"Ah ano, wala akong kasama kanina. Bakit mo natanong?" She is never a good lier. Hindi ko naman talaga alam kung san sya nagpunta, kumbaga, hinuhuli ko lang nga sya, at ang dahilan? Gusto ko lang masigurado kung babae o lalaki yung kasama niya. Kasi? Tangina wala! Hindi ako makaisip ng magandang dahilan kung bakit gusto ko, babae lang ang kasama niya! Shit.
"Wala naman. Basta pag may gusto kang i-share, sabihin mo lang sakin ha?" Sabi ko. Wala kasi akong balita sa lovelife niya? Ang alam ko gusto siya ng tropa kong si James Sy pero hindi ko alam kung bakit hindi naman siya dinadalaw nung gago.
"Oo naman! Baliw." Bahagya kaming nagkatinginan, natatawa... nang biglang may nag doorbell.
Awtomatikong inunahan ako ni Arah sa pagtayo. Pero sinundan ko siya to see who knocked and ruined our moment. Wait, what?
"Arah, who's tha- oh? Pare!" Tumango ako kay James at inakbayan ko si Arah kaya naman nagpalipat lipat siya ng tingin sa aming dalawa. Kakasabi ko lang na medyo wala syang kwentang manliligaw tapos nandiyan na siya. Is he jealous? Or what? Tinanggal ko ang kamay ko sa balikat ni Arah.
"Whoa, wag kang malisyoso pre, I'm here kasi wala akong matuluyan."
"So it's true, andito ka talaga Trey, bakit nyo sinikreto? Kayo ba?" Natawa naman ako sa sinabi niya. "Ah, eh James pasok ka muna sa sala?" I gave way. Para makapasok sila. Sumunod ako sa kanila at naupo din ako sa sofa.
"So bakit ka nandito pre?" Tanong ko kay James. Binuksan ko ang TV sabay kumuha ng snacks, nilakasan ko ng kaunti yung volume para di sila magkarinigan. Natawa ako sa isip ko, why am I acting like this. Pero, hell to the reason why, I'm surely enjoying this.
"Trey pakihinaan naman!" Oops, hininaan ko na yung volume, sabi ng reyna eh.
"Why are you here Trey? Really?" Seryosong tanong ni James. He looks pissed.
"Hanging out with Arah. Nagbabahay-bahayan!" Binatukan ako ni Arah sa sinabi ko. Natawa na lamang ako. Can't imagine that I'll be in this kind of situation, wala naman kasi talaga akong kapatid eh.
"Hindi, pwera biro pare nandito ako dahil ayokong umuwi sa Papa ko." Kalmante kong sabi, switching the channels, browsing kung may porn! Ha! Wala palang ganun, umaga kasi.
"Alam mo bang they are going crazy just to find you? Nililibot nila yung buong Pinas just to find the great Trey Tenorio."
"Oh talaga? How ironic! They are searching for the whole world to find me yet di nila naisip maghanap dito sa Ortigas. Edi wow." Sarkastiko kong sabi. May pait sa tono. Kasi oo, alam ko sa sarili ko, galit ako. Hindi ko alam kung pano humupa 'to. Hindi ko nga alam bakit umusbong 'tong galit na 'to!
"You should have shown yourself Trey! Nanay at tatay mo yun! Para kang babaeng biglang naglayas!"
"Baliw ka nanaman Pre, kung hinahanap talaga nila ako, they will find me here." Sabi ko, pinatay ko yung TV. Gusto kong magfocus sa mga sinasabi niya.
"Your mother... is blind. Do you know that?" I looked at him. I didn't know. Tingin ko, kahit pa alam ko na she's blind? Hindi pa din magbabago ang reaksyon ko.
"No." Matamang sabi ko saka ako muling umiwas ng tingin. Suminghap si Arah, hindi rin kasi niya alam. How will I know? Eh hindi ko nga sila alam."You are being unreasonable Trey. Nanay mo yun! Wala kang kwentang anak."
That's when it hit me. It's below the belt. Inilapag ko yung tsitsirya kong kinakain at tinignan ko si James. My blood is running too fast in my veins, I can feel the rush of anger swimming through it.
"You are never left alone. Hindi mo naranasan na maiwan, maltratuhin ng tiyahin, na magtrabaho para makakain, na makisama sa iba't ibang tao para lang mabuhay. You are never left alone James! Wala ka sa posisyon ko na iniwan ng magulang!" Si Arah ay tahimik pa din sa gilid, pinipigilan ako sa pagduro ko kay James. Halatang kabado siya ngunit pasalamat na lang din ako at kalmado pa din siya. Si James naman ay nakaupo lang. Nakatingin sakin, nakakunot ang noo.
"Buong buhay ko James, tinanggap ko yung pagmamaltrato sakin ng tiyahin ko. Nagawa ko ngang kalimutan yun, naghilom na ang mga sugat noon!" Humahangos ako, lahat ng luha ay nalalaglag sa mga mata ko, hindi ko alam kung bakit at kung paano pero sobrang nasasaktan ako.
"Inihanda ko yung sarili ko, nilagay at tinanim ko sa utak ko na dapat pag nakita ako ng Papa ko, hindi ako wasted. Dapat nakapagtapos ako ng pag-aaral, dapat hindi ako adik. Kasi alam kong may dahilan kung bakit nila ako iniwan, at naniniwala akong magkikita din kami sa tamang panahon." Nanghihina na ang mga salita ko, hindi ko na mabigkas ng tama pero ang alam ko lang ay nailalabas ko lahat ng sama ng loob ko.
"Pero ano bang magagawa ko, tao din ako. Hindi ko alam na, hindi ko alam na- na masakit... na masakit pa din pala pag nakita mo sila. Hindi ko din maintindihan kung bakit nung nakita ko si Papa, ay ayos lang saakin, at nung bakit nakita ko si Rina ay nasaktan ako ng sobra..."
"Trey, umupo ka muna ikukuha kita ng tubig." Sumunod ako sa gusto ni Arah at umupo akong muli sa sofa. Sa lapag lang ako nakatingin, kanina pa akong hindi makahinga at iyak ng iyak.
James was dumbfounded, he couldn't utter a word. Maybe because he didn't know how great the pain was. Maybe because he couldn't fathom the fact that I was deeply hurt. Ininom ko ang tubig na binigay ni Arah at kinalma ko ang sarili. Umupo siyang muli sa tabi ko at marahang hinahagod ang likod ko enough to keep me calm.
"Siguro kasi, hindi ko naramdaman na ako ang gusto niyang makita, tingin ko kasi si Papa lang." Kalmado kong sabi.
"But they deserve an explanation Trey."
"Can't you understand it James? I badly need an explanation too! Dammit! It's been two freakin weeks since I left pero di nila ako nakita dito? Ano nang nangyari sa mga alagad ng Torrefiels na sobrang dami? This is so frustrating!"
"Maybe they are just respecting you rights to be human! To stay silent, to be at peace." Really James? What a lame one.
"To be what James? To be human?" I chuckled. "You're kidding! I am never complete as a human since they left me! I am a fucking puzzle and they are my missing pieces."
Muli nanamang tumakas ang nga luha sa aking mata, tila nag uunahan, tanginang luha yan, pati na naman kayo naguunahang takasan ako, at ang sistema ko?
Damn it.
![](https://img.wattpad.com/cover/9751155-288-k692005.jpg)
BINABASA MO ANG
Sumpa ng Kagwapuhan (Slow Update)
General Fiction♫ DIARY NG POGI BEFORE ♫ NOT RATED SPG! Ewan ko ba kay wattpad, bakit ginawang PG-13. ♫ Enjoy Once upon a time there was a prince-like man named Trey Tenorio who has this undeniably charms and irresistible looks, what would happen if fate would turn...