Hellton University.
Stephanie Cruz P.O.V
"Guys totoo nakita ko si Geneva Elizundo at siya yung nasa panaginip ko." Sabi ko sa kanila.
Kinuwento ko sa kanila ang nangyari kagabi yung babaeng nakasuot ng pulang bestida si Geneva Elizundo.
At kinuwento ko rin sa kanila ang sinabi sa akin ni Geneva ang maghanda sa pagsapit ng ikatlong araw ng nobyembre.
"Kung Ganon kailangan natin yan paghandaan at pagplanuhan" sabi ni Nathan.
***
Syrill Aguas P.O.V
Di ko na keri ang mga kababalaghan dito! Gusto kong makapag isip isip. Jusko po ano ba naman to!
"Oh Ryan?"
Oh come on! Tadhana nga naman ay Choss!
"Oh Syrill? Gusto mo bang maupo? Dito oh upo ka muna" sabi niya
Oo nga pala! Nandito ako ngayon sa Likod ng Unibersidad namin yung parang garden. dito yung First meet namin ni Ryan. Remember?
"Ah sge Salamat" sabi ko at umupo katabi niya.
"Natatandaan mo pa ba yung unang pagkikita natin?" Tanong ko sa kanya.
"Ah oo naman Hahaha" sagot niya.
"Hihi ang presko dito no? Nakakalimutan mo agad yung mga problema mo, kaya dito ako nagpupunta eh kapag gusto kong magpahinga at makapag isip isip" sabi ko sa kanya
Spell AWKWARD? ito yun eh.
"Hahaha parehas pala tayo dito din ako nagpupunta kapag gusto kong Makapag isip isip at syempre Matulog Hahaha" natatawang sabi niya.
"Naku! Naku! Matulog nga ba? Baka naman may ginagawa kang kababalaghan dito? Hahaha Joke Lang!" Biro ko sa kanya.
"Hahaha Di ako ganon no" sabi niya.
"Hahaha ge sabi mo eh anyway may tanong nga pala ako sayo" sabi ko sa kanya.
"Ano yun?" Tanong niya.
"May relasyon ba kayo ni
A-Amora? Nahihiya kong tanong sa kanya."Ni Amora? Hahahaha! Wala no, kaibigan ko Lang yun" sabi niya.
At dahil dun napangiti ako ng MALAPAD like this ^_________^ Hahaha
"T-Talaga? As in Friend?" Paniniguradong tanong ko sa kanya.
"Oo , teka bat mo natanong?"
Homay! Ito na nga ba eh.
"W-Wala Lang masyado kasi kayong Close sa isa't isa" sabi ko sa kanya.
Napangiti siya. Homay yung Dimple niya.
"A-aaaaarayyy!!!!! Shit!" Bigla siyang sumigaw at parang namimilipit sa sakit.
"R-Ryan!!! R-Ryan okay ka Lang ba?" Pag aalalang tanong ko sa kanya.
"A-aaaaaaaray!!!!!!!!!" Hawak siya ng hawak sa dalawa niyang Mata at ang sumunod ay bigla na Lang siyang nahimatay.
Shit Ryan may sakit ka ba?
***
Stephanie Cruz P.O.V
"Your brother is okay, yun ay isang sintomas sa sakit niya sa mata mabuti nalang at naidala niyo agad siya sa ospital" sabi ng Doctor.
Bumalik na naman ang sakit ng kapatid ko. Mas lalong lumala. At sabi ng Doctor dapat makahanap kami agad ng Eye Donor sa Lalong madaling panahon.
"Steph totoo ba yun? M-May sakit sa Mata si R-Ryan?" Nauutal na tanong ni Syrill.
Nandito kami ngayon sa ospital kasama sina nathan, julia , josh Nicole at Syrill.
"Oo" mahinang sabi ko sa kanya.
"B-Bat---- Paan--------" nauutal na sabi ni Syrill.
"Patawarin niyo ko at ngayon ko Lang sinabi sa inyo" sabi ko sa kanila.
"O-okay Lang yun wag kang mag-alala tutulungan ka namin sa paghahanap ng Eye Donor ni Ryan" sabi ni Nicole.
"Yes, syaka may kilala si Mommy about that eye donor thingy" sabi ni Julia.
"Salamat sa tulong niyo" sabi ko sa kanila.
"Sus wala yun. oh di pa ba tayo kakain? Nagugutom na ako at si baby eh" sabi ni Julia.
"Oh josh? Paano ba yan? Nagugutom na mag ina mo" pang aasar na sabi ni Nathan.
"Oo na! Alam ko din namang nagugutom na rin kayo psh ako na bibili ng pagkain sa labas" sabi ni Josh at lumabas na sa kwarto ni ryan upang bumili ng pagkain.
Pustahan tayo puro Pancit bibilhin nun hayy Naku antakaw nun sa pancit eh.
***
Oh. Oh. Oh. Makakahanap kaya sila ng Eye Donor?
keep on reading :)
Hellton University.
Written by: Heartlessjam Xoxo//Jomar Sagayno//
BINABASA MO ANG
Hellton University [Completed]
Horror• C o m p l e t e d • 39 Bodies Guess who gets the last Laugh