hellton University.

Leave your Comment :)
Please Vote

Written by: Heartlessjam Xoxo//Jomar Sagayno//

Hellton University [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon