And so ayun na nga ang nangyari kanina, apektado ako? Oo, siyempre nasaktan ako. Lahat naman ng anghel pwedeng maging demonyo, I even declared rebellion against my parents nung kami pa ni Jeff dahil nga ayaw ng mga magulang ko na maging kami—Pineperahan lang daw kasi ako, but di ko sila pinakinggan. Pinili ko siya, tapos ang siste sa huli sakin pala babalik yung di ko pagsunod sa parents ko.
For a span of 3 years, Jeff became the center of my all, that’s why nung iniwan niya ako, para akong nasalanta ng super typhoon. Walang direksyon sa buhay, walang ilaw na nakikita, walang pupuntahan. Oo, ganoon ako katindi mainlove, na pati si God nakalimutan ko nang balingan. That’s why I decided na pag mainvolve ako ulit sa isang relasyon eh sisiguraduhin kong si God ang magiging center nun.
Hayy salamat!! Natapos na din ang letseng tugtog! Bitter ako ngayon kaya hindi pwede yang Sway ni Bic Runga. Next time banned na yang kantang yan dito sa bar ko. Pakshit.
“Sharah?! What get you so drunk!? God!” I didn’t even bother to look up and see who this jerk was, he sounded familiar but as of now it didn’t matter. “Wait for me here, I’ll just go and check on your cousin.” Fvck, is that Jeff? Siya lang naman sa bar na ‘to ang nakakaalam ng itsura ni Yrnah, well except my crew, but they wouldn’t dare to toucch me even if I’m drunk as hell.
“Fuck, pano ba ‘to? Umuwi na si Yrnah, she’s drunk too! Wag ka mag-alala isa sa mga kaibigan ko yung naghatid sa kanya.” *pak* then I slapped him, he sounds concerned but hell, not deceiving enough to make me believe that he is. “Bitawan mo ko! Kaya ko sarili ko! Yrnah!” Hinding-hindi mo na ako maloloko JEFF.
| TREY |
“OY CHICKBOY!” sigaw ni James, papalabas na kasi ako ng bar, “Oh? Bakit ganyan ka makatingin?” tanong ko sa kanya, parang mangangain kasi amputa. “San mo dadalhin yan?” sabay nguso sa bitbit ko, ay oo nga pala, buhat ko nga pala si Sharah. Yung pambaboy, haha! Seryoso, kasi ayaw niyang mag papigil sa pag-inom kanina, kaya hinamon ko pa siya ng inuman. Hanggang sa hindi na niya kaya. Siya din nakatulog. HAHAHAHA.
“Iuuwi ko sa bahay nila.” Sagot ko sa kanya sabay pagpapatuloy sa paglalakad. “Pre, ok yan! Pero tandaan mo! Laging magsuot ng proteksyon!” sigaw ni James. Gagong yun. Anong akala niya, rerapin ko si Sharah?! NO WAY! Pogi lang ako, di ako bastos na tao. *kindat chupul*
At dahil alam ko naman na ang tirahan ni Sharah, edi pumunta na ako dun! Para ihatid siya sa oh-soo-laking-mansiyon HAHAHA! Sinakay ko siya sa jeep, hassle nga eh. Akala ng mga tao kidnapper ako, hello?! SA POGI KONG ‘TO? MUKHA AKONG KIDNAPPER? Ang… ang! Ang gwapo ko namang kidnapper?! AKO PA TALAGA AH!
Dalawang sakay mula sa SLF bar ang bahay nila Sharah. Ganun pa din yung pwesto namin. Buhat ko pa din siya. Nag-doorbell ako sa kanila, di naman kasi maririnig yung katok ko kung ganyan kalaki yang bahaaaaaaaay nila diba? “Sino po sila?” tanong nung maid na nagbukas ng gate.
“Trey po, Trey Tenorio, kaibigan po ni Sharah—“
“Ay ambot! Ma’am Sharah! Diyusko! Ano bang nangyari sa iyo bata ka! Nakuuu! Magagalit ang Ma’am Trina nito!” obviously hindi ko na natapos ang sasabihin ko kasi nag-histerical na ‘tong yaya ni Sharah.
“Dong! Dong! Dong!”
“Bakit Yan?”
Wow sosyal, Dong at Yan ang tawagan lakas maka-taartits!
“‘Tena dito at buhatin mo si Ma’am Sharah papasok! Lasing yata!” sabi ni Manang Yan
Dali-daling lumapit sakin si Mang Dong at kinuha si Sharah, kawawang Sharah, alog na utak, na-tsansingan pa ni Mang Dong. *wink* HAHA
BINABASA MO ANG
Sumpa ng Kagwapuhan (Slow Update)
General Fiction♫ DIARY NG POGI BEFORE ♫ NOT RATED SPG! Ewan ko ba kay wattpad, bakit ginawang PG-13. ♫ Enjoy Once upon a time there was a prince-like man named Trey Tenorio who has this undeniably charms and irresistible looks, what would happen if fate would turn...