[35] The One

13 1 0
                                    

Maligayang maligaya kami ni Nanay na lumipat sa tinitirhan kong apartment. Yung matagal ko nang tinutuluyan. Inaayos na nya yung mga gamit nya sa kwarto nya sa ngayon. This house was brighter when she came... Para bang nagkaroon ng kulay ulit yung mundo ko. Hell to the past, it is done already. Hail to today, I love my mom!

"Anak, dito ka ba tumuloy nung... Umalis ka sa akin?" Tanong nya. Umiling ako. "Hindi nay, kinupkop ako sa simbahan, nang lumaki ako at nakapag aral naipundar ko itong apartment na rent to own, 2 taon na lang bayad na ito."

Ngumiti siya. Pinamilyar ko sya sa buong bahay para ma feel at home sya dito. Wala kasi siyang kasama kung gabi kaya naman, kailangan alam ni nanay kung pano isecure ang sarili niya at ang bahay namin.

Nang matapos si Nanay mag ayos ng nga gamit niya ay umupo kami para uminom ng juice at makapagkwentuhan. Sobrang light nya kausap, nakikita ko ang repleksyon ko sa kanya na medyo happy-go-lucky sa buhay. Tinatawanan lang ang mga problema. Nagkamustahan kami at napagkasunduan namin na wag nang paguusapan ang nakaraan. Nagkamali si Nanay at napatawad ko na iyon.

"Nay... nga pala, mamaya kung pwede magluto kayo ng mga masasarap na putahe? Kahit kare-kare lang at saka lumpiang sariwa."

Lumiwanag ang mukha ni Nanay sa narinig. "Matagal na akong hindi nakakapag luto! Puro lutong ulam lang kasi ang kinakain ko, kaya sige anak tena't mamamalengke na tayo!" Parang batang excited makalabas si Nanay nang mga sandaling iyon. Nagbihis ako at nagtungo na kaming agad sa palengke para mamili ng mga sangkap. Naabutan ko pa nga siyang nakikipagtawaran!

"Eh ano ka ba naman suki, parang di naman ako araw araw namimili sa iyo dito!" Sabi ni Nanay. Sinimangutan lang sya ni Aling Bebeng.

"Aba hindi ho naman talaga! Ngayon ko lang kayo nakita dito!" Nakita kong inismiran ni Nanay si Aling Bebeng. Na ikinatawa ko naman. God, thank you for bringing back this woman into my life!

"NAY! Ano ka ba, eh tama na ang pakikipagtawaran nyo ke Aling Bebeng. Malulugi na yan." Nginitian ko si Aling Bebeng, dapat gumana ang charms ko para maimpress ko si Nanay!

"Na-nay? Ana-k mo s-si T-rey? Ba't di mo naman sinabi!"

Inirapan siya ni Nanay at sinabing "Oo anak ko si Trey, eh ano sayo?" Saka siya umalis. Nako naman, bakit ba hindi umiepekto sa mga babaeng mahal ko yung charms ko!

Hapon na nang makauwi kami ni Nanay sa bahay. Inayos na nya yung mga kailangan sa pagluluto.

"Nay, ano kasi eh. May ipapakilala ako sa inyo, kaya ano... Kaya ako nagpaluto." Tumawa naman si Nanay, mukhang alam na nya yung ibig kong sabihin.

"Osige. Sino ba yang maswerteng babaeng nakabihag ng puso ng anak ko?" Ngumiti ako ng tipid... Mamaya nay, makikilala mo na sya.

Bandang 6 ng gabi ay nakaayos na ako. Si Nanay abala pa din sa pagluluto. Nagpaalam na ako sa kanya at nagmano. Nagtaxi ako papunta kayla Arah, excited ako. Bumili ako ng chocolates at bulaklak. Balak ko na kasing tanungin si Arah kung pwede ko ba siyang maging girl friend. Napangiti ako...

Si Arah ang dahilan ng lahat na 'to. Kung pano ako sumaya ulit, kung pano ko nahanap muli ang sarili ko. Sobrang saya ko!

"Nay alis na ako!" Sumigaw sya ng Mag iingat ka! Nagluluto kasi siya.

Nakarating ako sa bahay ni Arah within an hour. Medyo malayo pero ayos lang naman. Ganito talaga ang buhay ng poging nagmamahal, napangiti ako.

"Arah?"
Bukas yung pinto kaya naman pumasok na lang ako. Kinabahan ako bigla. Baliw na babae 'to! Hindi nagla-lock! Papano kung pasukin siya dito-

"Sumama ka na sakin Arah. Ako hindi kita sasaktan!" James? Anong ginagawa niya dito?

"Pasensya na James. Hindi natuturuan ang puso. Mahal ko si Trey. I'm sorry." Nakaluhod si James habang magkahawak sila ng kamay ng nakatayong si Arah. What a scene. Hindi ako makapaniwalang pinupursigi pa din pala ng mokong na 'to si Arah? And Arah... just said she loves me...

"Arah iniwan ka niya eh! Mas pinili niya ngang mag bar lang sa loob ng ilang linggo kesa ang balikan ka dito! Ako! Ako yung nandito na gabi gabing nagbabantay sa 'yo! Arah ako na lang!"

Hindi ako makapaniwala sa nangyayari. Kumuyom ang mga kamao ko, si James gabi gabi nandito? Bullshit! Si Arah ang nagsabi sakin na lumayo dahil alam nyang yun ang makakabuti sakin! I never left her!

"James." Parehas silang napatingin sa akin. Arah found her way running to me, hugged her tightly.

"Trey... You're back..." She hugged me so tight too and I kissed the top of her hair. I missed her scent. I missed her. So much.

"James, tropa kita. Alam ko, na alam mo lahat ng pinagdaanan ko, di ba? Tayo ang magkakasama sa loob ng isang buwan na yun. Walang ibang babae. I just needed the space to keep my shit together and that's what I did. Now I'm back. I'm back to own what's really mine."

Wala siyang imik. Matagal na kaming magkaibigan ni James at walang samaan ng loob, alam kong mahal lang nya si Arah kaya nya nasabi ang mga yun kanina. But I can't let go of what's rightfully mine... Arah is mine. I smiled at the thought. I sounded like a possessive womanfreak.

"Bro code James."

"Fuck you. Ikaw ang unang sumira sa bro code. Alam mo nung una pa lang na nililigawan ko si Arah."

"Ay ako ba? Pero ako naman yung mahal pare. Iimbitahin na lang kitang best man." We smiled. James smiled too, bitterly.

"Pa isa lang Trey." Inilayo ko si Arah sakin at nilagay ko siya sa likod ko, mamaya suntukin ako ng gagong to eh.

"Pu...tang ina mo Trey. Mahal ko si Arah pero mas mahal kitang tang ina ka." We laughed.

"Bro, taken na ko. Pasensya ka na!" I joked around to lighten up the mood. Mahinang suntok sa tyan, ay sa abs ko pala ang natamo ko galing kay James. Nagkunwari akong nasaktan pero dahil macho ako, di naman talaga ako nasaktan.

"Ingatan mo sya, Trey." James left after that. I kissed Arah on her cheeks. She blushed.

"I love you Arah Concepcion." I whispered on the side lf her ears..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 01, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sumpa ng Kagwapuhan (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon