[25] Grand Part III, Unexpected

6 0 0
                                    

"Twenty one years ago, I have lost the love of my life. My first wife Rina, and my only Son. Nangulila ako sa kanila ng matagal na panahon, pakiramdam ko napakasama kong asawa at ama. Thereafter I met Beatrice Torrefiel... My second wife, my second love. She became my everything, and I'm grateful that she loved me so much and she didn't care to look at my past... She took care of me and love me as if we've met so long ago. She became my best friend. But after 5 years of being with her, she also left me... And gone to heaven. I never had the chance to thank her for loving me but I'm sure that she felt it. I love you, Beatrice. I know you're smiling at me right now..."

"I've been waiting so long for this night to come." Kasalukuyang nagbibigay ng speech si Papa sa stage habang nakatayo kami ni Sharah dito sa gilid, hawak ko pa din ang kamay niya pero hindi ko alam kung bakit nanginginig siya.

"Baby, are you sure that you're okay?" Of course I'm worried as fuck! Kanina lang ang saya saya niya tapos after namin makita si Papa nag-iba na ang timpla niya. Wala akong ideya kung anong meron! "I am obviously not Trey, pero para sa 'yo pipilitin kong maging okay." Ngumiti siya nang bahagya at isinandal ko naman siya sa aking dibdib, hindi ko mapigilang wag mag-alala.

"My Kumpadres really know how much I missed my son. And this is the right moment to announce to the world that my son grew up as a good man even without the guidance and love of a father or a mom! Thank you for all of those people who loved him along the way! Nanay Flor, Tatay Sendo, his friends Luis, Mac, James and Vernon, and this special girl in here... Arah. Hindi ko na ako magpapatumpik-tumpik pa. The next business tycoon in the country, ang taga-pagmana ng Torrefiel's! Trey Tenorio!" Naghihilaan kami ni Sharah kanina pa, ayaw niyang sumama sa akin sa labas ng stage, aniya ayaw niyang agawin yung spotlight sa akin, nagpumilit ako pero ayaw niya talaga!

"Trey do not ruin your father's happiness! Go now! Please!" Wala na din akong nagawa dahil hinila ako ng organizer. Babalikan kita diyan Sharah, just don't go away, I need to know what your problem is!

The whole crowd applause as I step out of the stage, niyakap ko si Papa. "Happy birthday Anak!" Humarap ako sa lahat ng taong pumapalakpak, sa isang table malapit sa amin, I saw Arah all smiles at me nakatayo pa nga siya, standing ovation? Nanay and Tatay Sendo are all smiles too. Ganon din ang mga kaibigan kong bugok na tawa ng tawa, hindi ko lang nga alam kung natutuwa ba sila sa akin o pinagtatawanan nila ako. I saw Mr. Morgan Buenavista, and all of the business tycoons in town Ms. Aizzy Chua, Marizen Buenaventura, Aly Andrada and many more.

And at the right corner of my eye there comes my Sharah... Umiiyak siya, kasama niya yung naabutan kong si Manang Yan, at yung isang babaeng naka-wheel chair at naka-sun glasses. Perhaps, that's Sharah's mom? Pero, bakit... Bakit ka umiiyak Sharah. Tuluyan na akong nanghina nang makita kong umalis sila sa kinauupuan nila. Nagpunas din ng panyo ang nanay niya habang papaalis... Umiiyak sila? Napako ang tingin ko sa kanila. Narinig ko na lang na sinabi ng emcee na maaari nang kumain ang mga bisita.

"Trey sabihin mo ngang namamalikmata lang ako." Papa patted my shoulders, he is shocked as well. But why? Lumingon ako sa kanya. "Bakit, Pa?" Bumuntong hininga siya...

"Trey, yung.... yung kasama mo kanina... si Sharah, anong apelyido niya?" Bakit ito... itinatanong sa akin? Lalo akong naguluhan pero hindi ko malalaman ang sagot kung hindi ko ito hahanapin.

"Forester..." bulong ko. Si Papa naman ang umiyak pagtapos niya itong marinig. Bakit? Anong meron? Hindi ko na inantay ang sagot ni Papa, dali-dali akong bumabasa stage at sinubukan silang habulin... And Papa is with me also I don't even know why is he running with me.

"Sharah!" Huli na. Nakasakay na sya ng sasakyan nila at papaalis na ito. Agad akong nagpunta sa sasakyan ko and Papa's still following me! "Pa? Entertain the guests." Sabi ko ngunit hindi siya nagpatinag.

"No. I want to come with you. Go Trey, drive now!" Naguguluhan man kung bakit ay pinili ko pa din na wag na lang makiusig. Pinagpatuloy ko na lamang ang pag-mamaneho hanggang sa makarating ako sa bahay nila Sharah. Kumatok kami ni Papa, no one is fucking answering!

I tried to dial her number and luckily she answered it!

"Baby I'm here... Nasa labas ako ng bahay nyo, please what's the matter? Bakit ka umalis ng umiiyak? Can you tell me why?"

She dropped the call, napasinghap na lang ako at napahawak sa aking sintido.

"Trey ano daw?" Papa is still here bugging me about Sharah.

"Papa why are you here. Really?" Seryoso kong tanong. Mukha rin kasi siyang nag aalala. Hindi ko mawari kung bakit.

"You'll know later I need to talk to them first." Lalo lang akong naguluhan, pero tuwang tuwa naman kami nang makita kong pinagbuksan kami ng gate ng isa sa mga kasambahay. Nasa sala daw si Sharah.

Madali akong pumasok para kay Sharah, nakita ko sila sa sala nila. A maid is giving me directions so I know where it is, but Sharah is not alone in there... Nandoon ang mommy nya yata? Yung babaeng baka-shades kanina... I took one step closer to them...

There she goes...

"Rina." I heard my father mumbled. Right in front of me is my mom. Namukhaan ko din siya, and I couldn't believe it. What the hell? Sharah's mom is MY mom! What is happening?

"Rina... Rina patawarin mo ako." Pinuntahan ni Papa si Mama at parehas na silang umiiyak. Hindi ko alam kung bakit, ang labo.

"Hindi ikaw ang unang bumitaw satin Henry... Ako. Kaya huwag kang humingi ng tawad... Takot na takot ako ng mga araw na yun, kung kaya't pagkarating ni Mario ay agad akong sumama sa kanya, ngunit hindi ko alam na may gusto siya sa akin!" Umiiyak pa din sila. Kami ni Sharah tulala. Pakibilisan ang moment at gulong gulo na ako.

"Sshhh. Tama na. That's all in the past, ang importante, we have each other now." Papa is still comforting Mama at eto ako, naguguluhan. Oo, I know she's my mom. Siya ang lagi kong katabi sa kwarto, well... Picture nya. Pero hindi ko maintindihan kung bakit noong nakita ko si Papa hindi ako nagalit, pero ngayon. Hindi ko na din maintindihan ang sarili ko!

"Can you fucking explain everything to me guys?" Halatang gulat sila sa aking sinigaw. Napatayo si Papa at napatingin silang tatlo sakin. Sharah... My baby she's still crying... Alam din ba niya ang lahat ng ito? Kaya ba niya ayaw sumama sa akin sa stage dahil ano? Anak din ba siya ni Papa?

"Anak..." Lalo lang tumulo ang luha ko nang binanggit yon ni Rina... Ng... Nanay ko.

"Tangina... Naguguluhan ako eh. Ikaw ba Sharah, alam mo din?" Umiling siya. Pero nagpupuyos ako sa galit. Wala naman akong dapat ikagalit tangina! Hindi naman ako naloko o ano pero parang nagagalit ako sa Nanay kong iniwan ako sa tiyahin ko eh!

"Hindi... Hindi dapat ganito eh! Alam niyo pinaghandaan ko na yung araw na posibleng bumalik kayong dalawa sa buhay ko! Pero hindi ko alam kung bakit ako ngayon nasasaktan eh. Akala ko nasanay ko na yung sarili ko eh. Na may posibilidad na bumalik kayo sakin at bigla na lang akong kunin, hindi ko alam.. Na ganito... Na ganito kahirap eh! Pinamigay niyo ko eh! Tangina ano ba 'tong ginagawa ko? Masamang manumbat eh! Hindi ko na kilala ang sarili ko!" Napapalo ako sa pintuan nila...

Mali eh. Hindi ba pwedeng maging masama ngayon lang? All this time akala ko okay na ako eh, akala ko pagbalik ng tatay at nanay ko hindi ko na mararamdaman yung sugat ng pag iwan nila sa akin kasi nga may dahilan naman ang lahat ng bagay di ba? Pero niloloko ko lang pala sarili ko. I am not ready for this to happen... and I will never be...

Sumpa ng Kagwapuhan (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon