Hellton University.
[Villa Monte Maria
Abandoned House]Nathan P.O.V
"Bilisan niyo! Baka hindi na natin maabutan pa ng buhay si Nicole!" natatarantang Sabi ni Steph.
"Panginoon, huwag niyo pong pabayaan yung kaibigan namin iligtas niyo po siya sa kapahamakan. " Dasal ni Syrill.
"Nandito na tayo" sabi ko sa kanila.
"Kailangan nating mag-ingat." paalala ni josh.
[Abandoned house]
Nicole P.O.V
"MGA DEMONYO KAYO!!!!" sigaw ko sa kanila.
Please Iligtas niyo po mga kaibigan ko.
*Boggggsssh*
Nabaling yung atensyon nila sa tunog na narinig sa labas.
***
Nathan P.O.V
Dahan dahan naming pinasok yung abandonadong bahay.
Maingat kaming nagtatago sa kasulok sulokan ng abandonadong bahay.
*kringgggggggggg!!!!*
Biglang Tumunog yung Phone ko.
"Lagot!" pag-aalala ni Julia.
"Bro hinaan mo yung Volume" komento ni josh.
Calling...
(Minerva Madaine)"Guysss! Si Minerva!" Gulat na sabi ko sa kanila.
"Ano sabi?" bulong nila.
"Hello Minerva? Napatawag ka?" tanong ko sa kanya.
"Nathan, kailangan niyong malaman to. Nandito yung katawan ni Amanda Sanchez
nasa kabilang kwarto ko." Nangangambang sabi niya."Josh, Julia, Syrill iligtas niyo si Nicole at sumunod kayo sa hospital okay?"
"B-bakit? Sino yung nasa Hospital Nathan?" tanong ni Julia.
"Nakita ni Minerva yung mismong katawan ni Amanda Sanchez" pagpapaliwanag ko sa kanila.
Nabigla sila sa narinig.
"Sige na, wala na tayong oras pa" sabi ko sa kanila.
Maghihiwalay na sana kami ng makarinig kami ng putok ng isang baril.
"At saan kayo pupunta?" tanong ni Mr. Lucas sabay tutok ng baril.
"Sumunod kayo!" utos niya sabay tutok ng baril.
Pinapasok niya kami sa loob ng abandonadong bahay.
At....
Nakita namin si Nicole na duguan yung mukha habang nakatali yung mga kamay niya sa upuan.
"NICOLEEEEEEEEE!" Sigaw nila Steph at Julia ng makita ang kaibigan.
Sinuntok ng Pagkalakas lakas ni Josh si Kevin.
"GAGO KA! ISANG KANG HAMAK NA DEMONYO PUTANG INA MO! Sabay suntok ni Josh sa Mukha ni Kevin.
Nakita kong ngumiti lang yung Gago.
At sinuntok si Josh ....
"Joshhhhhhh!!!!! " Sigaw ni Julia.
Sinubukan kong Tumulong pero hawak na hawak ni Mr.Lucas yung mga Kamay ko...
"Bakit niyo ba to
Ginagawa hah! " galit na Galit na sabi Syrill.Pumagitna si Amora at sinampal ng Buong Lakas si Syrill.
"Uunahin ko na to" Sabi ni Amora.
"SYRILL!"
"SYRILLLLL!"
***
Minerva P.O.V
[Hell High Medical Center]
Contacting...
Nathan alfonso.."The number you have dialed is now unattended please try your call later" *tooot tooot*"
Sagutin mo nathan! Pleaseee! Bat ayaw mong sumagot.
Kinakabahan nako! Baka mahuli ako dito.
"Sana'y di magmaliw ang dati kong araw"
"Nang munti pang bata sa piling ni nanay"
"Nais kung maulit ang awit ni inang mahal"
"Awit ng pag-ibig habang akoy nasa duyan."
Kumakanta na naman siya!
Ayaw kong makinig....
Pero ang Ganda ng boses niya.
***
Nathan P.O.V
"SYRILLLLLL"
Sinipa ko yung pagkalalaki ni Mr. Lucas at kinuha yung baril.
Sige subukan niyong Manlaban! Di ako magdadalawang isip na paputukan kayo. Pagmamatigas ko sa kanila.
Kinuha ko si Syrill kay Amora.
"Tumakbo kana! Sunugin niyo yung bangkay!" Matigas na Sabi ko kay syrill.
Nag aalinlangan siyang tumakbo.
"TUMAKBO KANA!"Sigaw ko sa kanya.
Sumunod siya. ngunit nakuha siya ni Kevin.
"Sge subukan mokong paputukan! Kundi Sasamain saken tong kaibigan mo!" sigaw ni Kevin.
Napatingin si Syrill saken at biglang kinagat yung kamay ni Kevin.
At dooy pinutukan ko siya ng baril.
Umalingaw ngaw ang putok ng baril sa abandonadong bahay.
Itutuloy...
Written by: Heartlessjam
\\Jomar Sagayno//
BINABASA MO ANG
Hellton University [Completed]
Horror• C o m p l e t e d • 39 Bodies Guess who gets the last Laugh