[34] Priceless

6 0 0
                                    

Hindi ko na alam kung anong mas sasakit pa. Ang malaman na hindi si Rina ang totoo kong ina, o ang tanggapin, na ang babaeng kinamuhian ko dahil sa pagmamaltrato nya sa akin, ang inakala kong tiyahin! Ay ina ko pala? Dun ako sa pangalawa. Putangina.

"Trey... Kaen na tayo..." Arah is such a gem, she never left me. The way my dad did just because Sharah wished for it. Nang gabing yon nalaman ko na kaya ako kinaibigan ni Sharah eh para mapalapit ako sa kanya. She even said na at one point, minahal nya ako pero nawala kasi nandiri siya. Incest eh.

"Arah. Thank you for being there." Niyakap ko siya. I've been crying for days and it makes me feel such a wreck. I am grateful enough that Arah is there, she never left me and she took care for me. Kumbaga sa pelikula, she had me at my worst.

"I can't live without you anymore..." Bulong ko sa tainga nya.

"Trey, malungkot ka lang. Tsaka mo na sabihin yan, kapag okay la na. For now, rest... please?" Dahil request  nya ito ay sinunod ko agad. Kumain ako, naligo, nagayos, nagpabango, it is totally refreshing. Nakakapanibago.

Pagkatapos ay bumalik ako sa hapag at naabutan ko si Arah na nagliligpit doon.

"Arah, ako na diyan." Umiling siya at biglang natawa.

"Arah, kamusta sila Nanay at Tatay, did they called you already?" Umiling siyang muli at naramdaman ko ang pagkaasiwa niya sa tema.

Iling lang ang sinagot nya sa akin.

"Siguro ay abala pa sila sa buhay nila Trey." They weren't like that before. Hindi ko alam. Halos lahat ng nilapitan ni Sharah. . .Nagbago.

"Napaka... Mapaglaro ng tadhana ano?" Out of nowhere, na sabi ko. Bumuntong hininga si Arah. Naupo sya sa tabi ko, tila handang makinig sa kahit na anong sasabihin ko.

"Gusto ko nang matapos lahat ng ito." Deklara ko. Tumango sya, at ngumiti ng tipid. Its like she is approving and blessing my thoughts on whatever I'd like to do with my life. She's such a blessing.

"It has been months since I've seen my friends... Mula ng gabing yon, na nagpabago sa buhay ko, hindi ko na sila nakita."

"Then go and have some get together, hindi ka ba nagsasawa sa mukha ko?" Natawa sya. Will I ever get used to seeing Arah blush? I love it when she do!

"Hindi naman nakakasawang tignan ang mukha mo." I said, while giving her the pleasure to see my lips smile, halfly.

"Muka mo!" Sigaw nya. Tumayo sya at pumunta sa lababo, maghuhugas yata ng plato. Malapit lang naman yung dining dahil di naman kalakihan itong apartment kaya kita ko pa din sya.

"Pero, napakamapaglaro talaga ng tadhana. Imagine, nagintay ako ng pagmamahal ng isang ina, pero di ko man lang alam na yung kinamuhian ko, nanay ko pala? Paano! Hay di ko mamukat isipin. Sana pala, di ako nagtanim ng galit sa kanya."

"Everything is in the past now Trey. It cannot be modified nor changed. But there is something you can do about today. Have you tried finding her?"

"Not yet. Sobrang gulo pa ng isip ko ngayon. I think I need a break." This past few days laging clouded ang utak ko. Tama ba ito, tama ba yan? Ano bang dapat gawin? Kausapin si papa o hayaan na lang sya? I can't even fucking think correctly!

"Then go and have a break Trey, go clubbing. Like you always do, hang out with your old friends. Ibalik mo yung lalaking kilala ko. Ibalik mo yung Trey na handang makinig sa may problema, yung taong hindi takot mag take ng risks kasi alam nya yung ginagawa nya. Go and find yourself, bring back the old you." I believe that that was the most inspiring advice I have ever heard from her.

"Pano ka?"

"Kaya kong maghintay..."

It was bittersweet for the both of us, ako na hinahanap ulit ang sarili, at si Arah na handang magparaya para sa ikasasaya ng taong mahal nya.

I left. Bumalik ako sa bahay na tinitirhan ko for good. I hang out with the boys, kinwento ko sakanila kung anong nangyayari sa buhay ko. They helped me... a lot. Sa buhay ko, sa pagpaparealize sakin ng tama at mali. Isa sila sa mga naging sandalan ko... for a week ganito lang ako, pasok sa trabaho, inom, bar, pero hindi ako nambabae. Sila Mark, Vernon, James at Luis lang ang kasama ko.

I felt better... I have to admit, that I am getting better. Hindi nawawala yung sakit ng kahapon pero pinipilit kong tanggapin yung sakit na yun, para hindi na ako masaktan pang muli. I have to endure the pain till I feel numb.

But the best thing that I have ever done is to reconcile with my mom. Nasa cab ako ngayon.

Driving on my way sa dati naming bahay. Ilang taon na din akong hindi nakabalik dito,7, 8 or 9? I can't even remember it.

Bumaba ako sa taxi. Bumalot sa akin ang pamilyar na ambience ng lugar na kinamulatan ko. Mga naglalarong batang kalye, masaya at walang iniintindi. Lahat sila nakayapak, nagtatawanan. Nariyan din yung mga manginginom sa kada tindahan, hindi yan sila mawawala. 24/7 yata ang duty nila sa inuman ano. Naglalakad ako patungo sa bahay namin, sa maputik at makitid na eskinita, mainit at nakakasulasok na amoy ng kanal sa may gilid. Pero sanay ako, dito ako lumaki.

"Eh kung di ka naman ba gaga't kalahati eh bakit tiyahin ang pakilala mo sa anak mo? Oh nganga ka ngayon!" Halakhak lamang ng mga babae ang naririnig ko, pinagtatawanan ang pamilyar na babaeng umiiling iling lang habang naninigarilyo.

"Para yun sa kabutihan nya. Tignan mo, nang umalis sa akin eh gumanda ang buhay! Nakita pa ulit yung tatay nyang mayaman!" Sigaw nya, habang papalapit ako ay nadudurog din ang puso. Pero kailangan ko na din kasing harapin ito.

"Jinela..." siniko sya ng isa niyang katabi nang makita ako. Nanigas ako sa kinatatayuan ko, hindi ko alam kung anong magiging reaksyon, alam ba nya na alam ko na?

"Uwi muna ako..." Tumayo siya at ibinato ang upos ng sigarilyong galing sa kangang bibig. Tila ayaw nya akong makita, o kaya'y puno lang sya ng galit. Tumakbo ako papalapit sa kanya. Papunta sa dating bahay na tinitirhan naming dalawa.

"Nay! Buksan mo ang pinto!" Nakailang katok at pagmamakaawa ang nagawa ko, bago niya binuksan ang pinto.

"Nay patawarin ninyo ako... Hindi ko alam." Pinapasok niya ako sa bahay. Nag-iba ito. Naging mas malinis, mas maayos at mas maaliwalas. Hindi kagaya ng dati na sadyang magulo. Parang araw araw ginera.

Nagkapatawaran kaming dalawa, pinaliwanag niyang gulo din siya noon at gusto niyang takasan ang lahat pero nang umalis ako ay napagtanto rin niya ang kamalian na nagawa niya.

Sa loob ng dalawang linggo ay dito ako tumira, pumapasok sa trabaho at dito ako umuuwi, pakiramdam ko okay na ako. Pakiramdam ko, unti unti na akong nakukumpleto.

"Anak kumain ka ng agahan bago pumasok ng trabaho ha?" Tumango at ngumiti ako kay Nanay.

Sa ikatlong linggo ay sinimulan na ni Inay maglimas ng gamit. Binenta nya ang TV, ang Ref, ilang electricfan sa murang halaga. Nakakatuwa nga na kapag binebenta nya ito ay sinasabi niyang "Bilhin niyo na yan, lilipat na ako sa mansyon ng anak ko!" At ngingiti ito ng abot tenga. Priceless. Yun ang tanging salitang masasabi ko sa ngayon.

Konti na lang, wala na kong mahihiling pa.

Sumpa ng Kagwapuhan (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon