Two months. Two freakin' months na hindi ko nakikita si Arah. It's been hell. I don't know why I'm missing her that much.
Hinilamos ko ang kamay ko sa aking mukha. At saka umupo sa kama kong napakagulo. I'm messed up! I'm not me without them... without, her..
"Anak kakain n- Trey, mag ayos ka nga." Narinig kong bumukas ang pinto, at nakita ko si Papa. He looks damn worried. It's my fault.
"Pa, don't look at me like that." Sabay irap ko, nangalumbaba nanaman at tumingin sa sahig.
"Dont look at me like that dont look at me like that! Mukha mo! Umalis lang si Arah nagkaganyan ka na. Yung totoo, may gusto ka dun sa bata no?"
"Maka bata ma naman Pa! Ang tanda ko na ba para matawag mo syang bata? Ewan ko sayo."
Pagkasabi ko nun, binatukan niya ako. Ewan ko ba kung tatay ko talaga to. Parang tatay kasi ni Vernon e, palong palo!
"Lolo mo, ako pa lokhin mo. kitang kita ko sa mga mata mo. Nung umalis nga, niluhuran mo pa. Trey, bakit di mo kasi pinupuntahan?"
"Pa tumigil ka nga! Nasanay lang ako na kasama ko siya okay? Yun lang yun, saka. Napamahal na sya sakin dahil sya lang kasama ko lagi noon. Wag ka ngang gumagawa ng kwento diyan!"
"Okay okay! Sabi mo e. Pero hindi pa din ako naniniwala. Darating ang panahon, ipakikilala mo din siya sakin bilang girlfriend mo. Tandaan mo yan. Bumaba ka na. Tanghalian na nakapantulog ka pa!"
Tumayo siya, ginulo ang buhok ko at napangiti na lang ako sa mga pinagsasabi ni Papa.
Pagbaba ko, nadatnan ko ng kumakain si Papa magisa sa lamesa.
"OH ANAK KAIN KA NA! Napakatagal mo naman. Gutom na gutom na ako, pinaghihintay mo ang hapag. Lika na." Sabi n Papa habang nilalantakan yung Pata. Di kaya sya ma high blood sa pinagkakakain niya?
"Pa naman. Puro ka baboy. Mamaya atakihin ka niyan."
Tinawanan lang nya ako at nagpatuloy na sya sa pagkain, ganun na din ang ginawa ko.
"Nga pala Trey, gusto ko sa Sabado magpaparty tayo. Gusto ko kasing, ipakilala ka na sa mga kumpare at kumare ko. Lalo na sa mga business partners ng Torrefiels! Excited na din silang makita ka. Ok lang ba sayo?"
Ok na ok, chibugan yon. Tatanggi pa ba ako?
"Gusto ko din na gawin iyon sa Sabado dahil 21 ka na sa Sabado. Tong lokong to o, walang reaksyon! Ibig sabihin di mo naalalang birthday mo?"
Birthday ko, bihira lang kasi akong maghanda sa birthday ko.
Napailing na lang ako at napatango, oo na. Mukhang hindi ko na din naman mapipigil ang excitement sa mga mata ni Papa.
"Sige po, pero di kasi ako sanay sa Sosyalan Papa. Pano ba yan!?" Kasabay nito ay ang pagtawa niya.
"Wag kang mag-alala, hayaan mo at marami akong kakilalang designer na pwedeng pwede at kayang kaya kang i-train, so. Are you ready Trey?" Nanlaki ang mata ko pagkarinig sa sinabi ni Papa, kailangan pa bang itrain ang pagiging sosyal? Nako po!
"Oh yes Amirah! My ever beautiful Niece, can you please accompany your cousin Trey to Darah? I would like him to meet her for Trey's training, oh. You sure? Really... That's so sweet of you Mirah! Ok, I'll wait for you in here. Keep safe!"
Napalunok na lang ako, this is it. Buhay mayaman? Ready na ba ako sa yo?!
*
"Talikod! Hmm. Ikot, isa pang ikot."
"Tangina pagod na ako." Sabay upo ko dun sa couch at masahe sa aking sintido.
"What did you just say? Hindi pwede ang bibig kalye dito, sino bang nagpalaki sayo? Palibhasa natira sa squatter, hindi mo tuloy nakuha ang dugong Torrefiel." Naglakad siya sa harap ko dala dala ang pamaypay niyang pink. Lalo lang akong nabwisit.
"You know what? I quit. Kanina mo pa ako pinapagawa ng mga bagay na di ko naman kayang gawin, then what? I'll end up looking like an idiot to you, ok pa siguro kung ibang trainor ang napunta sa akin, baka ikinatuwa ko pa. Pero kung ikaw lang din, wag na."
Kinuha ko ng marahas yung tuxedo na ipinatong ko sa sofa, tumalikod ako sa kanya.
"Don't worry, I'll tell my father to pay you double. Nakakahiya naman kasi sa galing mo sa pagtuturo." I smirked then went out, kinuha ko ang sasakyan ko, at nagpunta sa Middleton Point. Naupo sa gilid ng bay, at pinanonood ang sunset.
I would never dare to change my self kung lalaitin lang din naman ang nakaraan ko. I am what I am today, I'll never change!
"Badtrip." Makauwi na nga, pasalamat ako sa sunset at medyo gumaan ang pakiramdam ko.
Naglalakad ako papunta sa kotse ko, sinisipa ang mga pebbles na naliligaw sa daan. Hanggang sa lumayo na yung isa.
Sumunod yung pangalawa, napagtripan ko nanaman yung mga bato...
At yung pangat-
Lo... arah?
"Arah!" Buong galak kong sigaw, pero di niya yata ako narinig..
Ngunit napawi din kaagad ang ngiti sa aking mga labi...
There she is, after not seeing her for two damn months, she was happily chit chatting, with another man...
Who is playing with her hair.
They looked happy.
"Dobleng badtrip."
BINABASA MO ANG
Sumpa ng Kagwapuhan (Slow Update)
Ficción General♫ DIARY NG POGI BEFORE ♫ NOT RATED SPG! Ewan ko ba kay wattpad, bakit ginawang PG-13. ♫ Enjoy Once upon a time there was a prince-like man named Trey Tenorio who has this undeniably charms and irresistible looks, what would happen if fate would turn...