[13] Trey's new life.

169 4 0
                                    

 

*yawn* Dito pala ako nagising sa sofa? Hay. Si Arah kasi eh!

“Goodmorning nak, gising ka na pala. Linggo ngayon ah, may pasok ka ba?” tanong ni Nay Flor.

“Goodmorning din nay, wala naman po. Sa trabaho lang po mamaya pang gabi.”

“O siya, kumain ka na.”

Sinimulan ko na ang pagkain ng almusal na inihanda ni Nay Flor. Si Arah, tulog pa. Wowowowow kasi sa pag gala eh.

Maya-maya pa, may kumatok sa pinto, “Nay ako na po.” Sabi ko. Sabay punta na sa pinto.

“Good morning.” Isang pustiryosong babae ang bumungad sa harapan ko, mukhang artista. Nakita ko na ba ‘to sa T.V?

“Hi, good morning I am Amirah Joseff, and I supposed that you are Mr. Trey Tenorio? Nice meeting you.” Sabay lend ng hand niya to shake hands with me. Inabot ko naman yun.

“Yes I am, ano pong maipaglilingkod ko sa inyo?” tanong ko.

“Hey you can trust me, can you let me in your house? Its just that, my stilettos are so high.” Sabi niya sabay flash ng smile. Oo nga, ang rude ko. Masisira ang imahe ng mga pinoy bilang pagiging hospitable dahil sa akin. Haha!

“Sorry for that.” And then I let her in. Mukha naman siyang harmless eh.

“Nak?” singit ni Nay Flor. Sabay lapag sa juice na dala-dala niya. Ang bilis naman ni Nay Flor.

“So she’s your mother Trey?” tanong sakin ni Amirah.

“Not biologically but obviously, she loves to take care of me, and the world is just a matter of what you give, is what you’ll receive.”

“Oh, I see. Nice to meet you ma’am.” Sabi niya kay nay tapos nakipag-shake hands din siya.

“O sige anak, maiwan ko muna kayo.” Sabi ni nay Flor, tumango naman ako sa kanya.

Umupo ako sa kaharap na upuan ni Amirah. Uminom muna ako ng juice, ang tagal niyang magsalita.

“Hi Trey, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, I am Amirah Joseff from Torrefiel Network and I am glad to tell you that you have been chosen to be one of our newest artists.”

*boom!*

Napalingon ako sa likod at nakita ko si Nay Flor na nagpupulot ng basag na pinggan. “Nay, okay ka lang?!” pinuntahan ko agad siya at niligpit yung nabasag na pinggan, pinaupo ko muna siya sa may upuan sa tabi ng mesa.

Pagkatapos ko magligpit eh binigyan ko muna siya ng tubig. Nahilo siguro si Nay Flor kanina kaya medyo nawalan siya ng balanse.

“Nay, ok ka na?” “Oo anak, sige na’t bumalik ka na sa kausap mo. Pasensya na sa abala ha.” Malumanay niyng sabi. Ayoko naman na maramdaman niyang abala siya eh. “Nay, hindi naman kayo abala eh. Tawagin niyo lang ako anytime. Ok? Balik lang ako saglit nay ha, diyan lang muna kayo, wag kayong tatayo.”

Sumpa ng Kagwapuhan (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon