[30] Reconcile

8 1 0
                                    

James didn't argue anymore. He stopped his mouth to say any words. Nagpaalam din siya na aalis siya, pero bago yun, may sinabi siya.

Tinanong ko siya kung paano niya nalaman na nandito ako. Sinabi niya na kay Sharah daw niya nalaman. So alam din pala ng kapatid ko, na nandito ako? Tinanong ko din kung pano nalaman ni Sharah, sabi niya sinabi daw ni Arah. Which made Arah shocked. Isang tingin ang pinasada sa amin ni James, bago sya muling nagpaalam at umalis.

"Trey, no. Nagsisinungaling si Sharah." Nakapikit si Arah habang sinasabi niya yan sa akin, after James left, she finally spoke.

"Why Arah?" Kalmante kong tanong. She stepped one step towards me, and I stayed still.

"Sharah and I met at the cafe, just a while ago." I tried to digest the information she is feeding me. Is this for real?

"She asked things about you, where are you, are we together, why are we living together and other weird stuffs like that. But. I never said, that... I never said you are here with me, hindi ko gagawin yun." Arah's voice broke, I can hear the sincerity in her voice. I can see it in her eyes. "Hindi ko magagawa yun sa 'yo! I respect your decisions, I know how you feel! Believe me Trey, please!" Nilakad ko ang kaunting distansya sa aming pagitan, at niyakap ko siya. "Of course I believe you. Thank you Arah, I know it is not your fault."

Si Arah naman ang binigyan ko ng tubig at pinatahan. Nag isip ako, nadadamay na siya dito and I don't want that to happen. Hindi din naman ako pwedeng magmukmok dito sa bahay nila, naisip ko nang magbalik sa part time jobs, pero sino bang niloko ko? Alam kong mahahanap nila ako once I do that.

"Arah can you go with me later? Haharapin ko sila sa bahay." Napatingala si Arah sa sinabi ko. Halatang nagulat pero tipid siyang ngumiti. It means yes.

Tumawag ako sa KFC para magpadeliver ng lunch namin. Hindi ko alam pero wala akong ganang magluto ngayon.

Bandang 6 ng gabi, ay nakaayos na kami ni Arah, bumyahe na din kami patungo sa mansyon ng Papa ko.

"Trey, iho!" Sigaw ng mayordoma ng bahay habang sinasalubong ako sa pintuan. Napatingin siya kay Arah ngunit agad din niyang binalik iyon sa akin.

"Nasan ho sila?" Tanong ko. Hawak ko ang kamay ni Arah. Yeah, our hands are intertwined. Oh, yes. I just want her safe from everyone's judgement kaya ipagtatanggol ko siya. Nasa movie room daw ang tatlo. Agad naman kaming tumungo don ni Arah. Her face was blank, and I can't see any expression in her eyes, even nervousness is not really present.

"Hindi ko alam na ganyan po kayo ka-jolly Papa!" Malulutong na halakhakan ang narinig ko sa kabilang side ng pinto na dapat ay bubuksan ko na, napatigil ako. Gayun na din si Arah.

"Ganyan ang Papa mo Sharah, masyado siyang palabiro. Tignan mo nga ako, heto at di makakita, pero natatawa pa din ako sa kanya!" Nakaramdam ako ng kirot, para bang tinutusok ako ng sandaang libong karayom. Siguro nga hindi nila ako kailangan, siguro nga hindi ako importante sa kanila.

"Trey..." Tinignan ko si Arah, nangungusap ang kaniyang mga mata na para bang sinasabing; buksan mo na ang pinto.

"They don't need me..." bulong ko.

"Don't jump into conclusions Trey, please..." Mukhang napalakas ang usapan namin ni Arah, maya maya kasi ay may nagsalita sa loob.

"Nay, Koring? Nariyan na ba ang meryenda namin?" At pagtapos ng malamyos na tinig na yun mula sa babaeng minsan kong minahal, ay bumukas ang pinto.

"Nay- Ugh, Trey?" Nginitian niya ako, ngunit agad ding nabura iyon nang makita niya ang mga kamay namin ni Arah. Nang mapansin naman ni Arah na tinitignan yun ni Sharah ay agad niya akong binitiwan. "It's not what you think!" Tipid na ngumiti si Sharah. "Pasok kayo."

"Anak who's there?" Sumunod kami kay Sharah sa malaking Movie Room. Nasa likod ko si Arah, rinig pa din ang halakhakan ni Papa at ni Rina.

Halata sa mukha ni Papa ang pagkagulat nang makita niya ako. "Trey Tenorio! Where the hell have you been!" Walang halong galit sa kanyang mukha, niyakap niya ako. Fight the tears. Bulong ko sa sarili, nagtagumpay naman ako doon.

"Son! Where have you been?" Bumitiw si Papa sa akin at tumingin kay Arah. Ngumiti siya rito. "Sabi ko sayo anak, darating ang isang araw at ipakikilala mo sakin si Arah bilang girlfriend mo!" Tawa ng tawa si Papa. He is freakin' trying to act normal. But no.

"Hindi kami." Tipid kong sagot, tinapik  ako ni Papa sa balikat at sinabing 'wag mo na ideny. Bawas pogi points yan' ngunit hindi ko siya pinakinggan.

"Pumunta ako dito, kasi baka hinahanap niyo ako. Pero mukha namang hindi kasi masaya na kayong tatlo. Sige, alis na ako." Hinigit ko ang kamay ni Arah na tahimik pa din hanggang ngayon.

"Trey!" Sumigaw si Sharah. Hah, right. Sa loob ng kwartong 'to, bukod kay Arah ay si Sharah lang ang may kayang sigawan ako. We were having some understanding here, then we are fucking siblings. No joke.

"Anak. . ." That voice... that voice of her that I despised to hear too many years ago.

"Patawad! Patawarin mo ako!" She starts to become teary-eyed. Hindi siya direktang nakatingin sa akin dahil nga sa bulag siya. Papa is just there, saying nothing.

"Alam kong gusto mong maramdaman ang kalinga ng isang ina, at maiintindihan ko kung galit ka... Trey maiintindihan ko. Pero kahit papano, ay hayaan ko naman akong makabawi sa 'yo." Nilapit ni Sharah ang wheelchair ni Rina sa akin at agad pinagdaop ni Sharah ang kamay namin ni Rina....

"Anak patawarin mo ako!" Humahagulgol na kaming lahat dito. Nakita ko ring nagpunas ng mata si Papa, si Arah man ay umiiyak na.

"Para san pa? Eh masaya naman na kayo diba. I heard you guys laugh your hearts out a while ago. Don't push me to be with you Pa, Sharah, Rina. This will kill all of us. I can't do this! I cannot accept this!" Mga taksil na luha.

"Bakit hindi ninyo ako hinanap! Ang kailangan ko lang naman ay ang kalinga ninyong dalawa! Bakit una nyo pang binuo ang nakaraan ninyong dalawa, Pa? Ma?"

"Hinanap ka namin! We deployed many of our private investigators to do the search!" Sigaw ni Papa, I chuckled.

"Bullshit!" Napalakas ang sigaw ko at nagita silang apat doon. Thank God Arah never let go of my hand kahit gaano ako kagalit, she held me and that's freakin enough to make me calm! And I don't have any freakin' idea why!

"That's bullshit Pa! Fire all your men because they are not doing the right thing! Nasa Ortigas lang ako the whole time! Nasa bahay ni Arah! Kaya wag niyo sabihin sa akin yan! Inuna niyo lang talaga mga sarili niyo! Inuna nyo lang talagang kilalanin 'tong isang anak niyo! Now I'm done. Pinatunayan nyo lang sa akin na tama lahat ng mga tumatakbo sa isip ko."

"Trey no!" Arah shouted. She let go of my hand. I panicked.

"Arah, let's go! Wala akong puwang sa bahay na 'to. Sa buhay nila."

"That's not true Trey! Hindi yan totoo!" Sabi ni Papa. Tipid akong ngumiti.

"Pa, thank you kasi kahit papaano, naramdaman ko magka tatay. Paramdam mo yun kay Sharah. Kailangan nya yun, at alam kong kaya mo yun. Now let me leave, let me damn think because I'm losing my mind. Arah, please?" Sinulyapan silang muli ni Arah at nakita niya ang mugto nilang mga mata. Yumuko siya at inabot ang aking kamay.

"Thank you baby..." Nilapit ko siya sa akin at hinalikan ko ang kanyang buhok.

Sumpa ng Kagwapuhan (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon