“Poging umaga Vernon!” at nag dudappear kami. DUDE APPEAR yun. Sabihin niyo ng mabilis, magiging DUDAPPEAR. Hihi! Lahat ng sasabihan ko ng poging umaga, naambunan eh! HAHAHA!
“Oy tangna ka! Ang drama drama mo dun sa nakaraang assembly! Para kang bading!” shutanginames. Uungkatin pa talaga?
“Letche! Tigilan mo na nga pagpapaalala sakin nung araw na yun! Malilintikan ka talaga sakin!” tapos pinagpatuloy na lang niya yung pagma-mop niya sa kitchen. Inaayos ko pa kasi tali ng apron ko eh.
“Ay tol!” –vernon “ANO NANAMAN?” sigaw ko “PU-TANG-INAAA!” ang lutong ng pagkakasabi ni Vernon, buti na lang konti pa lang yung customer sa labas, gago talaga to! “ANG HARD MO. Manigaw ka na sa lahat wag lang ako ha?!” nanakot pa si gago, “Bakit ka ba kasi di matahimik diyan?” tanong ko “ITATANONG KO LANG KASE KUNG BA’T ANG AGA MONG DUMUTY.” Napansin din pala niya. Haha. Yun lang pala, di kasi dinideretso agad.
“Kilala mo si Ate Flor?” panimula ko, “Oo, oh anung meron kay Ate Flor? Anong konek niya sa tanong ko?” ang daldal nitong negrong to! “Pwede kasi patapusin akong magsalita di ba?” tapos nag-mop na din ako, ba’t ba ang dumi ng kitchen?
“Eh kasi nung umaga ng assembly, kumatok sila sa bahay ko.”
“Tapos pinapasok mo..” –Vernon
“Tapos pinapasok k – oo nga pinapasok ko malamang kasi nga kumatok sila di ba? Manahimik ka na nga muna!” tapos nag-peace sign lang sya. Bading yata tong isang ‘to eh!
“Pagkatapos ko silang papasukin, ayun nagkwento sila, nasunugan daw sila, eh wala na nga silang kamag-anak dito sa Maynila diba? Tapos nasama sa nasunog mga kwarta nila kaya ayun, sakin nakiusap na makitira.”
“MAKITIRA? WEE? Edi nandun din sa bahay niyo yung magandang anak ni Ate Flor? Si ARAH? Tol pa-sleep over naman sa inyo!” tapos para siyang batang nagtutumalon dun. Munggago. “Oo. Ganun na nga.” Tapos iniwan ko siyang tumatalon dun ng di niya namamalayan, nakita ko kasing padating na si Manager, kaya ayun, baka mapagalitan din ako eh. HAHAHA
MAYA-MAYA PA.
Ang dami ng tao sa mall. So it means, madami na ding taong kakain sa store. Ku naman! Kulang pa naman kami ng crew. Pano, isa pa lang ang naha-hire ni Mam Evy. At unfortunately, pinapagalitan na agad yung bago, ngayon pa lang. Tsk
“Di ba nag-training ka naman bago ka sumabak dito? Naku naman! Ba’t di ka naman kasi nag-iingat! Sa isang araw ang dami mo ng kamalasang nagawa, nakasunog ka ng dalawang order ng fries, yung ice cream sa coke float nilagay mo sa ilalim, anu ka ba? MCDO ‘to! Sa JOLLIBEE yung nasa ilalim ang ice cream ng float! Tapos yung Oreo McFlurry, CREAM-O ang nilagay mo? Hah! Ano bang kukote meron ka?”
“EH Kasi naman mam, nakakataranta, eh cream o kinakain ko nung mga oras na yun kaya yun yung naidawdaw ko!” –sabi nung babae / Grabe ginawa niya tala yun? Tanga naman niya. Oreo McFlurry nga eh, hindi Cream-O McFlurry. At ang tapang niya para sumagot. Ku! Naririnig ko lang yan syempre dahil… POGI AKO. Pakihanap ulit ang koneksyon.
“Poging Morning ser! May I take your order?” ang tagal lang akong tinitigan nung lalaki tapos pati sa nameplate ko nakatingin. “Ahh, ser, would you mind if I take your order?” nadistract naman siya. Kaya ayun sumagot na din siya, at umorder na. “I received 1500 pesos.”
Oo, kanina pa kasi ako nandito sa cashier kaya naman, hanggang pandinig na lang ang nagagawa ko sa nangyayari sa likod. Daming tao eh. Dito talaga ako lagi, sabi kasi ni Manager, pag ako daw nandito nagbooboost ng times 2 yung sales. Wala eh. \_(-o-)_/ POGI KASI.
BINABASA MO ANG
Sumpa ng Kagwapuhan (Slow Update)
General Fiction♫ DIARY NG POGI BEFORE ♫ NOT RATED SPG! Ewan ko ba kay wattpad, bakit ginawang PG-13. ♫ Enjoy Once upon a time there was a prince-like man named Trey Tenorio who has this undeniably charms and irresistible looks, what would happen if fate would turn...