[1] Not your typical Boy-Next-Door

667 12 9
                                    

I was one of a hella weird guy that’s why since grade 3 I wrote in a diary, ‘la lang. Just to blurt out my emotions. Hindi naman kasi porke lalaki eh wala ng karapatang magdrama. Yeah, I know we are not fond of crying our feelings out but not all men are the same. Yes in some aspects we were, but atleast on some eh hindi naman. Unlike girls, LAHAT SILA MAHIRAP ESPELENGIN. In other words, mahirap intindihin. Kahit sinong babae ganyan ang katangian, kaya kung may magrereact man diyan, wag mo ng itry, mas ija-justify mo lang ang pagka-guilty mo. Please, wag ako ha?

“Hi there Princeey.”

I backed off when I heard that voice. May dalawang options lang naman kasi ako, ang sapukin siya o ang tumakbo. Eh since campus hearthrob ako at hindi nananakit ng babae, eh tumakbo na lang ako.

“Princeeeeeeeeeey!”

I want to shut the fuck up out of her so she’ll stop stalking me like I was a matinee idol. She is definitely ruining my everyday. Minsan napaisip na ako na ipa-guidance siya dahil sa iritang nadadama ko tuwing nakikita ko siya. Pero dahil gwapo ako hindi ko ginawa. *pogi pose* Hanapin niyo na lang ang koneksyon ng mga sinabi ko.

Takbo lang ako ng takbo hanggang sa makita ko na yung far far away building from her. Putek na tinalupan ng tinapa! Araw-araw na lang ba kong pagtitripan ni Fiona? Bullshit. Wala akong balak maging shrek niya.

“HEY! WATCH YOUR STEPS!”

Count to three. Then all went…


PINK.

Bakla ako e. Kala niyo naman black? Tas mahihimatay ako? Mga chararat. Di ako damsel in distress.

Buti na lang pogi ako, nakita ko yung hagdan na malapit ko ng matapakan, di ko na kasi alam kung san ako napupunta eh. Yung letsheng Fiona kasi, ayaw akong tantanan.

Malapit na siyang mawala sa balintata- “ARAY KO NAMAN!” Ibumped onto someone.

“Ano ba yan PRE! Tingin tingin din sa road pag may time. Mahal ang clay dough tas pucha bubungguin mo lang ako?”

AKALA NIYO BABAE MAKAKABUNGGO KO? Tapos siya na yung ka-love team ko dito? Wag ganun. Hashtag MedyoCliche yun.

“Sorry pre ah. Magkano ba clay dough bibili na lang kita? Di ko talaga alam kung magkano yun, di kasi ako gumagamit nun,” tinapik ko siya sa balikat “Alam mo na, ang natural na pogi di na kailangang magsuklay.” Sabay smile. “Bayaran ko next time. Sige na.” Umalis siyang napapakamot ulo. What have I done? Ang bait ko nga at babayaran ko clay dough niya eh. At humble ako dahil di ko diniretsa na pangit siya.

WALANG MAGREREACT!

AKO LANG KASI POGI DITO. *kindat chupul*

Naupo ako sa may hagdanan at nag-antay ng 10 minutes. Now, cleared na ang grounds. Halellujiah! Saved by the lunch bell. Sana di ko makadaupang palad ang Fiona na yun.

Nagpunta na ako sa cafeteria to buy lunch at syempre para magreview. HOY kahit na gwapo ako, eh nag-aaral naman ako! Tigilan niyo ang stereotyping na kapag gwapo, bobo agad. BOBO BA AGAD? Baka mas maliit pa nga sa pandaca pygmea yang mga utak niyo. Tsk.

“Ate Flor isa ngang order ng adobo mong matamis, atsaka tatlong kanin.”

“Matakaw ka talaga Trey ano? Ikaw talagang bata ka, magkakadiabetes ang teacher na umuorder sakin ng adobo, pano ba naman kasi nilalagyan ko lagi ng asukal para sayo.”

Naks, ang sweet talaga ni Manang Flor, siya na lang kaya yung ka-love team ko? Tutal wala pa akong napupusuang binibini. Haha! Biro lang, 58 na si Ate Flor, may asawa na siya, si Manong Sendo, at may magandang anak, si Arah na dito din nag-aaral.

Sumpa ng Kagwapuhan (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon