Day 22: Pregnancy test

241 3 0
                                    

Hellton University

Stephanie P.O.V 

Napalitan ng Lungkot ang Lahat. Nawalan na kami ng pag-asa ng nabalitaan naming patay na si Dianne. Maraming nagalit. Maraming Umiyak! Lalong lalo na kaming mga kaibigan niya.

"Itong Bracelet bigay to sakin ni Dianne bilang tanda ng Pagkakaibigan namin" sabi ni Julia na kinakausap yung Bracelet sa kamay niya.

"Kapag nalaman ko kung sino yung pumapatay hindi ako magdadalawang isip na sirain ang pagmumukha niya" galit na galit na sabi ni Josh at tinadyakan yung Silya niya.

Nandito kami sa loob ng Building namin.

"Ayy Puta!" Pagmumura ni Nathan at sinuntok yung Pader.

*Kring!!!!!!!!*

Naputol yung pag uusap namin ng tumunog yung Cellphone ni Julia may tumatawag ata sa kanya.

"Ops. May tumatawag wait nasaan na ba yung cellphone ko" sabi ni Julia at hinalughog yung bag niya.

"Wait Guys nakita niyo na ba yung Cellphone ko? Wala kasi dito sa Bag ko eh." Sabi ni Julia.

"Nandyan Lang yan tingnan mo sa gilid ng bag mo baka naipit Lang. narinig ko kasing tumunog kanina eh" sabi ko kay julia.

Sa paghahanap ni Julia sa Cellphone niya nalaglag yung-----wait Lipstick?

"Julia yung lipstick mo ata Nalaglag" sabi ko kay Julia.

"Gotcha! Wait i will take this call muna. Pakikuha na Lang yung Lipstick Steph Please" sabi ni Julia at lumabas Lang sadali para kausapin yung tumawag sa kanya.

Nasaan na ba yun?

"Hah? Ito ba yung Nalaglag? Wait----- di naman to Lipstick eh! pregnancy test to puta!" Sabi ni Nathan nung pinulot niya ang inaakalang lipstick ni julia.

"Ohmygoodness! b-bat may Pregnancy test si Julia? At syaka positive (+) yung Result shit! Baka naman---------" naputol yung sasabihin ko ng Biglang Pumasok na si Julia.

"Hey Guys tumawag si------p-paano niyo yan nakita? Bat nasa inyo yan?" Kinakabahang sabi ni julia ng makita niya ang pregnancy test na hawak ni Nathan.

"Julia! Umamin ka nga! Buntis ka ba?" Tanong ko.


yumuko siya at unti unting pumapatak ang mga luha sa mata niya.

"S--sorry guys" Mangiyak ngiyak na sabi niya.

"So? buntis ka nga?" tanong ko sa kanya.

"O-o0! buntis ako" nakayukong sabi niya.


***

Ryan P.O.V

"Eh ano plano mo ngayon?" Tanong ko kay Nicole

Nandito kami ngayon sa Loob ng Building namin. Pinag-uusapan namin ni Nicole ang Tungkol kay Mr.Takahashi ewan ko ba kay Nicole at gusto niyang makausap si Mr.Takahashi.

"Pupuntahan natin sina Nathan sa building ng special section gusto ko silang kausapin tungkol sa bagay nato. Kailangan ko ang tulong nila para makausap ko si Mr.Takahashi." Sabi ni Nicole

"Oh Sige! Tara!" Sabi ko.

***

Stephanie P.O.V

"Sino ang Ama?" Tanong ko kay Julia.

"Si.....Si----- j-josh! Oo si j-josh" nauutal na sabi ni Julia.

Homay! Si Josh ang Ama? tama nga ang hinala ko na may namamagitan kina julia at josh.

"totoo ba yun pare?" Tanong ni Nathan.

"Ahh... Oo" nalilitong sabi ni Josh.

"p-pero paano nangyari yun? bat di niyo man Lang sinabi sa amin na nag iibigan na pala kayo!" Tanong ko kina julia at josh.

"Sorry Guys kung di namin pinaalam kaagad sa inyo ang about sa amin ni Josh" mahinang sabi ni Julia.

"p-pero paano nangyari to? bat bigla bigla ka nalang nabuntis? Bat ang aga?" Tanong ko kina julia at josh.

"Lasing ako nun ng pumunta ako sa bahay nina julia at saktong wala ang mommy niya at natatakot siyang mag isa kaya sinamahan ko siya! Dun ako natulog sa kanila at lasing ako nung panahong yun! Pero hindi ko maalala ang gabing yun hindi ko alam na nabuntis ko na pala si julia" pagpapaliwanag ni Josh.

"So? Paano na yan julia? Ililihim mo na Lang ba yan sa mommy mo?" Tanong ko kay Julia.

"Hindi ko pa alam, pag iisipan ko pa yan, natatakot akong malaman ni mommy ang tungkol dito" sabi ni Julia.

"Huwag kang mag alala julia tutulungan kita" sabi ni Josh.


***

Hellton University.

Written by: Heartlessjam Xoxo//Jomar Sagayno//

Hellton University [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon