7 in the evening came and I am more nervous than a while ago. Paano ba naman, lumabas ka sa garden namin, na siya ding venue ng birthday party/unveiling of the real me paandar ni Papa ay napakadaming tao! All of the businessmen in town are there, quote unquote my idol in the business industry second to my dad of course, Mr. Morgan Buenavista is there. Hindi ko alam kung paano ko siya i-aapproach.
"Tol, handa ka na ba sa bago mong mundo?" Tumabi sa akin si Vernon at tinapik ang balikat ko, hindi ko alam na ganito ka-grandiyoso ang hinanda ni Papa na celebration, sana man lang ay kinonsider ko ang effort ni Papa na mai-train ako on how to become an elite, I am really feeling out of place right now. It's not like I wanted to change who am I now, It's just that I hope I become more prepared than ever.
"Tangina, ngayon lang tayo nagkapare-parehas ng kagwapuhan oh, ngayon pa ba ako aatras?" Binatukan ako ni Vernon at nagtawanan kaming lahat. Bwisit na mga 'to nakikiagaw na nga ng limelight, nambabatok pa.
"Trey, anak?" Natahimik silang tatlo sa boses na narinig namin sa pintuan, ako naman, naluha. Standing there is Nanay Flor and Tatay Sendo looking fabulous with their gowns and suits respectively. Papa is incredible! He made my so-called parents shine! Hindi ko na sinayang ang mga oras at dumiretso na ako sa kanila, niyakap ko si Nanay Flor at sumali naman si Tatay, I really missed them! I spent half of a year with them and they treated me well.
"Naku ikaw talagang bata ka! Masisira ang ayos mo niyan!" Pangaral sa akin ni Nanay, kumalas ako sa yakap niya ngunit si Tatay Sendo naman ang niyakap ko. "Tay, Nay, di niyo po alam kung gaano ko kayo namiss. Hayaan niyo na ako!" Niyakap ko pa sila ng mas mahigpit, nang mahimasmasan na ako, pinapasok ko sila sa kwarto. Umupo naman sila sa sofa ko at tinitignan na mag-ayos ang mga kaibigan ko. Bago ko isara ang pinto, tinignan ko muna kung may iba pang papasok. She isn't coming Trey, go back to your senses, will you! Sigaw ko sa sarili ko. Pero... Malay mo naman di ba?
"Trey... Anak pinilit ko siya, pasensya ka na, kabilinbilinan ng Papa mo isama namin siya pero ayaw niya kasi daw-" Tinaas ko ang kamay ko as a sign of defeat. Hinawakan ko si Nanay sa magkabilang balikat niya.
"Nay I will not lie to you, umasa ako na dadating siya, at umaasa pa rin akong makakahabol siya, pero if it is she who does not want to come and see me, I'll understand. Anyway, Arah is Arah, she is stubborn as ever."
"Well, this is the first time that I considered seeing you then." Napapitlag ako sa narinig kong boses, I cannot believe that this day is filled with too much surprises! I just can't believe it! Nakatalikod ako sa pinto at alam kong naron siya, nakita ko ang ngiti sa labi ni Nanay, ni Tatay, sa mga kaibigan ko, lalong lalo na kay Vernon. Well, he's enjoying the view now. Kaya I'll block his sight now.
I turned around then- "Wow!" isang malaking O ang nag form sa bibig ko pagkakita ko kay Arah, at isang malakas na hampas ang natamo ko mula sa kanya, napailag ako at narinig ko ang halakhakan nila sa likod ko.
"Is that your way in greeting me? KUYA? Huh! After how many months, ganyan lang?" she even shoot a death glare at me! I know okay. I know, hindi ko lang kasi mapigilan ang sarili ko. She bloomed, kaya ganun ang naging reaksyon ko, ang tanga ko lang, ang tagal ko siyang tinignan sa malayo tapos ngayong nariyan na siya yun agad yung reaksyon ko. DID SHE JUST CALLED ME KUYA?
"Sorry lil sis! Hindi kasi ako nainform na nag back-out ka pala sa kumbento." Nginitian ko siya at suntok na naman sa tiyan ang natanggap ko. Well, I didn't mind kung mapatay ako ni Arah ngayon, not literally okay, pero sa sobrang tuwa ko na pumunta siya not to mention na nagpaganda siya baka lahat ibigay ko sa kanya ngayong araw na 'to.
Tumalikod siya at akmang aalis, hinigit ko ang kamay niya at napalapit siya sa dibdib ko, nakapikit siya ng marrin tila ayaw makita yung gwapo kong mukha. "Dapat hindi na lang ako pumunta eh.."
Ginulo ko ang buhok niya at binulungan siya ng "Joke lang eh." Hinalikan ko ang tuktok ng ulo niya at naramdaman ko ang ngiti niya habang nakaharap siya sa akin. Just in time, Papa came in the scene.
"Whoa!" Nanlaki ang mata niya nang nakita niyang nakayakap sa kin si Arah. "Anak sabi sa 'yo e! Dadating ang araw na kakainin mo ang mga sinabi-" Bago pa niya matuloy ang kahihiyan na sinabi niya tinakpan ko na yung bibig niya. At kinausap ng mabilisan!
"Papa it's not like what you're thinking!"
"Ang klaro klaro nakaya-"
"Were friends."
"Friends with-"
"Pa it's my birthday."
"Well happy birthday, pinaghanda kita 'nak!"
"Ah, Pa ang ibig kong sabihin pagbigyan mo ako, wag mo kong asarin!"
"Ah okay. Okay." Tinaas niya ang kamay niya as a sign of defeat, tatawa-tawa pa 'tong si Papa, nakaka-aning siya. Bigla nga niyang binalingan sila Tatay Sendo na kanina pang nakatingin sa amin.
"Ah! Nanay Flor, Tatay Sendo!" Sinalubong siya ng yakap ni Nanay at Tatay. Nagkakatuwaan sila habang yung mga kaibigan ko naman sa liko naghahampasan may tinitignan sa cellphone ni Mac.
"Iha! Arah nako namiss kita!" Umakmang yayakapin ni Papa si Arah, pero pinigilan ko siya, narinig ko kasing nag-ring yung cellphone niya. Nilagay ko sa gitna nila bago pa niya maisagawa yung gagawin niya para asarin ako. Kinuha niya yung cellphone at saka ako tinapik habang umi-iling-iling, "Selos mode, beast mode, pinrovoke!" Tawa siya ng tawa habang ginugulo ang buhok ko at palayong lumalakad habang may kausap sa telepono.
Si Arah naman, nakataas ang kilay sa amin, siguro kanina pa naaasar o naguguluhan sa mga nangyayari.
"Guys the party will start!" Napatingin kami sa taong nasa hagdanan, my cousin Amirah is there. Sumunod naman kaming lahat sa kanya at nakarating din kami sa garden. Pumunta na sila sa table nila. Yung apat kong kaibigan, James came late, at sila Nanay, Tatay, at Arah. Ako naman hinila sa backstage. Pinaupo ako sa backstage at iniintay na lang daw si daddy.
"Trey!" Napatingin ako sa tumawag sakin at nakita kong si Sharah yun, tumayo ako at tumakbo siya papunta sa akin. Nangiti ako at niyakap ko din siya.
"Sabi sa inyo close kami eh!" binalingan niya yung mga bodyguards namin.
"Hinabol nila ko. Bawal daw ako dito." Hinihingal niyang sabi habang nakayakap pa din ako sa kanya.
I chuckled, seeing her in a long blue silk halter dress tapos malalaman mo na tumakbo siya papunta dito just to see me. She's one of a kind. "Gusto ko lang naman ibigay 'to ng personal sa 'yo." may inabot siya sa akin na isang mahabang lalagyan from Silver works, binuksan niya yun, pendant, halatang pinasadya. Ring siya pero may maliit na tali sa loob so mukha siyang pendant, may naka-engrave dun na, "Stay still." deep.
"Happy birthday Trey, hope you won't change!" Hinalikan niya ako sa pisngi at saka siya kumawala sa yakap ko. "Hintayin kita sa labas!" umakma siyang lalayo pero maagap ako kaya hinigit ko siya papalapit sa akin. Lutang ako sa binigay niyang regalo at saka sa ginaw ko kanina, Sharah never fails to make me feel that I am always wanted, she is giving me this feeling na siya lang ang nakapagbibigay, yung importansya na buong buhay ko ay hinahanap-hanap ko.
"Come with me... Sa stage." sabi ko sa kanya at hinigit ko siya patungo sa organizer ng event na katabi na ni Papa.
BINABASA MO ANG
Sumpa ng Kagwapuhan (Slow Update)
Fiksi Umum♫ DIARY NG POGI BEFORE ♫ NOT RATED SPG! Ewan ko ba kay wattpad, bakit ginawang PG-13. ♫ Enjoy Once upon a time there was a prince-like man named Trey Tenorio who has this undeniably charms and irresistible looks, what would happen if fate would turn...
