"Sino daw?" tanong ni Arah pagkapasok ko sa bahay.
"MERALCO." inis kong sagot. Nakakainis. Moment na kasi yun eh! Ayuuuuun na yun, nawala pa!
"Oh eh bakit inis ka?" tanong ni Arah. Bakit nga ba? Pwede namang hindi mainis di ba. Pwede naman kasi! Argghhh naiinis na naman ako!!
"Yung na kasi yun eh." bulong ko, di ko na pinarinig--
"Yung ano?!" hay, mali. Narinig pala niya.
"Yun na yung... paborito kong kutsara! NALAGLAG PA!"
Hay nako Trey! KUTSARA? Anong kabobohan yan?!
"TREY MATULOG KA NGA! NAKAKABIWISIT KA."
"Bakit sa tingin mo ba nakakatuwa ka?!"
"Pakyu." sabi ni Arah -_- Bwisit na 'to!
"Labyu!" Nagkatinginan kami pagkatapos kong sabihin yun. Si Arah? Dilat yung mata. Gulat much sa nasabi ko. Ako? Why should I be shocked? Sa gwapo kong 'to., kababaihan lang dapat nasisindak sa kin.
"Anong sabi mo?" tanong niya.
"Labyu, sabi ko. Labyu! Yung sinasabi lagi ni Michael V. sa bubble gang! Yung pagkatapos niyang mambara, sasabihin niya, labyu. Gets mo na?!" bulyaw ko sa kanya.
"Whatever, major loser!" si Arah habang nag-bebelat sign. CHILDISH, Tsk panget.
Makanood na nga lang ng DVD.
"Hoy Arah! May bago ako diyang DVD, saksak mo nga."
"K." Napakatipid niyang sagot
Sinalang na niya yung DVD, twilight para maiba.
Humiga kami ni Arah sa magkabilang sofa, ayaw naming magtabi. WAR kami!
Nasa kalagitnaan na yung palabas. Dito na sa puntong naging spiderman si Edward at nagaakyat sa puno habang nakasakay sa likod niya si Bella.
"Arah, hoy. Sabi mo magpapaliwanag ka kung bakit ka na-late ng uwi nung isang gabi?" pagbasag ko sa katahimikan, nako, mapapanis laway ko kapag di ako nakapagsalita eh.
"Kailangan pa ba talaga yun? Hmm, kasi nagpunta nga ako sa mall."
"Sinong kasama mo?" Tanong #1.
"Hmm, si Patrick."
"Patrick? Patrick ano?" Tanong #2.
"Ay? Oo nga ano, hindi ko natanong yung apelyido, Patrick ano ba? Patrick the star? ay ewan!"
"Sumama ka sa mall sa taong di mo kilala!?" Tanong #3.
"Oo, obvious ba?"
"Hibang ka na ba Arah?" Tanong #4.
"Hindi, ano ba yan ba't napunta diyan yung tanong?! Anong kaugynayan sa pagpunta ko sa mall?" Tanong ni Arah #1.
"Seryoso kang tinatanong mo yan!?" Tanong #5
"At bakit naman hinde?!" Tanong ni Arah #2
"Eh! Bobo ka ba?! Sumama ka sa hindi mo kilala tapos parang wala lang sayo?!" Intense na Tanong #6
"Eh ano naman sayo?!" Intense na Tanong ni Arah #3
"Tanga talaga minsan nako! Eh kung na-rape ka? Sinong sasagip sayo?! Feeling mo naman nasa Wattpad ka at biglang susulpot yung love interest mo kung kailan mo siya kailangan?!" INTENSE NA TANONG #7
![](https://img.wattpad.com/cover/9751155-288-k692005.jpg)
BINABASA MO ANG
Sumpa ng Kagwapuhan (Slow Update)
Ficção Geral♫ DIARY NG POGI BEFORE ♫ NOT RATED SPG! Ewan ko ba kay wattpad, bakit ginawang PG-13. ♫ Enjoy Once upon a time there was a prince-like man named Trey Tenorio who has this undeniably charms and irresistible looks, what would happen if fate would turn...