[16] Changes

109 2 0
                                    

Pagkatapos ng quality time ko kay daddy sa office niya, kumain kami sa labas. Treat ko. Aba siyempre! Kailangan kong ipakita sa tatay ko na kaya ko siyang ilibre.

About dun sa offer ng pag-aartista? Nah, di ko agad tinanggap. Malaking leap of faith yun. Kaya kailangang pag-isipan.

Kung sakaling itutuloy ko, alam ko sisikat ako. Ano ba kayo? Ang mukhang 'to hindi pang 2-minute fame!

"Pano na pa, uwi na po ako ha?" sabi ko kay papa pagkalabas namin ng restau na kinainan namin.

Di nga ko nabusog eh, pagtrabahuhin ko kayang chef si Nanay dito para sumarap sarap naman mga luto nila? Ang mahal mahal lasang papel! Sana nag jollibee na lang pala kami.

"Uuwi? No. Not yet. I haven't introduced to you your new house yet, anak." sabi naman niya. Na ikinagulat ko. Seryoso ba siya sa sinasabi niya? NEW HOUSE! Bagong bahay! Mahal yun di ba? Baka naman doll house binili sakin nito papa?

"BAHAY? Ok lang po kayo?" Tanong ko, natatawa tawa naman diya sa reaksyon ko.

"Tatanggihan ko po yan pa, salamat po. Sapat na po sakin na nakilala ko kayo, ok na din po ako sa bahay namin ngayon ng pamilya ko." pagpapatuloy ko, na mas ikinagulat naman niya.

"May asawa ka na anak? Tindi ha! Kebatabata mo--"

"Pa hindi!" putol ko sa imahinasyon niya, diyosme. Sinong asawa ko si Arah! Yuck ah.... Pero... Pwede din? Ah hindi!

"Eh ano pala? Live in partner? Kinakasama? Nag-ampon ka? Anak ano!" nagpapanic na si papa. Mabuti pang isama ko na lang siya sa bahay namin nang hindi siya mareact na parang si Sharah!

"Oh san tayo punta?" sigaw nya, nako naman 'tong tatay ko. Looking so formal on a Black Tuxedo, while shouting and following me.

"Just follow me pa." Kalmado kong sabi. Sabay kindat chupul dun sa waitress na nasa gate ng restau. Sa restaurant na lasang papel ang pagkain.

Mukhang natahimik naman si Papa habang nasa jeep kami, di siya umiimik. Habang pinagtitinginan naman kami, dahil nga sa suot niyan sobrang pormal.

Pagkababa namin, kumatok na rin akl kaagad sa pintuan.

"Haynako Trey san ka nanaman nagpun-- Ay! Hi.. Hello?" Pasigaw na sabi ni Arah, nginitian ko lang siya, ang cute niya kasi. Haha! Bigla siyang bumait nung nakita niyang kasama ko si Papa.

"Anak siya ba yung girlfriend mo?"

"HINDI HO!/HINDI PA!" Sabay naming sabi ni Arah. Shit, that was embarassing, parang ang..

"Defensive niyo naman. HAHAHAHA" na ikinatawa naman ng malakas ng tatay kong. Hay nako, pogi rin. Pero mas pogi talaga ako!

"Tara pa, pasok po tayo!" tumabi na din si Arah at hinayaan kaming pumasok, pumunta siya ng kusina. Siguro'y magtitimpla ng juice. Nako sana magtimpla talaga siya ng juice!

Saktong lumabas si Nanay Flor mula dun sa labahan namin, at si Tatay naman mula sa kwarto.

Tinignan ko naman si Papa, mukhang naguguluhan talaga siya kung sino yung mga nakakaharap niya ngayon. Siguro iniisip niya kung anong koneksyon ko sa kanila, kung live in partner ko ba si Arah-- Teka san galing yun?!

"Uy sakto, Pa. Meet Nanay Flor, at si Tatay. Mga magulang po ni Arah--"

"Na ka-live in partner mo, oo anak, tanggap ko sana naman sinabi mo agad--"

"Pa hindi! Ilang beses ko bang sasabihing kami ni Arah ay just prends!"

Nakita ko naman itsura ni Arah. Grabe, nakanganga lang siya.

Sumpa ng Kagwapuhan (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon