| ARAH |
-The next day-
Maaga akong nagising at bangag ang mga mata ko mula sa kagabi. Hindi ako nakatulog. Kasi, ugh! Ang hirap naman ng nagp-pretend. Ilang months na din kaming nandito kayla Trey, and I must say na komportable na ako sa kanya. When he's around I feel safe. Ohkay, weird di ba?
Trey is sort of special to me. Sobrang na-appreciate ko nung pinatuloy niya kami ng bukal sa puso nung nangangailangan kami nila Nanay. Yun nga lang, hindi ko talaga masyadong ma-feel na mag-thank you kay Trey dahil noon di pa kami close. Kaya dinaan ko na lang sa kabrutalan yung pagpapasalamat sa kanya.
Mabait si Trey. Mayabang nga lang. Paano ba naman kasi, may pagmamayabang. Matangkad. Maputi. Gwapo. May mala-Koreanong balat. Masipag. Independent. WAIT! Napapadami na ang adjectives na nauugnay ko sa kanya.
Package perfect di ba? Kaya hindi niyo ako masisisi kung... pakiramdam ko, infatuated ako kay Trey. Hindi ko kini-claim na inlove ako agad, you know. Love takes time. Hindi pwedeng ilang buwan pa lang kayong magkasama inlove agad. Minsan kasi we tend to be attached to someone, and then we conclude that we already had developed intimate feelings for them. But the truth is, when they go away, the feeling fades.
Iba kasi ang love. Love knows no boundaries. Kesehodang mag-LDR pa kayo ng jowaers mo, kung mahal mo, titibok tibok pa din yan ng bongga na halos kakabugin ang beating ng taong kakagaling lang sa jogging. Di yan mapapagod. Di yan magsasawa.
Kaya naman, hindi ko pa masasabing inlove ako kay Trey. Duh. Bukod sa mapang-asar siya, mapang-asar talaga siya!
"Haaaaaaaay."
"Hoy! Grabeeti ka naman maka-buntong hiningers." Sabi ni Trey habang nagbubutones ng polo niya.
Ako naman, nandito sa sofa, nagmumuni-muni kanina pa bago umentra si Trey.
"Umamin ka nga Trey, bakla ka ba? Panay ang gamit mo niyang mga words na galing sa Gay Lingo! Ohnoes." Pang-aasar ko sa kanya.
"Oyoyoyoy!" sabi niya, "Lalaki AKO!" dagdag pa niya habang dinidiin bawat letra. With feelings ba. Haha!
"Okaaaay. Push mo yan." Sabi ko. Tinuloy ko na lang yung pag-inom ng MILO. Prenteng prente lang ako sa pag-upo dito dahil siyempre naman, mamaya pa pasok ko. Maaga nga kasi akong nagising di ba?
"Anong oras pasok mo Arah?" tanong ni Trey habang nagsasapatos. "7 am." Sagot ko. "At talaga namang relaxed ka pa diyan sa kinauupuan mo?" out of nowhere niyang tugon sakin. "Uhmm *higop ng MILO*, Oo naman. Maaga-aga pa kasi eh. Bakit? Ikaw ba anong oras?"
"7 din." Sagot niya. "Sooo, ang aga mo din pala. Pero, ba't nagmamadali ka mag-ayos diyan? MILO ka muna!"
"Tsk, Arah talaga!" tapos ginulo niya yung buhok ko, kinuha niya yung bag niya. Sabay alis. "Hoy, aalis ka na?" Hinabol ko siya sa pintuan hanggang sa makalabas siya sa gate. "TINGIN TINGIN DIN SA ORASAN PAG MAY TIME!" and with that he ran.
Naguguluhan ako sa kinikilos nun. Napatingin ako sa orasan ko, maaga pa naman di-"TIME CHECK -6:45 in the morning. Brought to you by, Sinamay Ni Nanay Cereals" - Radio announcer.
Kaya naman dali-dali kong kinuha ang bag ko at,
.."TREY!! WAIT!!"
-Later-
I REALLY CAN'T BELIEVE MY SELF THAT I LET MY OWN STUPIDITY PUT ME IN DANGER. Prenteng prente ako dahil akala ko napakaaga kong nagising tapos, nung nag-uusap pala kami ni Trey eh late na pala ang loko! Ang problema pa, hindi niya agad sinabi! Pinahabol pa niya ako. Napakasama talaga niya! Naka-abot pa naman ako sa first subject ko.
BINABASA MO ANG
Sumpa ng Kagwapuhan (Slow Update)
Ficción General♫ DIARY NG POGI BEFORE ♫ NOT RATED SPG! Ewan ko ba kay wattpad, bakit ginawang PG-13. ♫ Enjoy Once upon a time there was a prince-like man named Trey Tenorio who has this undeniably charms and irresistible looks, what would happen if fate would turn...
