[20] I've decided

37 2 0
                                    

"Trey,  ako na ang humihingi ng paumanhin kung mayron man kayong hindi pagkakaunawaan ng anak ko. Nagulat na lang din kami ng tatay mo sa desisyon niyang yan." huminga ako ng malalim bago nagisip ng isasagot kay Nanay Flor. Naguguluhan na ako. Gusto kong humingi ng sorry kay Arah dahil iniwan ko sya kanina, pero di naman ako makagalaw dito sa kinauupuan ko, nakasapo ang mga kamay sa aking sentido habang nakatingin sa lupa.

Arah, bakit ka biglang mang iiwan? Bakit?

"May tutuluyan na po ba kayo nay?" tumayo ako at hinarap si nanay flor, ayoko silang umalis. Ayokong mawala si Nanay Flor at si tatay. Lalo na si Arah.

"Eh iho, nakahanap naman na kami ng mauupahang apartment at nakapaghulog na din kami ng advance, nahihiya nga ako sayo, dahil walang sabi sabi ay kinupkop mo kami nung mga panahong nangangailangan kami iho, gusto ko mang pigilan si Arah pero desidido na siya anak paumanhin-"

"Nay naman." humakbang ako papalapit kay Nanay Flor at niyakap ko siya, kung hindi na siya napigilan ng sarili niyang ina, sino pa ba ako para humadlang sa desisyon niya? Naguguluhan man ako sa ngayon, hahayaan ko munang huminahon si Arah, sigurado akong may malalim na dahilan kung bakit ganit ang naging reaksyon niya.

"Kayo lang din naman ho ang iniintindi ko nay, napalapit na kayo sa akin, at alam niyong gusto kong laging nasa maayos kayong kalagayan." humihikbi si Nanay Flor sa akin. Nakita ko ang luhang tumutulo sa kanyang mga mata, oo nay. Mamimiss din kita.

"Iwan po ninyo sa akin ang address ng bahay na uupahan ninyo nang hindi ako nag-aalala at masiguro ko pa din ang kaligtasan ninyo." Tumango si Nanay Flor at bumulong ng salamat habang yakap ko pa din siya at umiiyak sa bisig ko. Mahal ko si nanay Flor. Hindi ko kailanman naranasan ang mahalin ng isang ina, kung kaya naman mahirap sakin na mawalay sa nag-iisang taong pumuno ng puwang na yun sa puso ko.

*

"Arah." Matigas ang pagkakasabi at halatang may halong pagkainis. Ito lamang ang nasambit ko habang nakikita siyang nagaayos ng kanyang mga gamit.

"Anong ginagawa mo dito Trey?" tanong niya, habang nagpupunas ng luha. Bakit Arah? Bakit?

"Susubukan kong pigilan ka." sabay lapit ko sa kanya at alis ng mga damit na nilagay niya sa maleta.

"Trey, ano bang ginaga-"

"Ayaw mo na ba akong makasama? May nagawa ba akong sobrang sama? Hindi mo na ba ako mapapatawad? Arah, ganun ba katindi ang galit mo sa ginawa ko kanina? Sorry Arah! Sorry! Patawarin mo na ako, nagkausap kami ni Nanay Flor at nalaman kong sinubukan niyang pigilan ka, pero hindi ka nagpapatinag."

"Trey, wag mo nang ipilit!"

"Arah pakinggan mo muna ako! Parang awa mo na, kahit ngayon lang, sa akin ka makinig. Alam kong wala pa sa 70% ang tsansa kong mapilit kang manatili, dahl kay Nanay Flor nga hindi ka na din nagpapigil, pero Arah.."

"Oh my God! Trey! NO! Tumayo ka nga diyan, wag kang lumuhod!"

"Arah, if this is the only way to make you stay..."

"Trey-"

"Arah, please. Sobra ka bang nasaktan sa pag-iwan ko sa 'yo kanina? Hindi na mauulit Arah, I can't see this room empty anymore. I don't want to go home here in this big house! Without my family... Without you. Please I'm begging you, just one more chance, I will be a good companion this time, I will treat you as my only sister, and I won't tease you anymore, just please! Stay... Arah. Stay please."

"Oh my God Trey, what have I done!"

I just found my self still kneeling n the floor, and Arah is hugging me so tight, pumantay siya sa taas ko kaya nakaupo na din siya halos. Were both crying. I don't know why. Seeing her leave, or even the thought of her leaving me? Is crushing me inside. Ayoko, hindi ko kaya. Kakaibang pakiramdam, hindi ko maipaliwanag, too much attachment can kill me, I know. And this fucking tie between me and her is fucking crazy and yes, it's killing me.

"Arah. Nasa labas na ang taxi- Trey?! Arah?"

Narinig namin ang boses ni Nanay Flor na sinabi yun pagkabukas niya ng pinto. Ito na yun, ano bang sagot niya? Hindi naman siya nag-react sa lahat ng pagdadrama na ginawa ko kanina. I looked at her and my focus was only for her. Waiting for the line na "Hindi na tayo tuloy Nay." and praying, still praying. Na hindi siya... at sila aalis.

Say it please..

"Anak. Ara-h." nangingiyak si Nanay Flor sa boses niya,

Arah. Please..

Stay...

Say it...

You'll stay right?

"Sorry Trey, I love you... as my brother and I'm thankful sa mga nagawa mo para sa amin.

But. I. Have. Decided."


No! Don't sound as if it's gonna be the last time that I'll see you.

Tumayo siya, binalik ang mga damit na tinanggal ko sa maleta niya.

Humakbang ng lima patungo sa pinto.

Sumulyap ng isa pa.

At saka...

NAWALA.

Sinubukan kong habulin siya, pero huli na. Nakita ko sa may pintuan na nagpapaalam na sila kay Papa. At nang makalabas na sila sa gate, tumakbo pa din ako kasunod niya. Nagbabakasakali na baka magbago pa ang isip niya.

Pero hindi na.

Wala na.

Huli na.

Desidido na kasi Siya.

Arah...

♪ ♫ ...And she's all that I need, and she's all that I see, and I'm out of my league once again. ♪ ♫

ayhentalks | February 17

HAPPY 5.1 Thousand reads, SUMPA NG KAGWAPUHAN! Salamat minamahal kong readers, hindi ko po ito inaasahan. I really want to get in touch with you guys, ngayong mas marami na akong oras para magsulat, sinong gusto ng next update? I really appreciate comments, rather than votes! I'M ALWAYS HERE TO INTERACT WITH YU GUYS! :) Keep in touch! ----> www.facebook.com/chayayayayayay

Sumpa ng Kagwapuhan (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon